CHAPTER 1

14 0 0
                                    

Kasalukuyan siyang nasa eroplano ngayon pabalik ng Pilipinas at pinagmamasdan ang mga ulap na nagsasalubong sa kanila sa himpapawid.

"It's been 15 years at heto ako pabalik ng bansa galing Korea. Ayoko pa sanang umuwi kaso heto kasing si mama nagtatampo na dahil matagal na akong hindi umuuwi ng bansa, well hindi ko naman siya masisi dahil ina siya at matagal na niya akong hindi nakakasama. Pero hindi ko naman siya nakakalimutang kamustahin, everyday nag vivideo call kami kapag libre ako sa oras o gabi bago matulog.

Hindi ako komportableng bumalik sa bansang ito dahil may iniiwasan ako. Ready na ba ako pag nag cross ang landas namin? Paano kung magkita nga kami? Anong sasabihin ko? O para nanaman akong natanggalan ng kaluluwa pag kaharap siya. Hay Annie! Hanggang ngayon siya parin ang laman ng puso mo? Akala ko ba nakamove on kana? Well masaya na siya at ikaw lang naman itong umaasa sa wala noong una pa lang! Walang naganap na "Roses are Red Violet are Blue" kaya ikaw lang itong tanga na nag assume at umasa!"

TANGA! TANGA! TANGA! Parang echong paulit ulit sa utak niya. Napapikit siya at hinimas ang napakunot na noo habang kausap ang sariling konsensiya.

"Ayan nag iisip ka nanaman! Narito ka sa Pilipinas para mag bakasyon! Yon lang! kung magkikita man kayo well just be nice and happy. Pero pano kung ang abnormal kong feelings na akala ko ay naglaho na ay bumalik pala? haist... ito na nga ba eh kaya ayaw kong bumalik dito. Annie? Hindi naging kayo kaya tama na yan. Erase erase erase! Kung nasaktan ka man ng sobra ang pagiging numero uno mong pagkatanga ang dahilan kung bakit."

Sa paglipad ng sinasakyan niyang eroplano kasabay ding lumulutang ang pag iisip niya hanggang sa makalapag ito.

Sa NAIA 1...Tulak tulak ang saraling mga bagahe papalabas ng building agad niyang tinawagan ang ina.

"Hello ma! Nandito na ako." Kausap niya ang kanyang ina sa kabilang linya ng cellphone.

"Talaga?! Sandali lang ha malapit na kami diyan traffic kasi! Tila iritableng sagot ng kanyang ina. "Maaga kaming nakaalis sa condo pero late parin kami dahil sa traffic na to." Sabi nito na mainit nanaman ang ulo.

"Okey sege hihintayin ko na lang kayo ha? Tawagan mo ako agad." Sabi niya yumuko siya para ibalik ang cellphone sa dala niyang hand carry bag ng may masagi siyang matangkad na lalaking naka puti. Agad naman siyang humingi ng tawad kahit na hindi niya pa ito iniangatan ng tingin. "Mi-ya-ni...I mean Sorry... Sorry..." Yumuko siya ng tatlong ulit bilang pagpapakita ng paghingi ng tawad. Nakagawian niya na kasi ang yumuko dala ng tradisyon sa korea sa tuwing humihingi siya ng sorry.

"Annie is that you!?" Sabi ng lalaki na nakawhite fitted longsleeve."hey! Long time no see? How are you?" Bati ng lalaki sabay smile at lumabas ang malalalim na biloy sa pisngi.

Nagulat din siya at hindi nakapag imik sa pagkabigla ng ipako niya ang tingin dito, ngunit napawi naman niya agad ito at ginantihan ng ngiti ang lalaki.

"Ikaw pala yan M-mark." Tipid siyang ngumiti. "Im good! Ikaw?" Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita ulit. At agad niyang napansin ang kasuotan nito. "You looked good! Y-your a pilot?" Agad niyang tanong.

"Yes." sabay tawa nito at lalong nagpa gwapo sa kabuuan ng mukha niya. "Ikaw y-you looked different now but still a clumsy." Masayang sabi nito at tila humahanga sa kanya.

"Human change! Ahaha di mo akalaing from a mongkey turn to a homosapiens." Pagbibiro niya dito. Well inaamin niya na malaki ang ipinagbago ng buong itsura niya kumpara dati. "Kakarating ko lang from other country! I need to unwind in my hometown."
Paliwanag niya.

Im Secretly Inlove With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon