CHAPTER 2

11 0 0
                                    

Habang binabaybay nila ang daan pauwi napahinto nila sa tapat ng Sullevan High School hindi na umusad ang sasakyan nila.

"Teka? Bakit kaya traffic? Siguro may nangyaring aksidente sa daan?" Ilang ulit nag bumusina ng kanilang driver.

Napatingin siya sa lugar kung saan nakatayo ang Sullevan High School, mataas kasi ang gusaling iyo kaya't napatingin siya sa building. Matagal niya iyong tinitigan at may kung anong kirot ang bumalik sa loob ng kanyang puso.

"Matagal na yon Annie! So stop torturing your heart..." Payo nya sa sarili. Napabuntong hininga siya at agad winaksi ang bumalik na alala. Napahimas siya ulit sa nangunot na noo.

"Miss Lee nahihilo po ba kayo? Pasensiya na po kung matatagalan tayo traffic po kasi eh." Sabi ni Manong Gido na kanilang driver.

She clear here troat before answering manong. " Okey lang po yon Mang Gido." Nginitian niya ang matandang lalaki. "Tsaka Ma'am Annie na lang po ang itawag niyo saakin dahil wala naman ako sa korea."

"Opo ma'am Annie." Magalang na sagot naman ng driver.

"Hay naku! Sa Pilipinas lang may forever!" Sabi naman ng kanyang ina.

"Oo nga po madam." Sagot ulit ng driver na nakuha naman agad ang punto ng kanyang ina.

Napatingin siya sa ina matapos sabihin yon.

"Ano yon ma? Anong forever na pilipinas?" Tanong niya sa ina.

"Aba? Hindi mo alam? Traffic! Forever ang traffic sa pilipinas." Paliwanag naman ng ina. "Eh simula ng umalis ka sa bansang to eh hindi man lang mabawas bawasan ang traffic dito hay naku!" Napahawak pa ito sa noo na tila naiinip na sa loob ng sasakyan.

Natawa na lang siya sa inasal ng ina.

Samantala sa unahan kalsada ikatlong sasakyan mula sa kanila.

"What happened?" Tanong ng matangkad na lalaki na naka maron longsleeve polo at stripe gold nicktie na agad lumapit sa nakahandusay na matandang babae.

"Na hit and run po hindi man lang naawa sa matanda." Paliwanag ng isa sa mga nakasaksi sa aksidente.

"Manang? Ano po ba ang nararamdaman ninyo?" Tanong niya sa nanghihinang matanda na agad niyang kinuhanan ng pulso. "Huwag po kayong mag alala doktor po ako huwag po kayong matakot." Pagpapahinahon niya sa kausap na nakangiti sa biktima. Malalaki ang galos na natamo nito at mukhang malakas ang pagkakabundol dito at napuruhan sa binti sanhi ng hindi makatayo ang pasyente. "Manang? Naririnig niyo po ba ako? Sabihin niyong Oo at hindi ha?"

Tumango naman ang matanda sagot na naiintindihan niya ang sinasabi ng doktor habang pinapakiramdaman ang sarili.

"Nararamdaman niyo pa po ba ang binti niyo? Masakit po ba?" Tinanong niya iyon para i confirm ang nararamdaman ng pasyente. Umiling-iling ang sagot ng matanda. "Okey? Huwag po muna kayong magkikilos, huwag kayong mag alala okey lang ang lahat sundin niyo lang po ako para maging okey kayo ano po?" Magalang na sabi niya sa matanda at pinapahinahon sa nararamdaman nitong tensyon.

May ilang nagmalasakit naman para itabi sila sa kalsada na nagiging sahi ng traffic kaya't minabuti niyang ipatabi ito ng may pag iingat.

🚑🚑🚑🚑🚑🚑🚑🚑🚑🚑🚑🚑

POV
#Glenn

Umusad na ang mga sasakyan. Napatingin siya sa nagkukumpulang tao at tila tama ang driver na nagkaroon nga ng aksidente sa bandang iyon. Napatingin siya sa lalaking naka maron na kinakausap ang matandang nakahandusay.

"Stop the car manong." Si Glenn ba yon? Anong ginagawa niya diyan? Involve ba siya sa aksidente. Gusto kong makasiguro. "Itabi mo ang kotse bababa ako manong Gido." Utos niya sa driver na agad naman siyang sinunod.

"Annie??? Bakit ka pa ba bababa?" Nag aalalang tanong ng ina. Hindi niya na ito pinansin at tinungo ang nagkukumpulang tao.

"Glenn?" Iyon ang unang sabi niya pagkalapit niya sa lalaki at agad naman itong lumingon. "Oh my!" Nagulat siya ng makita ang baling binti ng mantanda, ngayon lang siya nakita ng halos lumuwa ang buto at makakakilabot yon.

Gitla ang pagkasurpresa ni Glenn ng mapatingin sa kanya. Ngunit binawi nito agad ang mga tingin at bumaling sa matanda. "Tulungan niyo akong isakay siya sa kotse." Pakiusap nito sa mga taong nakapaligid sa kanila. At hindi na niya pinansin si Annie, agad niyang tinungo ang nakatabing kotse at pinagbuksanan ito ng pinto. . "Dahan-dahan lang." Pagkapasok ng matanda sa loob ay agad nang naupo sa driver seat si Glenn at nagmadaling punaharurot ang sasakyan.

Naiwang nakatulala si Annie habang pinapanood ang papaalis na kotse ni Glenn. Malumbay siyang bumalik sa sariling sasakyan.

"Let's go manong." Malumanay na utos niya sa driver.

"Anak bakit ka ba bumaba? May problema ba?" Pag aalalang tanong ng ina marahil ay napansin nito ang pagkalungkot niya.

"Wala po mama, nagkamali lang ako ng akala." Sagot niya sabay sandig sa inuupuan.

"Anong nangyari galit ba siya saakin? Bakit hindi niya ako pinansin? Hayyy.... Glenn kung alam mo lang! Kung alam mo lang sana." Sigaw ng kanyang konsensiya. That was so embarassing at her ego na ganoon na lamang kalamig ang pagkakaibigan nila ni Glenn. Lalo na't ganoon ito kanina " Siguro nga galit siya, after Graduation? bigla nalang akong nawalang parang bula at hindi man lang nagpaalam sa kanya. Tapos hindi pa ako nagparamdam sa loob ng labing limang taon. So ano nga kayang mararamdaman niya he's my bestfriend pero iniwan ko siya ng ganoon lang! Im a bad friend. I hate you Annie! I hate myself masyado mo kasing dinamdam ang nangyari sayo kaya kahit matalik na kaibigan mo nagalit sayo."

🏥🏥🏥🏥🏥🏥🏥🏥🏥

IN THE HOSPITAL...

Matapos ipasok sa emergency room ang naaksidenteng matanda at inasikaso na ito ng mga naka duting doktor.

" That brat girl! Bakit ngayon lang siya nagpakita saakin? After all? She's not answering my email even my message... Nakakatampo siya pero hindi ko maikakaila namiss ko siya ng sobra.! And she's different now she's so beautiful... Hindi ko man lang nakuha ang number niya or kahit address niya? I hope she'll understand my situation at hindi niya masamain yon... hindi ko naman maiwan yong matanda at unahin siya dahil lang doon. Hayyy pinaglalaruan ba ako ng tadhana?"

Iyon ang nasa isip ni Glenn habang binabaybay ang pasilyo papuntang conference room ng hospital.

"Nakakainis! I have no time para balikan siya. Isa pa baka wala na rin siya doon. Im late for my meeting! Saan ko naman kaya sa hahanapin? Wala na sila sa dating tinitirhan, pinasasakit ng babaeng yon ang ulo ko kahit kailan."

Nasa harapan na siya ng Conference Room ng bumukas ang pinto.

"Doctor Fordham! You made it! Kanina ka pa po hinihintay ng Head Doctor." Sabi ng secretary.

"Okay Thank you!". Pumasok na rin siya agad.

Natapos ang meeting na walang kahit isang minuto ang nag occuppied sa isip nya kundi si Annie.

I hope we can see each other again.. I really miss you so much! Hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa buhay ko Annie.

😿😿😿😿😿😿😿😿😿😿😿😿

SORRY FO THE LATE UPDATE... ALAM KO MARAMING MALI SA STORY KO BUT INEDIT KO NA FOR CORRECTION... MARAMI LANG NANGYARI IN PERSONAL LIFE AT HINDI NAKAPAGBUKAS NG NET... SANA PATULOY NIYONG BASAHIN.... THANK YOU.

Im Secretly Inlove With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon