CHAPTER 3 // STARTING

10 1 6
                                        





*yawnnnnnnnn*





hayyyyyyyyyyyyy..... it's Tuesday! and 2nd day na!




pero tinatamad na ako agad.



Tiningnan ko ang cellphone ko kung anong oras na, and it's 6:00am na.




Teka....




May message si Van!



Binasa ko ito at natuwa naman ako kase hindi siya galit. Pero siempre kakausapin ko parin siya mamaya sa school because kay Cyrus nga.


To Van

Uy! Wait mo ko sa gate ng school! Mga 6:50 anjan na ako :) goooooood mooooorning!

6:04am Sent.



Matapos kong magreply kay Van ay napansin ko naman ang isa pang nagmessage saakin. Hindi ko kilala kung sino e? So hindi na ako nagreply.



Even though nakakacurious kung sino pero well hindi nalang ako magrereply.


Nang matapos nang maligo ay agad na akong nagbihis, inayos ko na rin ang buhok ko at mga gamit for school.



Bumaba na ako at tanging naabutan ko sa baba ay si kuya Khalid.

"Good morning kuyaaaa!" bungad ko rito.


Dahil wala sila tita, wala din kaming breakfast! HAHHAHA


"Wala ng tinapay, pero buti nalang may milk pa kaya mag cereal ka nalang muna" paalala nito. Inabot niya naman saakin ang kahon ng cereal at gatas. Kumuha na rin ako ng bowl and kutsara para kumain na.


"Ay kuya! Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko dito bago pa siya umakyat.



"Uhmmm---- " aniya habang kinakamot ang ulo.



Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya kaya naman....



"Kuya pahatid naman sa school oh? Malapit lang naman e. Tska kuya oh malelate na ako! 6:45 na oh" ani ko at nag baby face pa ako rito. Baka umepekto e hehhe



"May gagaw---" hindi nanaman natapos ang pagsasalita niya nang biglang may tumawag saakin mula sa labas.



Pinapasok naman ito ng kasambahay namin dahil kilala niya na pala ito.


"Good Morning! Bro!" Bungad ni Cyrus saamin at nakipag apir pa kay kuya.



"So ano? Tara na Cean?" Yaya nito saakin




"H-huh? Anong tara na?" Nagtataka kong tanong


"Oh ayan naman pala e! Ayan oh siya na maghahatid sayo" ani kuya Khalid at ngumiti na. Kaya naman umakyat na siya agad.


"Ano? Malelate na tayo oh? Payag yan si Khalid, kilala na ako niyan" nakapamewang pa siya habang sinasabi ito.


Wala akong nagawa kundi sumabay na din sakanya dahil 6:50 na!!!!!



Pero okay lang 10minutes lang naman papunta doon e.


Nasa kotse kami ngayon, nagpahatid siya sa driver niya.



Magkatabi kami.


"Bat ba lagi kitang nakikita tuwing umaga ha?" Tanong ko agad rito ng makaupo kami sa kotse.


"Ayaw mo nun? Maganda na agad umaga mo?" Humarap ito saakin ng sinabi niya iyon sabay kindat.


Ew.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please, Don't ForgetWhere stories live. Discover now