Kabanata 1

5 0 0
                                    

Introduce Yourself

Tama 'nga si Irish. Grabeng speech naman 'tong Principal namin na 'to. Ang oras ng start ng klase is around 7:30 pero ito pa rin siya – dada ng dada.

Kasabay ng "speech" niya sa harapan, which was primarily about school rules and pangangamusta lang sa mga estudyante about sa first week nila sa eskwelahang ito ay ang pagdadaldal ng mga estudyante rito sa bandang likuran kung saan ako nakapwesto. Inisip ko kasi na eksena naman masyado kung humarap ako diba? I mean, kakapasok ko lang dito tapos aarangkada na agad ako sa harap – pasikat lang? Tsaka, okay na rin dito. 'Di ako masyadong mapapansin – yet. Kasi medyo namamataan ko na pinagtitingnan ako ng iilang mga lalaki na sa tingin ko'y mga kaklase namin.

"Bago?"

"Siguro..."

"One week na lumipas ah, bakit ngayon lang 'yan pumasok?"

"Bakit ako tinatanong mo? Siraulo."

'Di nila alam naririnig ko mga pinagsasabi nila pero isinawalang-bahala ko nalang iyon at pinilit ko ang sarili ko na makinig sa kung ano-anong pinuputok ng butchi ng Principal namin, at sa 'di katagala'y natapos na rin siya sa pagsasalita! Hay salamat at natapos din – makakaakyat na kami sa kani-kanilang silid.

Teka... aakyat na kami...?!

SHIT!

Bigla akong ginapangan ng takot at ng kaba. Kasi ba naman teh! It's been a whole friggin' week since the school year started! Malamang sa malamang ay mga naka-arrange na sila sa kung anumang seat plan ang deemed appropriate ng adviser namin! Ano ba naman ito! Mamamatay na ko sa kahihiyan!

Paano kaya ako neto mamaya?

Dere-derecho ba kong papasok sa silid namin at magtatanong kung saan may bakante? Or pipiliin kong hintayin na lamang ang aming adviser at sabay na kaming pumasok para naman 'di masyadong ano - ?

Nag-c-clash ang dalawang ideya sa utak ko! 'Di ako makapili! Kailangan ko nang makapili dahil ito na't papalapit na kami sa classroom namin! Shit na malagkit talaga! 'Di pa ako nakakapagdesisyon ng pinal kung anong balak ko! My goodness!

Nang nakarating na kami sa harapan ng classroom namin ay hinintay ko munang lahat ng kaklase ko ang maunang makapasok. Sa huli'y pinili kong maghintay na lamang sa labas.

Nakatayo ako ngayon sa labas ng classroom namin, sa may tapat ng pintuan ng classroom naming. Halong kaba at hiya ang namumuo sa kaloob-looban ko ngayon.

Magiging maayos kaya impression nila sa akin?

Ano kaya tingin ng mga kaklase ko sa akin?

Pagtitinginan nila ako malamang nito sa pagpasok ko! Usap-usapan na naman muli ako nito!

Habang nandito pa 'nga lang ako sa labas ay dinig ko na ang ingay na nanggagaling sa mga kaklase ko. Mukhang 'di naman sila masyadong naano sa biglaang pagsulpot ko.

Double doors ang pinto ng aming classroom. Ang isa'y nakasara, habang ang isa nama'y nakabukas.

Dumungaw ako panandalian sa loob ng aking magiging bagong silid at aking mga magiging kaklase.

Pansin kong may sari-sarili na 'nga silang mga group of friends at halo-halong tawanan, kwentuhan, pang-aasar, at hagikhikan ang naririnig ko. Mayroon pa 'ngang mga naglalaro ng tila ba'y basketball at ang nagsisilbi nilang bola'y pinagsama-sama na piraso ng papel na pinagdikit gamit ang tape, at ang nagsilbi nilang shoot-an ay isang kapirasong illustration board bilang board at pinagsama-sama na namang mga papel na hinugis basket nila. Ang creative at resourceful nila ah.

2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon