Sophia's POVLumabas ako galing sa kusina nang may narinig akong kumakatok. Agad kong binuksan ang pinto baka mga kaibigan ko 'to na wala sa plano kapag bumisita. In short, bigla-biglaan.
Pagbukas ko sa pinto isang gwapong nilalang ang tumambad sa akin. Napatulala pa nga ako.
Nasabi ko na bang gwapo siya? Well, hindi lang siya gwapo kundi gwapong-gwapong gwapo niya talaga. Adonis na yata ang nilalang na 'to.
Tinitigan ko talaga siya. Blonde ang clean cut niyang buhok, medyo makapal ang kilay, olive eyes, pointed nose, red-soft kissable lips at may hikaw siya na color black sa kaliwa niyang tenga. Hindi ko na tinignan ang balikat niya pababa dahil baka maglaway na talaga ako ng tuluyan.
Pinagmamasdan ko lang talaga siya. Pwede na ba akong mamatay? Ay! Bigla siyang ngumisi. 'Yung ngising nang-aasar. Napabalik ako sa realidad.
"Are you done checking me out, Miss?" nakangisi parin niyang sabi habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Medyo naconscious ako sa klase ng tingin niya. Nakasuot lang kasi ako ng manipis na sando at short shorts. Kulay black pa ang bra ko kaya klarong-klaro.
Umiwas ako ng tingin at napalunok. Tumikhim muna ako bago niluwagan ang bukas sa pintuan.
"Sino po sila?" nakakunot-noo kong tanong.
Sasagot na sana ang lalaki sa harap ko pero biglang lumabas si Mama galing sa kwarto niya.
"Pia, sino 'yan?"
"Huh? Ah hin--," pinutol ng lalaki ang sasabihin ko.
"Magandang umaga po. Ako nga po pala ang boyfriend ng anak niyo," sagot nito kaya napalingon ako sa kanya na nanlalaki ang mata.
Maski si Mama gulat din ang naging reaksyon niya. Napalunok pa ako nang lumapit si Mama sa pwesto namin.
"Ano mo si Pia?"
"Boyfriend niya po ako," medyo nababagot niyang sagot.
Hinawakan ko sa braso si Mama dahil baka bigla niya akong sampalin. Magaan pa naman ang mga kamay ni mama. If you know what I mean. In short, sadista siya.
"Ahh... Ma?" tinignan ako ni mama.
"Tuloy ka, hijo,"
Naglakad si mama sa may sala kaya sumunod narin ako pati na ang lalaking baliw. Oo, baliw talaga ang isang 'to. Umupo ako sa single sofa. Ang lalaki naman umupo doon sa mahabang sofa.
Tinignan ko si mama. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napalunok ako. Paano ko ba naging boyfriend 'to e ngayon lang kami nagkita? Tapos paano kung magtanong si Mama na anong pangalan nito e 'di lagot ako dahil hindi ko naman alam.
Mamaya ka lang sa akin lalaki ka makakatikim ka talaga ng sapak. Kahit gwapo ka naku hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kapag napahamak ako dito.
"Sophia, ipaghanda mo ng meryenda ang boyfriend mo," utos ni Mama kaya tumayo ako at bumalik sa kusina.
Medyo takot ako kay Mama dahil mukha siyang galit pero alam ko naman na kapag alam na niya ang dahilan paniguradong mawawala din 'yun.
Kinuha ko ang pitsel na may juice at 'yung sandwich na ginagawa ko kanina. Ibabaon ko kasi ito mamaya dahil may klase pa ako mamayang alas dos at para may meryenda narin ako.
Gagawa na lang ako mamaya at medyo maaga pa naman. Bumalik na ako sa sala at nilagay iyon sa maliit na mesa.
Gusto ko sanang umupo ulit sa inupuan ko kanina pero may body bag ng nakapwesto doon kaya no choice kundi sa tabi na lang ng baliw na lalaki.
Napatingin pa ako sa kanya na seryoso lang ang mukha. Tumikhim si Mama kaya napatingin kami sa kanya. Hindi pa sila nagsimulang mag-usap kahit nung nasa kusina pa lang ako. Siguro hinintay pa ako ni Mama na makabalik para makilatis talaga kaming pareho at para isang bagsakan na lang.
"Hijo, sabi mo kanina na boyfriend ka ni Pia," sabi ni Mama kaya tumango ang katabi ko. "At bakit ata hindi ka kilala ng anak ko?"
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mama. 'Yan ang tama 'Ma hindi ko talaga kilala ang lalaking yan. Napapanggap lang ang baliw na boyfriend ko siya. Huwag kang maniwala sa lahat ng sasabihin ng isang 'yan.
"Actually, your daughter is a bit surprised when she saw me kaya umarte siyang 'di niya ako kilala," nilingon pa ako ng katabi ko. "And we're almost one year in a relationship,"
Tinignan ko siya na niningkit ang mata. Kunti na lang talaga magiging killer na ako.
"Sophia," tawag ni Mama kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit mo tinatago sa amin na may boyfriend ka na pala? Kaya ba ginagabi ka ng uwi dahil pasekreto pa kayong lumalabas ni," tinignan niya ang lalaki.
"Brian,"
"Pasekreto ni Brian na lumalabas?"
"Ma, maniwa--," naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok ang kapatid ko na si Jadeian na hinihingal.
"Oh my gosh. Oh my gosh. Oh my gosh," paulit-ulit na sinasabi ng kapatid ko habang nakahawak pa sa dibdib niya. "Ate! Mama! Oh my gosh!" matinis na sabi niya. "
Napairap ako at si Mama naman lumapit sa kanya na may dalang baso ng juice. Iniabot niya ito kay Jadeian.
"Anong nangyari, Jade?" nag-alalang tanong ni Mama.
"Hinabol po ako ng baliw sa kanto tapos may dala pang itak. At nung tumakbo ako 'di lang baliw na tao ang humahabol sa akin pati narin baliw na aso," maiiyak na sabi niya. "Akala ko mamamatay na ako," nagwalling pa siya at dahan-dahang naupo sa sahig.
Hindi ko alam kung anong irereact ko, matatawa ba o maaawa. 'Yung itsura niya kasi parang sinabunutan tapos ang damit niya may punit na sa may gilid ng bewang.
Nginisihan ko siya. "Condolence," natatawa kong sabi.
Sinimangutan niya ako at tinignan ng masama. Tumingin pa siya kay Mama na parang nagsusumbong.
"Ma, si Ate oh inaway na naman ako,"
"Ka-oahan mo, Jade," asar ko pa.
Inirapan niya lang ako at tumayo na habang inaayos ang sarili. Inismiran niya pa ako.
"Tumigil ka, Sophia may kasalanan ka pa sa akin. Akala mo nakalimutan ko na puwes nagkakamali ka dahil mamaya ka lang pagkarating ng Papa niyo," banta ni Mama at naglakad papuntang kusina.
Muntik ko pang makalimutan na may bwisita pala kami. Nakatayo lang siya at nagmamasid sa amin.
Tinignan ko siya ng masama bago ko lapitan at alalayan ang kapatid ko papasok sa sariling kwarto niya.
Kahit inaasar ko siya kanina hindi ko naman maiwasan mag-alala parin sa kanya. Kahit na nakauwi na siya ng ligtas 'di ko parin maiwasang isipin na baka matrauma siya. Baka nga matakot na itong lumabas ng bahay.
Pinahiga ko siya sa kama pagkatapos niyang makapagbihis. Nilagyan ko siya ng kumot at naupo sa gilid ng kama. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya hanggang sa makatulong na siya.

BINABASA MO ANG
Last Lust
General Fiction"Can I enter in your life and be with you for the lifetime?" -A. B. M.