Pangarap

23 1 0
                                    

Pangarap
By: Me

Lahat ng tao ay may pangarap.
Pangarap na gusto natin abutin.
Pangarap na maaaring hindi natin kayanin.
Ngunit dahil sa tatag at determinasyon natin,
maabot natin kahit gaano pa ito kataas.

May mga taong nagsasabing:
Hindi natin kaya ang mangarap ng mataas dahil baka hindi natin ito kayanin.
Na wala tayong mga pakpak para lumipad ng mataas.
Na baka hindi natin namalayan na nasa gilid na pala tayo ng bangin at unti-unti nang nahuhulog ng walang kamalay-malay.

Para sakin, hindi masama ang mangarap ng mataas.
Hindi masama ang lumipad kahit na walang pakpak.

Mahulog man ako pero atleast natikman ko manlang kung ano ang pakiramdam ng lumipad ng mataas.

Babagsak man ako at masaktan pero babangon ako at maglalakad na lamang ng dahan-dahan patungo sa aking pangarap.

Masama ba ang mangarap ng mataas?
Masama ba ang tikman man lang ang pangarap na iyon?
Wala na bang karapatan ang iba na abutin iyon kahit na Malabo o dahil wala silang talento?

Hindi natin kailangan ng pakpak upang maabot ang ating mga pangarap.
Ang kailangan ay ang paninindigan, tatag, at determinasyon natin sa sarili para sa pangarap na iyon.

Masarap ang mangarap kaya huwag natin pigilan ang mangarap.
Huwag tayong matakot na baka hindi natin ito aabot.
Lahat tayo may kakayahan, hindi man natin nakita o ng iba ang kakayahan na iyon pero isipin natin na kaya natin ito tuparin.

------
Sa panonood ko ng mga Kdrama ay kahit papaano ay may natutunan ako. Grabi. Nakakainspired mag sulat ng mga salita. 😄😄

xxRheaxx

What's In My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon