"Mama, dyan ka lang muna. Please..." pagmamakaawa ko kay Mama na ngayo'y nakatayo sa labas ng gate ng bago kong papasukang eskwelahan, kasama ang iilan pang mga magulang na hinahatid ang kanilang mga anak papasok.
"Ano ka ba naman, Zel! Grade 9 ka na dapat masanay ka nang wala ako rito. Jusko kang bata ka, kailan ka pa matuto?" sambit ni Mama sa akin sa irita niya. Paano ba naman kasi, kabadong-kabado ako sa tuwing unang araw ng pasukan. Ay wait - 'di na pala "unang araw ng pasukan" hence, unang araw ko sa eskwelahan. Yup, you heard that right.
As for this school year 2014-2015, muli - late enrollee ako. Ganito na ko lagi (well, 'di naman mostly "lagi") simula noong nagsabay-sabay kaming tatlong (3) magkakapatid na mag-aral sa iisang pribadong paaralan. 'Di ko maintindihan bakit pinipilit ng mga magulang ko na pag-aralin kami sa pribado, eh para sakin - dagdag gastos lamang ito. Okay lang naman sa akin kung sa pampublikong paaralan ako mag-aral eh. Mas praktikal iyon kung iisipin, lalo na't tatlo (3) kaming pinag-aaral nila Mama at Papa. Marami na 'nga kaming mga bayarin at utang, dadagdag pa kami. Well, parents know best... kung sa tingin nila na para ito sa ikabubuti namin, edi go lang - ayoko nang makipag-argumento kay Mama ukol dito at baka pag-initan na naman niya ko ng ulo."Eh, sige na Mama. Saglit lang naman..." pagmamakaawa ko muli sa kanya. Halos asal-bata naman ako ngayon, mapilit lang si Mama na mag-stay kahit saglit lang. "Oh sige na 'nga. Pagkaakyat ninyo sa classrooms ay aalis na ko ha?" sambit ni Mama na halos ikatuwa ko. Salamat sa Diyos at napilit ko siyang mag-stay kahit saglit lang.
Matapos na maiksing argumento namin ni Mama ay nagmasid-masid na ko sa paligid - sinusuri ang bawat kanto ng paaralang papasukin ko ngayon. Una ko agad napansin na halos lahat ng estudyante'y narito parin sa quadrangle ('di ko pa sure kung "quadrangle" ba 'tong kinatatayuan ko) ay 'di pa nagsisiakyatan sa kani-kanilang mga silid. Pangalawa'y medyo kinagulat ko rin ang halos kakaunting bilang ng estudyante rito sa paaralang papasukan ko. Halos bilang lang ang mga estudyante - napakaliit ng student population, kung kaya't pansin ko 'nga rin agad na kahit magkakaiba ng grade/year level ang mga mag-aaral dito ay halos lahat na sila'y magkakakilala na! Shocks, outsider na naman ako neto. Sana nama'y 'di ako mahirapan sa pag-adjust dito.
Habang nagpapakalunod ako sa mga iniisip ko kung ano bang mga bagong hamon ang haharapin ko rito sa eskwelahang 'to ay mayroong biglang bumati sa akin... "UY CASTILLEJO!" sigaw niyang malakas na halos ikagulat ko. Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw na iyon at agad napansin ang isang pandak na maputing babaeng papalapit sa akin habang ang isa niyang kamay ay nasa ere, tila kumakaway. "Hindi mo naman sinabi sa akin na dito ka na rin mag-aaral. Kumusta ka na?" sabi ni Irish sa akin. Maski ako ay nagulat sa presensya niya rito - ano, lumipat din siya? (Well, duh Hazelyn Jane Castillejo - malamang! Nandito siya sa harapan mo oh. Shunga lang, tsk) Pero kinagulat ko lang talaga is binati niya ko - I mean, dun sa pinanggalingan naming school ay halos 'di naman kami nagkaroon ng pagkakataon na maging magkaibigan eh - section one (1) ako, and siya nasa section two (2). Inisip ko na ang FC naman neto masyado, pero ang sama ko para isipin pa 'yun. Pasalamat na 'nga lang dapat ako kasi kahit papaano ay may isang pamilyar na mukha akong kilala rito.
"Oh, dito ka rin pala? Bakit ka lumipat?" sagot ko sa kanya. Okay na rin 'to na may nakausap agad ako unang araw ko palang dito. At least, medyo gumaan ang loob ko. "Eh, basta. Secret." sagot niya sa akin. 'Sus, pa-secret-secret ka pa. Sa bagay, wala naman akong pake kahit anong rason pa 'yan eh, 'di naman tayo close so it's okay. "Uy, anuna?! Bakit ngayon ka lang pumasok?" agaran niyang tanong sa akin. "Eh, basta. Secret." 'di naman tayo ganoon ka-close para sabihin ko pa sayo rason kung bakit isang linggo ang lumipas bago ako makapasok. Tila ba may sasabihin pa sana 'tong si Irish pero natigil siya nang biglang tumunog ang bell.
"Uy, 'yan. Tumunog na 'yung bell. Tara pila na tayo." matapos niyang sabihin iyon ay agad niyang hinawakan ang kamay ko't may balak siyang dalhin ako sa kung saan. Bago pa man niya ko mahablot ay muntik ko nang makaligtaang magpaalam kay Mama - halos nakalimutan ko na na nandun pa pala siya. "Saglit, wait lang Ish. Paalam lang ako." sabay bawi sa kamay ko't agaran na pagpunta kay Mama na hanggang ngayon ay nasa gate pa rin. "Sige na, Mama. Pwede ka nang umuwi." pagkasabi ko noo'y agad naman akong tinanguan ni Mama't tinalikuran na ko. 'Di ko na siya hinintay pang makasakay nang tricycle sapagkat 'tong si Irish ay masyadong pursigidong hilahin at dalhin ako sa kung saan. "Tara na, Zel. Bilisan mo. Mamaya, mapagalitan pa tayo 'nung Principal kapag 'di pa tayo pumila!" dahil sa sinabi nitong ni Irish ay agad naman akong sumunod sa nais niya. Ayoko namang unang araw ko palang dito ay mapagalitan agad ako. I want to keep a clean record, as possible.Agad akong dinala ni Irish sa gitna ng quadrangle kung saan ay maraming estudyante ang nagsisiksikan - siguro'y patungo rin sa kung saan sila dapat pipila. Habang nagpapadala ako sa kung saan ako dadalhin nito ni Irish ay bigla siyang tumigil at agad akong hinarap. "Anong section mo pala, Zel?" may halong excitement sa tono ng kanyang pananalita, 'di ko malaman kung bakit. "Aquamarine, bakit? Ikaw?" tanong ko, as if gusto ko siyang maging kaklase. Pero, sa bagay - pwede rin, para kahit papaano'y may kakilala ako sa room. "Ay sayang. Amethyst ako eh. 'Di tayo magkaklase." Nah, it's okay lang naman - 'yoko namang kaklase ka eh pero syempre, 'di ko 'yun pinahalata. "Ay ganoon ba, sayang naman." sabi ko, kahit 'di naman talaga ako ganoong nanghihinayang. "Okay lang yan, magkatabi lang naman section natin eh. Magkikita pa rin naman tayo." sorry to burst your bubble, pero okay lang naman sa akin kahit 'di tayo magkita. I prefer it that way. "Ay ganoon ba, sige. Kita-kita nalang." kahit ayoko naman talaga. "Okay, sige. Tara, hatid na kita sa pila mo." sa sinabi niyang iyon ay agad akong ginapangan ng kaba. Pila? So dadalhin niya ko sa section ko? Sa mga magiging kaklase ko? Oh no, shet! Ala, paano 'to? Ano gagawin ko? Ang awkward 'nun uy! Ayokong pagtinginan nila ako! Ayokong mapag-usapan. Ayoko, jusko. Gash, binabawi ko na lahat ng pinag-iiisip ko tungkol kay Irish, Lord. Lord, bakit naman ganito. Huhu, kaiyak.
Nang palapit na kami sa pila ko ay halos ayoko nang bitawan ang kamay ni Irish sa sobrang kaba. Nag-iisip na ko ng kung ano-ano - magiging maganda ba impression nila sa akin? Baka anong isipin nila tungkol saken! Isang linggo ang lumipas bago ako pumasok, malamang sa malamang ay sa mga oras na 'yun ay may sari-sariling group of friends na ang mga ito - outsider na naman ako neto, shet. 'Di pa naman ako 'yung type na unang mang-a-approach para mangkilala, kainis. Bakit ba kasi ganito ako?!
Habang nalulunod ako sa mga pinag-iisip ko, bigla akong namulat sa realidad nang biglang may tumambad sa harapan kong kambal na babae.
"Zel, ito 'nga pala 'yung kambal. Transferee rin sila dito." pagkasabi ni Irish 'nun ay halos mabunutan ako ng tinik. Hay salamat, Lord. 'Di mo ko pinapabayaan. "Kambal, ito 'nga pala si Zel. Schoolmate ko dati. Zel, ito 'nga pala ang del Castillo twins. Ito si Alyannah Fhaye..." sabay turo sa babaeng nasa kaliwa na medyo may kaliitan, maliit ang mukha, katamtaman ang haba ng buhok at mapupulang mga labi. "...at ito naman si Ayeesha Fhate del Castillo." sabay turo naman sa pandak na babae sa kanan. Sa unang tingin, halos walang pinagkaiba ang kambal pero kung susuriing mabuti ay kahit papaano'y makikita mo ang kaibahan nila - mas malaman itong si Alyannah kumpara kay Ayeesha, at mas bilugan ang mukha nitong kay Ayeesha kaysa kay Alyannah na parang mukhang pagod na ewan, na 'di ko maintindihan. At tsaka, may nunal sa noo itong si Ayeesha kaya 'di ako mahihirapang i-distinguish ang kambal. "Hi Zel!" sabay lahad ng kamay ni Alyannah sa akin na agad ko namang tinanggap. "Aquamarine rin 'yang si Alyannah, so magkaklase kayo. Habang kami naman ni Ayeesha ang magkaklase." explain ni Irish sa akin. Mukhang may sasabihin pa ata sana si Irish nang biglang may nagsalita nang napakalakas. "Ay, ayan na. Mag-i-speech na naman si Ma'am. Sige Zel, dun na kami sa pila namin ah. Oh, Yanna. Ikaw na bahala dyan kay Zel ah? Sige, bye. Kitakits mamayang break time!" at parang bula biglang nawala sina Irish at Ayeesha. Agad akong sinenyasan ni Alyannah para sundan siya. "So 'yun - welcome to section Aquamarine! Haha, kung may mga tanong ka, wag ka mahiya't lapitan mo lang ako ah? Honestly, konti palang din kilala ko rito. Sana maging mabuting magkaibigan din tayo." Medyo napa-blush ako sa sinabi niyang 'yun ah. 'Di ako sanay na may magsabi niyan saken - normally kasi, sa mga anime na napapanood ko lang 'yan nakikita eh. I smiled awkwardly at her as my reply. It's a good thing na I've made a friend or two immediately, 'di gaya before na pahirapan pa talaga. Sa tingin ko naman, this will be a great school year. I'm actually looking forward to it! Everything went smoothly umpisa palang eh. Hopefully, it'll continue 'till the end of the school year.Hopefully.