Monster From Underworld

21 2 0
                                    

---MØNSTER FRØM UNDERWØRLD---

NAKAKABAGOT ang discussion namin ngayon. Nakakasakit ng ulo. Kailan kaya matatapos ang Math class na 'to. I'm one of the million or billion students that don't like MATH. Ba't pa ako makikinig kong pwede ko namang gamitin ang aking MATHa at mangopya sa iba. Teacher call it cheating but we call it, TEAMWORK.

Kung pwede sanang buhusan ko ng tubig itong kalbong proof namin, kanina ko pa ginawa. Ang dami niyang sinabi but even a simple solution di ko maintindihan. Dumagdag pa 'tong mga mata ko na gusto ng pumikit.

Ting! Ting! Ting!

Nabuhay ang mga cells ko sa katawan ng marinig ang bell. Yes, tapos na ang paghihirap ko. Mukhang di lang ako ang nababagot kanina. Matapos kasing mag paalam si Kalbo ay nag-unahang maka labas ang mga kaklase ko. Ayaw ko namang ipagsiksikan ang sarili ko kaya hinintay ko muna silang humupa. Dahil sa pagod nga ako ay naisipan kong ibagsak ang ulo ko sa arm ng armchair ko. And everything went black.

"Miss, miss," niyugyog ako ng sino mang gumising sa akin. Inis na idinilat ko ang aking mga mata at balak sanang buhasan ng tubig ito but I froze ng malaman kong si manong guard pala ito. "Miss, umuwi kana at baka hinahanap kana ng mga magulang mo. Mag aalas-six na ng gabi."

Agad akong napalingon sa bintana at tama siya, magdidilim na. Mukhang napasarap ang tulog ko eh.

"Thank you manong," yumuko ako sa harap niya. "Bye, see you around." Kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas. Paniguradong papagalitan ako ng mama ko. Waaah! Masama pa naman yung magalit. Napatikom nga niya ang bibig ng isang Diyos, bibig ko pa kaya na kalahating diyos lang? Yep! I'm a half god, half human. I'm a demigod. I'm one of Poseidon's daughter, the god of the sea.

Hindi swerte ang maging anak ng isang diyos. Magdadala ka ng 'kamalasan' at 'panganib'. Baka dahil sa kakaiba mong kakayahan ay makakapatay ka ng inosente and being a beautiful and good teenage girl ay ayaw kong mangyari ang bagay na 'yon. I don't want to murder a person.

Palabas na sana ako ng gate when 'they' approached me. Malas ko ata at ako ang nahuling umalis sa school. Rumours said that their victims are the one who left the school late. It was Jimmy and his two barkada, the three idiots with an ugly leader.

"Well, well, well, it looks like we're lucky, isang maganda't birhen na dilag ang matitikman natin ngayon." Jimmy said. Dinilaan niya ang kanyang labi. His dark lips na halatang palaging naninigarilyo.

"Find a new target wag ako. Baka pagsisihan niyo lang ang gagawi–," my eyes widened when I realized something. "How did you know that I'm still a V?"

Imposible namang may deduction skills siya gaya ni Sherlock Holmes? Base on his looks, mukha siyang walang utak. Don't get me wrong, I'm just stating the fact. Or baka may device sila na makaka-detect ng mga virgins. Biglang inamoy ni Jin ang hangin. Damang-dama pa niya ito.

"Naamoy ko lahat, as in lahat. Every living things ay may unique na amoy. Tanging mga 'gaya ko' ko ang nakakaalam ng pagkakaiba nito. Just like a virgin one and not. They have different scent." So may kakaiba siyang pang amoy? Nagbibiro ba siya?

"Haha! Oh God, I hate drugs." I said. "Tigilan niyo na 'yang pagda-drugs Jimmy, masyado ka ng nasisiraan ng ulo."

"Di ako nasisiraan ng ulo. Dahil sa pang-iinsulto mo ay mas ginanahan tuloy ako. Julius and Gerald, kayo na ang bahala." Agad na napangiti ang dalawa niyang kasama at naglakad papalapit sa akin. Napatingin ako sa paligid at naghahanap ng tubig , being a daughter of Poseidon, I can manipulate water. But I can't summon it in a blink of an eye, kailangan ko ng mapagkukunan nito. Source of water kumbaga.

DEMIGODS: A Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon