Chapter Two: Where to go?
Nagpatuloy sa paglalakad sa silid si Kacey, natatakot man ay wala na syang nagawa. Pumasok sya e! Tsaka madilim din at hindi na nya alam ang pabalik sa pinto galing sa bahay nila. Buti na lang ay dinala nya ang cellphone nyang 20% na lang ang battery.
Kahit naman na gustuhin nyang magflashlight ay mabilis malo-lowbat iyon, kaya wag na. Sa kanyang paglalakad ay napukaw ng pansin nya ang isang liwanag sa dulo ng tinatahak nyang landas.
Tila nagalak sya at makakalabas na sya, baka kasi trip lang iyon ng mga magulang nya. Kaya sinabayan naman nya. Tumakbo sya at natungo naman nya ang liwanag na iyon.
Isang kandila. Isang kandila na sobrang liwanag, pero hindi sya basta kandila, para itong nakalutang at nagbibigay lamang ng ilaw sa mga pinto, Pinto nanaman?
"Nasan bako?! Bakit puro Pinto!" sigaw nya pero napaisip sya na wala namang makakarinig sakin kaya useless lang. Natatakot man sya ay kailangan nyang makalabas, wala e. Nagpauto ang loka. 5 ang pinto, may iba't ibang kulay ito, hugis at desenyo.
Napakunot ang noo nya, para saan ba ito? Tsaka alin sa mga pintong ito ang dapat kong pasukin? Napatingin siya sa isang halaman sa gilid, bakit nagkaroon ng halaman dito?
Maraming dahon ang halaman na ito. "Sige, ganto na lang. Maglalagay ako ng dahon sa pinto na napasok ko na, ok. Yun na lang.." sambit ni Kacey sa sarili at kinuha ang halaman at binuksan ang unang pinto sa kaliwa, Kulay Itim ito at Hugis tatsulok. Marami itong nakaukit pero nakakapagod magdescribe e, kaya nevermind.
Pero mas nakapukaw ng pansin ni Kacey ay ang desenyong Tatsulok na may kutsilyo na may dugo sa gitna. Kinabahan man si Kacey ay gora lang. Pumasok siya at tila madilim sa likod ng pintong iyon, naglakad siya at patuloy na naglagay ng dahon sa tinatahak nyang daan.
Magubat, puro puno pero sa dulo nito ay may mga gusali. Gusali na animo'y wasak wasak na at pinasabog dahil kuno may gera. Madami ding nagkalat na bangkay sa dinadaanan nya. Mas lalo siyang kinabahan sa mga nakikita nya. "Sabi nila Mama, nandito ang sagot kung bakit hindi ako makatulog.. Anyare?!" bulong ni Kacey sa sarili. Kumuha siya ng baril sa isang bangkay at kinasa ito. "Pahiram po muna ako ah? Salamat po."
Patuloy na naglakad si Kacey, at napadpad siya sa isang building. Building na buong-buo pa, may mga magagarang kotse na nakapark na iba-iba ang desenyo, may ferrarí at kung ano man, basta. "SUMAGOT KANG UNGAS KA! SINONG LEADER MO!" natigilan si Kacey ng may narinig na sumigaw na nanggagaling sa loob ng gusali. Pumasok siya at nakitang may mga taong nakapalibot sa isang sulok.
May mga hawak silang baril, kutsilyo, itak, chainsaw, pako, lagare, at?.. ice cream? "Wala akong leader.. Wala akong kinasasakupang grupo!" sigaw nung isang nilalang.
Bakit may ice cream? Anyare kay author mga besh? Nagutom? hys, nevermind. Nagtago si Kacey sa likod ng isang pader at nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga tao na mga naka-leather jacket at ripped jeans, lakas maka-sabay sa uso mga b3$h!
"Hindi ka magsasalita ha? Baka gusto mong sumabog nayang mga ugat mo!" matapang na sigaw nung isa. "Ang hard naman nun, besh." bulong ni Kacey.
"Who are you?" napatalon sa gulat si Kacey, muntikan pa siyang mapatili pero tinakpan siya sa bibig nung lalaking nasa harap nya.
Who the heck is he? OMG! ang sharap mga besh! sharap sharap tologo! Naka-leather jacket rin ito na pinatong sa white nyang round-neck tshirt, simpleng pantalon at rubber shoes lang. Matangkad ito na medyo moreno, sakto lang ang payat at taba, basta sakto lang. Medyo singkit at ang haba ng mga pilik mata, bakat sa tshirt nyang kapit na kapit sa katawan ang maskuladong katawan nito, basta kerry lang mga besh. (hirap magdescribe ha! features of Daniel Padilla pwede?)
"What are yo doin here, Miss?" tanong ng lalaki at hinila palayo sa lugar si Kacey. "A-ah.. n-naligaw lang p-po ako.." nauutal na sagot ni Kacey, ikinakunot ito ng noo nung lalaki, binitawan nya sa kamay si Kacey ang tinitigan ito. "Alam mo bang bawal ang pagala-gala sa oras nato? Maaari kang mapagtripan ng mga grupo dyan.. Babae ka pa naman at halatang.. walang kalaban-laban." tugon nung lalaki na ikina-inis ni Kacey, di na siya nakapagreklamo dahil hinila nanaman siya nung lalaki sa isang building; medyo sira pero pwede pa namang mapakinabangan.
Sa dulo nito ay may mga taong nagpa-party, maingay at tila masaya ang lahat. Naglakad sila sa itaas na bahagi ng silid, kwarto siguro nung lalaki. Itim at Puti ang nangingibabaw na kulay sa silid, isang kama, mesa, sofa, at electricfan lang ang nasa silid, sa gilid ng silid ay may maliit na kusina, sa dulo naman ay ang CR.
Naiwan si Kacey na nakatulala sa may pintuan, inililibot ang tingin sa silid. Naglakad ang lalaki sakanya na may hawak ng tshirt na itim at denim na jacket, pantalon at sumbrerong itim. Ibinigay ito kay Kacey.
"Change your clothes first, Women." tugon nung lalaki at tinulak si Kacey sa CR, syempre choosy pa ba ang ate nyo? nagbihis na siya at syempre? selfie sa mirror muna mga besh! Gandara bonggasious ang outfit ng lola nyo!
Biglang kumalabog ang pinto, "Kinain ka na ba ng lababo dyan at ang bagal mo ha?!" sigaw nung lalaki, agad na lumabas si Kacey. "Opo na po, sorry po ha?" sagot ni Kacey at nilapag ang damit sa kama ng lalaki.
"You will not stay here, Women."
"Wag mo nga akong maenglish-english dyan! Ang dami mong alam!" sigaw ni Kacey, feeling gangster ang lola nyo mga besh! "Ihahanap kita ng matitirahan, basta wag dito. Mamamatay ka ng maaga pag kasama moko." tugon nung lalaki na ikinatayo ni Kacey.
"Bakit? S-sino ka ba?"
Napalingon sakanya ang binata at ngumisi. "My name's Chad, Kacey."
______________________________________________________
Chad- warrior
so ayun! Chapter Two Done! Please mga besh, gawa nyo ko cover nito! Pm nyo po ako sa facebook or sa twitter :)
Facebook: Alta Bayola Mendoza
Twitter: @altughh
thankyooooooouuuuu! ^.^
YOU ARE READING
Behind Those Doors
Mystery / ThrillerThere is a mystery behind those doors, and every door has it's own story.