Chapter 3

13 0 0
                                    

(Same day of Chapter 2)

6:00PM at the Park!

Nandito ako sa park pero nakakubli..tanaw ko mula sa pwesto ko yung upuan kung saan kami nagkita at kung saan sya nagpaliwanag. Kitang kita ko sya na nakaupo doon at naghihintay kung darating ba ako oh hindi.

Nakukunsensya ako parang may side ng isip ko ang nagsasabing puntahan ko..napaupo ako at napaisip ng malalim hanggang sa magdesisyon ako na lapitan na sya.

"Jake" mahinang tawag ko sa kanya.

"Elize..thank God dumating ka akala ko di mo ako sisiputin." nakangiti nyang bungad sakin.

"Kung ano man yung sasabihin mo sabihin mo na para matapos na to." ako

"Sorry..sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng nangyari..alam ko malaki ang galit mo sakin baka nga wala pang kapatawaran ang mga nagawa ko syo." paguumpisa nya..

"Gusto ko lang malaman mo na all these years ikaw parin ang laman nito." at itinuro nya ang dibdib nya pagpapahiwatid na ako ang laman ng puso nya.

Hindi ko malaman ang nararamdaman ko para akong nabuhusan ng malamig na tubig, nakatingin lang ako sa malayo, ayoko syang tignan dahil baka mapaiyak ako sa naririnig ko..naisip ko ang mga nanyari sa amin, sa relasyon namin, gusto kong humagulgol pero pinipigilan ko ang sarili ko gawin yun dahil ayoko ipakita sa kanya na hindi parin ako nakakawala sa mga mapapait na nangyari.

"Sa tuwing may nakikita akong nakakapagpaalala syo di ko maiwasang hindi isipin na sana tayo na lang ulet...sana tayo parin..na sana ikaw na lang." nanginginig ang boses nya na di ko maintindihan kung umiiyak ba sya oh dahil masyadong malamig ang hangin sa paligid.

"Ikaw ang gumawa ng sitwasyon mo ngayon at wala akong magagawa para jan."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita at sa sobrang sakit ng mga naririnig ko napaiyak na ako. dahil sa totoo ang sinasabi nya na sana ako na lang ang pinili nya pareho pala kami ng nararamdaman.

Ang sarap sana isipin pero hindi nga pwede, hindi na pwede...

*********************************************************************

Waiiiiiiiitttttttttttt! naiiyak ako. chos! hahaha pabitin muna e kasi naman nanghihina ako sa chapter na parang may kumukurot sakin..parang surot lang hahaha..

Vote muna

at

Comment na din..sige na po minsan lang ohh..!

xcandicex

Ikaw Parin..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon