~ 4 years ago ~
CEANA'S POV
*toot toot tooooot tooooooot*
Tunog mula sa room ni Mama, nagpapanic ang mga tito at tita namin. Sumisigaw sila at ang iba ay humahagulgol sa iyak.
Nagsipuntahan na ang mga doctor sa room ni mama. Ako naman ay napapatulala nalang at hindi alam ang gagawin.
Si mama nalang ang natitirang mahal sa buhay ko, ang kapatid ko ay namatay narin dahil sa saket, si Papa? wala akong pake dun, iniwan kami nun at pinili ang kanyang kabit. Kung babalik man si Papa hindi ko alam kung tatanggapin ko pa siya, pagkatapos nang ginawa niya saamin. Si Mama may sakit kasi siyang Alzheimer at sinamahan pa nang sakit na Brain Tumor. Siguro okay na rin yun dahil sa bawat araw na nakikita ko siyang nahihirapan ay mas nahihirapan ako. Madami na siyang naranasan at marami na rin siyang pinagdaan kaya siguro tapos na ang lahat nang yon.
Lumabas na ang Doctor at kinausap kami.
"We're very sorry, we do our best pero hindi na po siya narevive" ani ng Doctor at umalis na.
Napaluhod ako sa narinig ko, tulala, hindi makapaniwala. Nag tiwala parin ako sa mga Doctor na maaari nilang maalis ang tumor sa utak ng Mama ko pero hindi mali ako.
Napahagulgol nalang ako sa iyak. Iniisip ang mga bagay na pwedeng mangyare. Sino na magaalaga saakin? Sino na maghahain ng pagkain sakin? Sino na ang magmamahal saakin? Bakit kinuha siya agad?
Alam ko nang mangyayare to dahil sa hirap na dinadanas niya sa buhay at sa sakit pero ang sakit sobra. Ang sakit sobra na nawala na ang pinakamamahal mo nanay sa buhay mo, napakasakit.
Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay nang magisa.
~~~~~
Araw na nang libing ni Mama, huling araw ko na siya makakasama.
Lumapit isa isa ang mga tao upang bigyan ng bulaklak ang kabaong ni Mama at magsabi ng mensahe para sakanya.
And now it's my turn to leave a message for my Mom.
" Hi Ma! I love you Ma! sorry kung ang choosy choosy ko sa mga ano mang bagay, sorry kung pasaway ako .sorry sa lahat ma. I know it's too late to say all of these to you but still i am very sorry to all the things i've done to you. Thank you for raising me well and Thank for all the love you gave to me. Pupuntahan din kita jan Ma! hindi pa ngayon pero promise pupunta ako jan para magkasama na tayong tatlo ni kuya Xander. I love you Ma, I always do."
Sa huling mensahe na yun ay hinagis ko na ang paboritong bulaklak ni Mama at sinimulan na siyang ibaba.
Nag simula nang magalisan ang mga tao at ako ay nandito paren. Gusto ko na muna makasama si Mama ngayong araw at magsimula nang bagong buhay bukas.
Alam kong mahirap makapag move on agad pero kakayanin ko dahil wala na akong aasahan pang iba kundi ang sarili ko nalang.
14 years old palang ako ngayon, hindi ko alam kung ano gagawin ko.....
"Ceana let's go? maggagabi na, we need to go home na" pagaayang umuwi ni Tita Elice. Siya nga pala ang magaalaga saakin at magpapaaral.
Tumango nalang ako sakanya at sumunod na sakanya papunta sa kotse niya. Tahimik lang ako sa buong biyahe, masakit na rin ang ulo ko dahil sa kakaiyak, sa walang tigil na iyak. Gusto ko nalang matulog nang matulog hanggang sa makalimutan ang lahat ng masasakit na naranasan kong ito.
Nakarating din naman kami sa bahay nila tita. Malaki ang bahay nila, mayroong 4 na palapag. Sa first floor ay ang sala at kusina, second floor naman ay ang kwarto nila tita at tito kasama na ang maliit na opisina nila dahil narin sa trabaho nila ay kailangan nila nito dahil may-ari sila nang isang malaking kompanya. Si Mama din ang nagmamahala nito dati kaya lang ay pinasa na ito kay tito dahil nga patay na si Mama, ganun ka bilis. Sa 3rd floor naman ay ang kwarto ni Kuya Khalid, anak nila Tito at ang kapatid niyang si Meredith at ang magiging kwarto ko. Sa 4th floor naman ay ang Music room, Play room at andun narin ang rooftop.
Mas malaki ito kaysa saamin dahil tatlong palapag lang ang amin pero masaya naman. Satingin ko ay mahihirapan akong magaadjust dahil hindi naman ganun kadali kalimutan ang lahat.
Kumain kami ng dinner ng tahimik lamang, pagkatapos namin ay tumulong ako sakanila sa mga gagawin pa. Ito na ang magiging tulong ko sakanila sa pagpatira, pagpapaaral at pagaalaga nila saakin.
"Tita, akyat na po ako sa taas para po magpahinga" ani ko sakanila. "Ah sige magpahinga ka na" sagot nito. "Salamat po" huling sambit ko at umakyat na sa taas.
Tahimik ang buong paligid. Tahimik, nakakabinging katahimikan. Kung nandito lang sana si Kuya.....Si mama........
Nagsimulang tumulong parang gripo na sira ang mga luhang nanggagaling sa aking mga mata. Hindi ko alam kung kakayanin ko ito dahil 14yrs old palang ako. Dapat ay sinunod ko si Mama na maging independent para hindi mangyare tong nangyayari saakin ngayon.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko, bukas ang ilaw, kasama ang tahimik na paligid habang nakikisabay ang ulan sa pagluha ko.
Sa mga panahon ngayon at sa nangyayare ngayon gusto ko nang sumuko pero hindi kailangan kong lumaban. Hindi dapat ako sumuko basta basta, kakayanin ko ito.
Matutulog ako ngayon at magigising bukas para magsimula nang bago, Oo may sakit parin sa puso akong mararamdaman pero kailangan kong magsimula na at gawin ang dapat kong gawin sa mundong ito.
~ End of Chapter 1~
HEY GUYS! WAAAAAAAHHHHH IDK KUNG OKAY BA TONG GINAWA KO PERO GUYS OMG THIS IS MY FIRST STORY AND I HOPE NA OKAY NAMAN SIYA AND NAGUSTUHAN NIYO. MORE READERS TO COME HEHEHEHE. SORRY KUNG MAIKLI PERO I'M HOPING NA MAPAHABA KO UNG NEXT CHAPTER HAHHAHA
PLEASE CONTINUE READING THIS STORY AND I HOPE NA MAGUSTUHAN NIYO :)) I LOVE Y'ALL! MAHAL KAYO NANG MGA OPPA NIYO AND MGA IDOLS NIYO GODBLESS!
YOU ARE READING
Please, Don't Forget
RandomThis is all about Ceana Sky, a 20years old girl. She began to forget some of her memories during her 18th birthday, she just remember her past not the present.But when she turns to 19years old the situation went normal. And then when she turns to 2...