23. A night with HIM :"> (part 2)

56 2 2
                                    

a/n: update! :D

kyahahaha sinasadyang ngayon lang mag-update ganun? kyahahaha XD pabitin effect ako eh!

oh siya. ayan na po :D

enjoy the story and chapter! ^__^v

Previously on MT.chapter 22:

12:00 midnight.

Naalimpungatan ako sa sobrang lamig. BRR. Nakabukas ba ang aircon dito?

Hindi ata. -__- dala lang ng panahon siguro.

Hmmmm… kamusta na kaya ang MANYAKIS na chrysoprase? Buhay pa ba yun? Ang alam ko lang eh bago ako makatulog ay hindi talaga siya tumigil sa kasisigaw.

HOLO. Nakakaguilty naman ata yung ginawa ko?

ECHO: maguilty ka…

Guilty…

Guilty…

Guilty..

OPO NA! GUILTY NA NGA DIBA?! T_T

So ayun nga.. dahil nakonsensiya na ako and somehow eh medyo humupa na ang aking galit eh sinilip ko siya sa may balkonahe.

O__O HOLO. Namamaluktot siya na parang fetus sa labas. NAKUPO. Nakakakonsensiya. N-nakahiga siya sa lapag.

NGI. TT__TT naawa ata ako bigla sa MANYAKIS na’to?

Nakakaawa naman siya. Ang lupit mo Aries!

Binuksan ko na ang door sa balkonahe at nilapitan ko siya upang gisingin siya.

“Manyakis, huy gumising ka na dyan. Lumipat ka na dun.” At ng hawakan ko ang kanyang braso upang tapikin at gisingin siya..

OH MY GOD.

HE’S BURNING!!

[ ARIES’ POV ]

WAAAAAH! >__< juskupo Lord! SOBRANG INIT NIYA TALAGA. Yung tipong pwede ka ng magprito ng itlog sa sobrang init niya. OH NO ARIES ANONG GINAWA MO!!

Aries’ mabuting konsensya: Naku Aries, tignan mo ang ginawa mo sa kanya? Kasalanan mo kaya siya nagkasakit. Hahayaan mo na lang ba na diyan siya matulog? Alagaan mo siya. Sige ka baka mamatay yan.

AY HANEP NAMANG KONSENSIYA TO!

MAMATAY AGAD? Diba pwedeng maoospital muna?

>__<

“Manyakis.. Huy gumising ka na muna..” nahihiya kong panggigising sa kanya. Medyo naalimpungatan na siya. Marahan niyang idinilat ang mga mata niya.

“B-Bebe ko… *cough*”

Waaaaah! >__< nakokonsensiya na’ko at the same time err… parang nakakaakit yung pagkakasabi niya sa pangalan ko.. este HANUBA ARIES MAMAYA NA NGA YANG AKIT AKIT CHURVA NA YAN!

Itinayo ko na siya ng dahan-dahan at nahahalata ko nga sa kanya na nanghihina talaga siya. Muntikan pa siyang maout of balance! Buti na lang at nasalo ko siya agad! Kaya heto. NAKASANDAL SIYA MISMO SA LIKOD KO. Take note: nakaharap siya ha sa likod ko. Meaning parang hinahug nya ko from the back!

>/////< AMP NAMAN ANG MANYAKIS NA’TO OH!

HANGGANG SA MAY SAKIT BA NAMAN SIYA EH MAY DUGONG MANYAK PA DIN?!

Haynako. *buntong hininga* wala na akong oras para sa ganyan.

Kinaladkad ko na siya papunta sa kama niya.

Mischievous TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon