CHAPTER 2

132K 2.9K 223
                                    

Isabel's POV

Good afternoon. Please be seated. Fasten your seatbelt. It will be about 5 minutes before we land Ninoy Aquino International Airport. Hope you had a comfortable journey. I'm Jervie, your pilot. And welcome to the Philippines!

.

.

.

.

Finally!


I'm home.. It's good to be back.


I got a lot of things to do.


First, i need to find a place to stay. Then a job. Then a University. While finding those, i need to fulfill my promise to Dave.


I missed this place so much. I should take a tour sometime. Many things had changed. Pero sana hindi yung pangako ko kay Dave.


May naipon naman akong konti. Kailangan ko lang tong pagkasiyahin hangga't makahanap ako ng trabaho. Kapag may trabaho na ko, saka ako mag-aapply ng scholarship sa isang university.


Nag-taxi ako papuntang dati naming bahay. Baka sakaling bakante na yon. Pwede na ako doon.


Pagdating ko sa dati naming bahay, may nakita akong matandang babae na nag wawalis sa tapat. Siguro siya na yung nakatira dito. Magtatanong na lang ako kung saan may pinakamurang paupahan.


"Magandang araw po. Pwede po ba mag tanong?"


Lumingon siya sakin at laking gulat ko na si Aling Martha pala yon. Ang may-ari ng bahay na inuupahan namin dati. Isang napakabait na tao. Hindi siya yung katulad ng ibang nag paparenta na laging nagagalit kapag hindi agad nakakabayad ng upa. Naiintindihan niya ang sitwasyon namin kaya kahit kadalasan huli na kami mag-bayad, hindi siya nagagalit at hindi niya kami pinapalayas.


"Aling Martha? Kamusta po?" niyakap ko siya.


"Ineng, sino ka ba?" ayy. Di niya na siguro ako nakilala.


"Aling Martha, ako po si Isay. Natatandaan niyo pa po ako?" nakangiti kong pahayag


"Isay? Diyos ko! Ikaw pala yan! Ang laki laki mo na.. Hindi na halos kita makilala. Kamusta ka na?"


"Gumanda na po ba ako? Hehehe. Okay lang po ako. Kayo po? Kamusta po?"


"Oo naman hija. Okay lang ako. Halika at pumasok tayo sa loob. Doon na tayo mag-kwentuhan."


Pumasok kami sa bahay niya na katabi lang ng dati naming tinitirhan.

"Asaan ang mama at papa mo? Kasama mo ba sila?"


"Nako. Hindi po. Ako lang po ang umuwi. Pero wag po kayo mag-alala, susunod din po yong mga yon. Hehehehe."


"Ganon ba? Mabuti naman at uuwi na kayo dito. Saan ka naman nakatira ngayon? Bakit may dala-dala kang maleta?"

The Campus Nerd, is the Billionaire's Daughter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon