07 - Mall

184 10 0
                                    

Pagkatapos maligo ni Amara at Aiden nagpalit na sila. Pagkatapos mag palit ni Amara chineck niya kung may dala siyang payong kasi baka umulan at para Meron siyang protection from the Sun light

Si Aiden naman pagkatapos niyang magpalit kinuha niya na Yung susi Ng sasakyan niya at inistart niya na yung kotse niya


At ayun na nga bumaba na ng bahay nila si Amara kasi naghihintay Na raw si Aiden

Amara's
Hay sana hindi awkward mamaya!

Aiden: Dalian mo na!

Me: pababa na po!

Pagkababa ko hindi ko alam kung kaninong sasakyan yung nasa harap Ng bahay namin pero baka Kay Aiden

"Hoy! Tara Na!" Biglang may sumigaw at si Aiden nga yung may Ari nung sasakyan

"Akala ko--" Hindi ko natuloy dahil bumaba siya galing Sa kotse niya at hinila ako papasok sa passenger seat

"Huwag ka ng umangal pa, ayokong mag commute!" Sabi niya pag ka upo niya Sa driver seat

"Ah o-okay" bat ako nauutal!

"Bat Hindi ka nagpantalon?" Tanong niya habang nag-dridrive

"Eh bakit ba?" Sabi ko

"May makakakita Sa legs Mo Na iba!" Sabi niya

Wow. Huh ang protective niya naman

"ah hindi yun. Wala namang mag iinteresado sakin"

"Kahit Na! Paguulitin mag pantalon ka!" Sabi niya. Hay nako napaka protective nga naman oh

"Bat ba ang protective Mo?" At ayun tinanong ko na nga

"Syempre girlfriend kita!" Ay sineryoso niya naman

"Fake! Girlfriend" pasigaw kong sabi

"Fake? Totoo Kaya" what? May amnesia ba to?

"Oo Na nga diyan kahit Hindi!"

"eh totoo naman eh girlfriend kita" oo na nga diba? Ang kulit naman nito!

"Oo na po" at tumingin nalang ako sa window side at nag- earphones para wala Na akong marinig mula sa bibig niya!

Nakikinig ako sa kanta ng Got7 yung k-pop group. Ang gwapo talaga ni Mark Tuan! Bahay sila ni Nayeon yung Sa TWICE girl group Yun Sa korea din










Nandito na kami Sa mall at bumaba na ako sa kotse niya. Papunta na ako sa mall ng biglang hawakan ni Aiden yung wrist ko at bigla naman akong napalingon sakanya

"Bakit?" Tanong ko

"Wala lang. Bakit bawal ko bang hawakan ang kamay ng Girlfriend ko?" Tanong niya at inayos ang paghawak Sa Kamay ko

"Hindi naman pero"

"Walang pero pero" at hinila niya Na ako papasok sa mall

"Anong bibilihin mo?" Tanong ko sakanya nang makapasok kami sa National Bookstore

"Ahmm mga pang paint" sagot niya at tumango nalamang ako

"Punta ako dun Sa mga may craft side okay?" Paalam ko sakanya

"Okay" Sabi niya at binitawan niya na yung kamay ko





















May kumalabit sakin, lumingon ako at si Kate pala. Friend namin siya actually 9 kaming magkakaibigan pero Yung 2 nasa quezon Kaya ayun malayo sila. BTW nandito siya kasi daw may pinapabili yung ate niya Kaya ayun

"Ahmm bes? May kasama ka?" Tanong niya

"Ahmm oo Meron" sagot ko

"Sino?" Tanong niya sasagot Na Sana ako ng sumagot si Aiden

"Ako" at napalingon nalang kaming dalawa

Nanlaki ang Mata ko at si Kate naman ayun kinikilig. Crush kase niya si Aiden, Ewan ko nga bat gusto niya Yan

"Wait bes! Kinikilig ako!!!" Sigaw niya napatingin tuloy Yung mga staff sakin

"Hoy! Maghunos dili ka nga diyan" sita ko sakanya

"Sige Na bes! Baka hinihintay ako ni mama Sa department" at Yun nagpaalam Na siya

"Bye bes!" Di parin makapaniwala

"Tapos ka Na bang mamili?" Tanong ni Aiden, oo nga pala nandito pa si Aiden

"Ahmm. Oo" at pumunta Na kami Sa cashier para magbayad

Pagkatapos magbayad nagdecide kaming kumain sa food court

Bumili Lang ako ng potato twirls at juice Yun lang naman kinakain ko dun eh

Habang kumakain walang imikan, ang awkward nga eh

"Amara?" Hay salamat at nagsalita Na siya

"Bakit?" Sagot ko

"Sorry ulit ah" hay sorry na naman

" Okay Na nga Sabi eh" ang kulit kasi

"Okay" at tahimik Na naman

MarkYeon Chat Love Story [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon