SYPNOSIS

15 0 0
                                    

Lahat naman tayo ay may sekretong tinatago at iniingatan. Nainlove ako sa taong hindi ako pinapansin kahit anong papansin ang gawin ko wala talaga! Si Carl Javier the ultimate admirer in campus. One sided love ang namamagitan saamin at hindi niya alam yon kasi nga secret.

Inaamin ko hindi ako yong tipo ng babaeng gusto niya tapos siya naman yong tipo ng lalaki na gusto ko... saklap diba? Wala na yatang sasakit pa sa pusong hindi pinapansin ng crush mo tapos yong crush mo iba naman ang gusto. Kaya nga relate ako sa pelikulang "BAKIT DI KA CRUSH NG CRUSH MO?"

Minsan sinisisi ko na nga ang sarili ko kung bakit siya parin ang gusto ko gayong marami naman diyang iba na pwedeng gustohin ulit ng puso ko. Ewan ko ba kung anong problema't bakit siya parin talaga at hindi mawala wala ang pagkagusto ko. 
Ang cool cool niya kasi at hindi maiwasang makuha niya ang ang mga tingin ko. Yong mga mata niyang manining, yong labi niyang mapula, yong matangos niyang ilong na nakakagigil pisilin at makinis niyang mukha na ang sarap haplosin hayyyy.... ang mga ngiti at titig niyang nakakatunaw ng puso.

Kaso nga lang may kung anong misteryong bumabalot sa pagkatao niya at hindi ko alam kung bakit dahil napaka coldhearted niya o broken hearted nga ba? Buti na nga lang nakikita ko ang masayang ngiti niya sa tulong ng mga kaibigan niyang si Mark, Dayle at Glenn. Kahit na binubully ako ni Dayle at ginagamit ni Mark ay nililigtas naman ako ni Glenn sa masasamang balak ng mga ito. Pero si Carl? Nanatiling walang pakialam saakin.

Haist! Paano nga ba niya ako mapapansin? hanggang tingin  at abot kamay na lang ba ako? Hi crush! Tingin ka naman saakin kahit saglit lang! Please?

Sa kasamaang palad nalaman ko kung bakit hindi siya makatingin sa ibang babae. May iba na palang laman ang puso niya at ang masakit, wala akong laban, ang ganda eh mukha siyang dyosa partida pa dahil ubod ng bait pa! Wow! Ang shaket shaket! Di ko yata makaya na sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa minamahal niya... ako namang baliw na nakatingin parin sa kanya, kahit para bang hindi na dapat pa. Nakakaawa siya! Pero mas nakakaawa pala ang puso ko na paulit ulit nadudurog sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya. Tumatagos saakin.. Sana ako na lang si KC na mahal na mahal niya,tiyak kong susuklian ko yong ng bonggsng bongga!

Ako naman itong tanga na patuloy paring umaasa na sa bandang huli titingin din siyang pabalik saakin at nangangarap na mamahalin niya.

#umaasa

Im Secretly Inlove With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon