Unang halik.

83 0 0
                                    

 Isang hapon ng sabado dumalaw si Peeta sa aming bahay, sakto walang tao sa bahay dahil nagsimba sila hindi ako nakasama dahil late na ko nagising. Magpapatulong siya sakin sa isang assignment sa math, hindi  daw kasi niya maintindihan. Pero bago namin gawin yon eh nagmiryenda muna kami at napaglaruan ni Peeta ung gitara ko.

 Marunong si Peeta mag-gitara, at ako naman itong inggit na inggit sakanya kaya agad agad akong nagpaturo. Hinahawakan nito ang aking kamay, hindi ko kasi maintindihan ung tinutur niya kaya inaayos niya ung mga daliri ko. Medyo nakayakap na din siya sakin, at humarap ako sakanya kasi may tatanong sana ako pero pagharap ko eh mukha niya na ang nasa harap ko.

 Nagkatitigan kami, oo, matagal. Nakatitig siya sakin na parang may sinasabi na "Mahal na mahal kita Katniss." Yun ang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, medyo pinagpapawisan na din ako. Nang bigla biglang palapit na ng palapit ung mukha niya sa mukha ko, na tangkang hahalikan ako.

 Pumikit ako, naramdaman ko na hinahawakan niya ung baba ko, mas lalo akong kinabahan. Nang dahan dahan nararamdaman ko na ung labi niya sa labi ko. Sabi ko sa isip ko "Ganun pala pakiramdam na may kahalikan ka, masarap.". Si Peeta ang first kiss ko, wala pa kong nagiging boyfriend sa katunayan.

Ramdam ko na ako din ang first kiss ni Peeta dahil parang hindi pa ito marunong sa paghalik, para bang nangangapa ito at kinakabahan din. Tumagal ung halikan natin pero dahan dahan lang ito, hanggang sa natigil na kami. Naghiwalay na ung mukha namin, niyakap niya ko. Bumulong siya sakin na..

 "Mahal kita Katniss, mahal kita.". 

Nagulat ako sa mga narinig ko, yakap niya parin ako, at hindi ko alam pero nakayakap din siya sakin. Humiwalay ako, at tinanong ko siya..

"Ano yon Peeta?"

"Sabi ko mahal na mahal kita. Gusto kita maging girlfriend."

"Pero kailan pa?"

"Simula pa lang ng nagkakilala tayo may iba na kong naramdaman sa'yo."

"Pero.. pero Peeta.."

Nagulat ako dahil hinalikan na naman niya ko ulit at hindi ko na naituloy ang sinasabi ko. Ang sarap sarap niya humalik, ganun nga siguro talaga kapag first kiss.

"Mahal kita Katniss. Mahal mo ba ko?" , sabi niya paghiwalay ng aming mga labi.

"Peeta, sa totoo lang parehas tayo. Simula pa lang noon ay mahal na kita, nagugustuhan nakita pero hinihintay lang kita mauna na magsabi.", hiyang sabi ko.

Niyakap niya ko at simula noong araw na yon ay sinagot ko na siya. Oo, kami na. Walang ligaw ligaw, mahalaga naman mahal namin ang isa't-isa.

First love. First kiss.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon