"Words don't work, feels like they don't have no worth"
Shrek's POV
What a day! Bastos talaga nung lalaking 'yun. Ma-kick out na sana siya. Papunta na kami ni Mitch sa canteen, bibili ng pagkain. Gutom na si bes eh.
Pagdating namin dun, agad kaming pumila. Kumuha na kami ng tray at at kumuha ng mga pagkaing sigurado naming makakain.
"Ate, ito ngang bagel. Tsaka itong cappucinno." Sabi ko sa tindera.
"Opo Ma'am." Binigyan naman niya ako ng isang bagel at isang cappuccino.
Umupo muna ako sa may bakanteng upuan habang inaantay si Mitch. Ang layo niya kasi eh,nasa may 4th to the last siya. 'Yan kasi, pinulot mo pa 'yung pisong nakita mo 'yan tuloy. Nasingitan ka na. Haha!
Kumain nalang ako kasi nga gutom na ako eh. Habang kumakain ako,may lumapit sa aking lalaki na may hawak na food tray. Ang guwapo! Fuck! Muntik ko nang mai-buga 'yung cappuccinong ini-inom ko! At may aaminin lang ako,mas guwapo pa 'to kaysa sa lalaking nabunggo ko kanina pero ewan ko ba kung bad boy 'to or ewan na. Shit! Umu-usok na ako sa init! Whaa!
"Hello Miss. May I join you?" Hoy lalaki! Pinapakilig mo 'ko! Sana hindi siya bad boy o bastos man lang.
"Bad boy ka ba?" Ay pakshet. Ano pinagsasabi mo?!
"Haha, hindi ako bad boy. Nerd ako eh. Hindi lang pansin. Ahem. Puwede na ba akong maki-kain?"
"Ay oo." Nerd ba talaga siya? Ang guwapo niya pero oo, mukha nga.
Nagkuwentuhan kami doon at nag-tawanan din. Maya-maya'y dumating na si Mitch. Nagulat nga din siya, hihi. Crush niya din. Ayiiee!!
"Fuck! Sino 'yan! Future husband ko ba?!" Kita mo na, kilig na kilig si bes.
"Hindi. Future husband ko siya. Di ba?" Tumingin ako sa lalaki at tumango naman siya. "Kita mo na!"
"Fine!" Umupo siya sa tabi ko at kumain na ng tuna sandwich at ininom din ang in-bottle tropicana orange.
Ang saya-saya naming nagtatawanan nang biglang mag-ring 'yung bell. Tumayo na kami at nag-paalam. Ay, muntik ko nang makalimutan na itanong ang pangalan niya! Dali-dali akong tumakbo sa dinaanan nung lalaki pero wala na siya. Sayang, guwapo pa naman at ang bango pa. Kapag naging boyfriend ko 'yun, palagi ko siyang pinapangiti gusto ko kasing makita ang dimples niya eh. Guwapo na Cute pa!
Pumasok na ako sa classroom at umupo para sa 1st subject namin in 10:00 am, iba-iba kasing classroom ang mapupuntahan mo kaya ganito. Hiwalay ako kay Mitch. Ilang minuto lang ay dumating na ang female proffesor namin in English na si Proffesor Hobertha Dimaano. Parang mag-kaparehas sila ni Prof. Namin pero I think mas matino ito kaysa kay male prof.
First of all, ipinakilala niya ang kanyang pangalan at sumunod na kami.
"Ang init naman dito! Wala pang hanging pumupunta dito!" Bulong ko.
Nag-mamasid-masid si Ma'am Hobertha. Tinitignan niya kung nag-susulat nga kami o hindi dahil kung hindi, pi-pingutin ka niyan. Haha!
Maya-maya lumapit siya sa akin, tinignan niya kung ano ang ginagawa ko. Tumingin din ako sa kanya pero inirapan niya ako. Yaish! Kainis 'tong matandang 'to!
"Hoy! Walang hiya ka upang irapan ako! Sino ka ba?! Uranggutan! Moron! Hominid!" Tss. Sa isip lang 'yun, 'di sa bunganga. Haha.
Itinuloy ko nalang ang pagsusulat at hindi siya tinignan. Epal. ☺. Pagkatapos ng English ay dumapo naman ako sa Math where in classmate ko 'yung guwapong lalaki kanina. Hay, now it's time to know what is his name, mag-katabi pa nga kami eh. Pero bago 'yang name- name na 'yan, mag-papakilala pa muna 'yung professor namin. Shit! Ang guwapo!