Ang first love kong si Peeta.

93 1 0
                                    

 Si Peeta, siya ang aking first love. Nagkakilala kami noong second year highschool kami, magkaclassmates at seatmates kami. Simula noon ay hindi mo kami makikitang magkahiwalay, lunch recess at hanggang paguwi ay lagi kaming magkasama, magkapitbahay lang din kasi kami. Minsan minsan ay dumadalaw ito sa bahay, pero hindi naman ito nagsasabi na nanliligaw siya, ang alam ko lang ay magbestfriends kami.

Si Peeta eh mabait, gentleman, matalino, gwapo. Lahat na ata ng hahanapin mo sa isang lalaki eh nasa kanya na, Aaminin ko, simula pa lang nung first day namin ay nagustuhan ko na siya, hindi ko lang pinapahalata. Ayoko kasi magexpect mula sakanya ng kahit ano, ayoko din naman mag-assume na gusto niya ko mula sa mga ginagawa niya or kung meron man eh hintayin ko na lang ung move niya.

Gumagawa ako ng mga love letters para sakanya bago ako matulog. Bumili ako ng parang diary na nandoon lahat ng mga kwento ko para sakanya. Sobrang tinatagotago ko yon, balak kong ipakita ito kay Peeta kapag kami ay naging kami. Lagi din ako nagdadasal na sana mapansin or maramdaman niya na mahal ko na siya.

Nagsimula na kong umasa..

First love. First kiss.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon