"So anong gagawin ko kapag nagsorry ka?" Naiyak pa rin yung nakaluhod sa harap ko, si Inah tatanga tanga. Bungguin ba naman ako? Natapon tuloy yung soup sa blouse ko.
"P-papalit-tan ko nalang p-po yung b-blouse niyo." Pautal-utal niyang sabi. Tss papalitan daw.
"Bukas na bukas po, papalitan ko."
Mangiyak-ngiyak pa rin niyang sabi. Nakakatawa siya. "Andrea, hayaan mo na siya." Satsat naman netong si Travey. Oo bestfriend ko siya. Bait-baitan lang yan."Sige, pagbibigyan kit—"
"TALAGA PO?! :D" nakangiti niyang sabi at talagang pinutol pa ang sinabi ko. Takte. "Oo pagbibigyan kita, pero wag mo na puputu—"
"Wag ka nang tumanga diyan tayo!" Isa pa tong si Erika, bestfriend ko din. Puputulin pa yung sasabihin ko. Nagsimula nang magtawanan ang mga estudyantemang sa cafeteria.
Binigyan ko sila ng tingin na parang binubugbog sila. Agad naman silang tumahimik at ibinalik ang tingin kay Inah-Tanga.
"Pagbibigyan kita kung—"
"Kahit ano po Ma'am An—"
"EH KUNG PINAPATAPOS MO KAYA AKO?!"
Napatahimik na si Inah. "Pagbibigyan kita kung papalitan mo nga tong blouse ko, small, gusto ko medyo fitted. Pag wala sa school na to, maghanap ka sa iba. Kung wala, WAG KA NA MAG-ARAL!"
Sigaw ko sa kanya habang napakatahimik ng atmosphere. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sige po, bukas na bukas po." Nagbow siya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko.
"Anong sabi mo? Bukas? Bakit di pa ngayon? NGAYON MO NA PALITAN, TANGA!" Yung ngiti niya kanina bumagsak. Ako naman ang ngumiti, Evil smile ika nga.
Tinalikuran ko na siya kasama sina Erika at Travey. Nagsimula naman ang mga bulungan. Tumalikod ako at tinaasan ko sila ng kilay.
Ingay! Bigla naman sila tumahimik at saka na kami bumalik sa room.
Nagtataka siguro kayo bakit nila ako tinatawag na Ma'am noh? Hindi ako teacher. Talagang kagalang-galang lang ako hahahaha.
Habang pabalik sa room, may nakita ako sa langit na mga taong may pakpak. Duh hindi sila mulawin ok? Takte. Kakaiba sila.
Mga taong kakaiba. Siguro makapangyarihan sila. Sila ay mga taong may
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
WINGS<><><><><><><><><><>
BINABASA MO ANG
Wings
FantasyIsang babaeng di alam ang katangian niya. Malalaman pa ba niya? Maldita, sobra pero biglang magbabago dahil sa isang lalaki. Ang lalaking kabilang sa TOTOONG katangian niya. Mga taong may pakpak, may WINGS