Mistake makes Perfect

3 0 0
                                    

Mistake makes Perfect
By: Me

Minsan kailangan natin magkamali.
Hindi masama ang magkamali,
Ang masama ay manatili sa mali.

Hindi natin kailangan maging perpekto.
Lahat ng tao nakakagawa ng mali at sa maling iyon
Maaaring may matututunan din tayo.
Dahil ang maling iyon,
Ang magbibigay satin ng leksyon para gawin natin itong tama.

Siguro nakakagawa tayo mali sa buhay natin dahil narin sa mga tao o bagay na nasa paligid natin.
Halo-halong emosyon:
Inggit, Galit, pagkasuklam at iba pa na maaaring maging rason para makagawa tayo ng mali sa buhay natin.

Naranasan ko na ang maiingit at magalit at masasabi kong wala akong napala rito.
Naiinggit ako dahil sa mga bagay na hindi napasakin.
Nagalit ako dahil bakit ito hindi naging akin.

Hinahanapan at binibigyan ko lang ng mali ang sarili ko.
Kaya Natutunan ko na, kung hindi para sakin ay hindi talaga para sakin..
Kung para man ito sa akin, para talaga ito sakin.

Masaya na ako ngayon dahil sa kahit may mali man akog nagawa sa buhay ko, alam kong hindi ako mananatili sa maling iyon dahil ang maling iyo ang gagawin kong rason at inspirasyon upang gawin iyong tama.

-----
Walang perpekto mga bes. Hehe 😝😝

xxRheaxx

What's In My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon