1 - Operation failed.

77 12 1
                                    

*WABU's POV*

Nasa likod kami ng hotel ni Jawi ang parati kong kasama sa mga mission. May mission kami at 'yun ay ang makuhang muli ang mga ninakaw ni Mr. Chen isang makapangyarihan sa underground world. Pero wala akong paki dahil target namin siya ngayon.

Gobyerno ang nagbayad saamin para mabawi'ng muli ang mga ninakaw ni Mr. Chen sa kanila.

Papasok na sana ako ng magsalita si Jawi.

"Kakasya ka ba talaga sa kahong 'yun?" Nagkakamot na tanong nito.

Ano ba pinoproblema ng lalaking 'to?

"Pwede ba. Hindi naman ikaw ang papasok sa kahon kaya chill ka lang." Sabi ko at sinimulan ng maglakad papasok. Nagcheck in na dito sila Asu at Imya para mahanda na lahat. Si Imya ang maghahack sa mga CCTV cameras ng buong hotel. Si Asu naman ang magaupdate kay Boow na nasa pangalawang kwarto mula sa kwarto nila Asu. Siya ang bahala sa mga paglalagyan ng mga bagay na ninakaw ni Mr. Chen.

Si Jawi naman siya ang tatakbo sa akin para mabilis na makuha ang mga dyamanteng ninakaw ni Mr. Chen. After 2hrs siya tatakbo mula sa kwartong kukunin naming dalawa.

Ako naman ako lang naman ang papasok sa kwarto ni Mr. Chen para patulugin ang mga tauhan niya at siya mismo. Ang kwarto niya ay napaggigitnaan ng kinuhang kwarto nina Asu at Boow. Nice di ba.

Sinuot ko muna ang long jacket ko para di nila kami mapaghalataan. Hinayaan ko na si Jawi ang kumuha ng kwarto namin.

Hiwa hiwalay kami ng kwarto para hindi mapaghalataan.

Habang nagiisip ako ay naramdaman ko naman ang pagyakap sakin ni Jawi mula sa likuran.

"Pwede mo bang paki bilisan sa ginagawa mo diyan miss? Kasi kailangan ng magpahinga ng girlfriend ko 'e. " malanding ani Jawi pinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko.

Tss. Parating ganyan 'yan si Jawi. Ginagawa niya kong girlfriend, fiance o misis niya sa ganitong mga mission.

Nasanay na ko sa mga palabas ni Jawi kaya hinahayaan ko nalang. Sabi niya kasi para daw mas mapadali ang trabaho.

'Di ko alam kung pano naging madali. Basta alam ko kinikilabutan ako sa tuwing ginagawa niya ang mga ganyang palabas niya sakin.

"Nako! Ang sweet mo naman sa girlfriend mo." Malanding ani ng babae.

"Pogi na sweet pa." Kinikilig na sabi ng kasama niyang babae.

"Tss" singhal ko. Narinig naman 'yun ni Jawi kaya ramdam ko na bahagya siyang lumingon sakin habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Stop that babe." bulong niya sakin at bahagyang nanindig ang balahibo ko ng idikit niya ang ilong niya sa leeg ko.

Shit kang Jawi ka! Mamaya ka sakin!

"Bilisan niyo na!" Napalakas ang pagkakasabi ko sa dalawang babae. Rinig ko naman tumawa si Jawi. "Babe. Ang bigat ng ulo mo pakitanggal naman ng pagmumukha mo sa balikat ko at baka masupalpal kita. Mahal ko." Nanggigigil na sabi ko kay Jawi. Rinig ko naman ang pagtawa niya saka inangat ang ulo niya

"Bilisan niyo na diyan miss. Di na kasi makapagantay girlfriend ko 'e. " sabi niya saka ako binitawan sa pagkakayakap niya

"Heto na po sir." Sabi ng babae saka inabot ang susi kay Jawi. "Sayang ang sweet ng lalaki, amazona naman ng babae hayy." Bulong pa niya sa kasama niya.

"Oo nga 'e hayy." Sagot naman nito.

Di ko na sila pinansin at diretso na kaming naglakad patungong elevator.

The Operation Of WabuWhere stories live. Discover now