Chapter One: Encounter
Mabilis na kumaripas ng takbo si Kacey sa kanyang silid at agad na natulog. Alam nyang mananaginip nanaman sya ng mala-paraisong mundo. Mundo kung saan posible ang lahat..
Posibleng makasama ang mga patay na(hindi zombie), mga artistang hinahabol ka, at umuulan ng fries. Marami pa, sobra. At nakakapagod magdescribe ng mundong iyon.
Pilit na pumikit si Kacey at nagkumot, pinipilit ang sariling maantok na, nagpagulong-gulong na at kung anu-ano nang posisyon ang ginawa nya para makatulog ay useless lang. Napaupo si Kacey at napatingin sa orasan sa tabi ng kama nya, 8:30 na.
Mga gantong oras ay nasa paraiso na sya, nasa isang mundong sya lamang ang nakakapunta. Panaginip man iyon, pero ramdam nyang tila totoo ito. Dahil hindi makatulog ang ating bida ay naisipan nyang lumabas ng kwarto nya.
Pumunta sa kusina at nagtimpla ng kape. Tama, kape ang pampatulog ni besh. Napatingin siya sa tatay nya na may hawak na remote at inilagay ang isang baso sa lababo.
"Bat gising kapa anak?" wika ng ama ni Kacey na ikina-busangot ng mukha nya. "Di ako makatulog Pa." sagot naman nya. Ngumiti ang ama nya at nagsabing.."Sumunod ka sakin, anak." tugon nito at pumunta sa labas ng bahay nila.
Sa likod ng kusina ay may isang pinto. Pinto na matagal nang naka-kandado. Tila ba ay may tinatago, inaalikabok pa nga ito at parang inaamag na. "Anong gagawin natin dyan,Pa?" nagtataka na natatakot na tanong ni Kacey. "Pampa-antok lang nak, baka lang gusto mong magexplore muna.." wika ng kanyang amahin.
Hala, baka gagahasain ng ama nayun ang ating bida! "P-po?" nauutal na tanong ni Kacey at umatras. Napatawa ang kanyang ama, biglang lumapit sakanila ang kanyang ina. "Anak, nasa pintong yan lahat ng kasagutan sa mga tanong mo."
"Tulad ng bakit hindi ako makatulog? nandyan ba yung sagot Ma?" tanong ni Kacey na ikinatawa ng kanyang mga magulang, yumapos ang ama sa ina at nagwika.. "We named you Kacey because that name means Brave, gusto lang namin na maexperience mo yung naexperience namin noon, diba Honeypie?" wika ng kanyang ina at kinurot sa pisngi ang ama.
Napakunot ng noo si Kacey, tila ba ay naguguluhan. Aba, sino bang hindi maguguluhan sa mga magulang mong gusto kang papasukin sa isang silid na halos 10 taon mo ng hindi pinapansin! Ang weird nila ha!
"What will happen if i go inside? Mabubuhay paba ako?" Kacey ask her parents. Nagkatinginan naman ang dalawa at naging seryoso ang mukha, tila kinabahan si Kacey sa naging ekspresyon na pinakita ng kanyang magulang. "Nasa loob nga ang sagot, anak!" tugon ng kanyang ama.
Huminga ng malalim si Kacey at pumikit. Pinipilit kasi ng mga magulang, gusto lang naman nyang makatulog na at managinip, makapunta ulit sa paraisong iyon. Pero bakit kailangan pa nyang pumasok sa pinto nato? Ano bang meron sa loob nyan?
Napatingin si Kacey sa kanyang magulang, nakangiti ito at tila excited pa. "Mage-enjoy ka anak, panigurado!" masiglang tugon ng kanyang ina at inabot ang isang jacket. Sinuot naman yun ni Kacey na naguguluhan padin. "Ang weird nyo." bulong nya at humakbang na sa silid.
Sa silid na madilim.. sa silid na tila malamig.. sa likod ng pinto na tila...
Misteryoso... ano bang meron sa likod ng pintong iyon?
__________________________________________________
ok, so i unpublish Just A Typical Girl because i wanted to focus on this story. But? beware of my late updates, and? wrong grammars.. please correct me if i am wrong hehez. So yun! Mystery and Thriller mga besh! Ibubuhos ko po lahat ng energy at ideas ko here!
And? pwede paki-gawa ako cover mga beshies? Thankyou! Kpop or any Philippine loveteams will do hahaha. Thankyou! ;*
follow me on twitter: @altughh
on instagram: @yesitsalta
loveyou mga besh! Please support support support!
YOU ARE READING
Behind Those Doors
Mystery / ThrillerThere is a mystery behind those doors, and every door has it's own story.