REYLYN'S POV
"hon!"
Muntik na ako himatayin sa gulat "ano ka ba naman hon, ginulat mo ako e" hindi ko na naituloy ang pagbukas sana sa kwarto.
"ano ba kasi ginagawa mo dyan?" lumapit na ako sa kanya.
"wala, may narinig lang ako."
"narinig?" tumango ako.. "e mukha naman hindi na ginagamit yan room na yan e" lalapit pa sana si leon pero, hinawakan ko na siya sa braso.
"wag na hon, baka marami jan ipis or daga, bakit ka nga pala sumunod" naglalakad na kami papunta sa kwarto ko. "bakit ka ba sumunod hon? wag mo sabihin na gusto mo talaga maka score ha?" hinarap ko siya sa namaywang.
tumatawang niyakap niya ako. "grabe ka hon, yun ba tingin mo sa akin? syempre sinundan kita para ihatid sa kwarto mo" he paused "saka malay mo payagan mo na rin na maka-" d na niya natuloy ang sasabihin kasi binatukan ko na siya.
"ouch naman hon.. d ka pa rin talaga nagbabago" habang himas himas ung ulo niya.
"hmp, akala ko pa naman totoo na gusto mo lang talaga ako ihatid sa kwarto" ng pout pa ako.
"joke lang naman hon.. cge na you can go inside na baka hindi ko mapiligilan sarili ko e" pagkasabi ay saka niya ako binigyan ng isang mabilis na kiss.
"hindi na kita ihahatid hon, sa loob ha? mahirap na .. "saka siya bumababa ng hagdan.
bago ako pumasok sa kwarto ay muli napatingin ako sa isang kwarto na sana ay bubuksan ko. i have a strange feeling, hindi ko maintindihan kung ano yun.. siguro sa pagod lang saka sa sobrang saya ko kaya ganito ako, i need to rest talaga.
LEON'S POV
Bago ako bumaba, tiningnan ang pinto na sana ay bubuksan ni reylyn kanina. parang may iba ako pakiramdam kanina. para ba may nagmamasid na hindi ko maintindihan. gusto ko sana talaga buksan ang kwarto pero, pinigilan ako ni reylyn. ayoko naman magpumilit kasi siguradong magtatanong yun at ayoko siya bigyan ng isipin.
Sobrang saya ko kasi sa wakas, napatawad na ako ni reylyn. mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko na siya papakawalan pa. si kc na lang ang kulang para buo na talaga ang pagiging masaya ko.
Nauuhaw nga pala ako, kaya din pala pumasok ako sa bahay upang kumuha ng tubig. papasok na ako sa kusina ng makasalubong ko si rubie, may hawak siya isang bote ng san miguel. nagtaka ako, hindi ko alam na umiinom na pala sila. pero, konting sandali pa lang ako nawawala, bakit parang lasing na siya?
"rubie, ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya..
tumingin siya sa akin at ngumiti, "oo naman" she paused "lalo na at nakita kita" tinitigan niya ako.
alam mo yung pakiramdam na parang kinalibotan ka? parang may iba sa kanya. saka, alam niya ba sinasabi niya? para hindi mapahiya, nagbiro na lang ako.
"mukhang napapadami ang inom natin ah?, pahinga ka na" syempre kaibigan pa din siya ng mahal ko. wala naman masama magpakita ng concern db?
tinitigan niya pa din ako, "hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" sabay yakap niya sa akin..
agad ako kumalas sa kanya. shit! ano ba to? baka may makakita sa amin, ano na lang iispin ni reylyn?magiging problema na naman namin ito tiyak. ano ba nangyayari sa rubie na ito? wala ako natatandaan na naging close ako sa kanya. ang alam ko lang noon ay mahal na mahal niya ang asawa niya si juvel na noon ay boyfriend pa lang niya.
"ano ba nangyayari sayo Rubie? halata na sa bosesko na naiinis ako
parang maiiyak na sumagot ito "bakit ganyan ka leon? kelan mo ba ako mapapansin?"
lalo ako naguguluhan, ano ba pinagsasabi nito? sasagot pa sana ako ng bigla nagsalita si ainca sa likod ko.
"may problema ba?"nagpalipat lipat ito ng tingin sa amin ni rubie.
sasagot sana ako pero naunahan nako ni rubie, "wala, nagkwekwentuhan lang kami ni leon," saka tumingin ito sa akin. "db leon?"
Hindi ako makasagot. hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay ainca ang nagyari o itatago ko na lang.

BINABASA MO ANG
RESORT(VILLA CRIS)
Mystery / ThrillerMAHAL KITA PERO MAHAL MO SIYA!!!!!!!!!!!!! MAKAKAPAYAG BA AKO NA IBIGAY KA SA KANYA? SUBUKAN MO AT NG MALAMAN MO!