23 - Mentastage

12 3 0
                                    


******************

Pagkatapos in na naman namin ang panibagong stage na magpapabawas ng mga tumatakbo bilang The Tendons.

Ano na naman kaya ang papagawa samin ng matandang Grego na 'yon.

Tapos na ang lahat ng department sa Spistage. At ang pinaka natuwa ako ay sa VD at FD dahil sobrang light lang.

Di kailangang masugatan para may mapatunayan

"Pero bakit naman kaya tumakbo si Andrea? Abnormal talaga babaeng 'yon."

Hayy.

Nahiga ako ulit sa kama. Kanina pa ko gising at nakapaligo na ako at nakakain.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kumatok na si Kisha sa pinto.

"Bukas 'yan!" Sigaw ko. At narinig ko na ang pagbukas ng pinto

"Oy tara na magsisimula na next stage." Tumingin ako kay Kisha simple lang mga damitan ni Kisha at kahit mukhang mga luma ang mga suot nito ay hindi na ito nahahalata dahil sa taglay niyang ka-cutan.

"Alam mo next stage?" tanong ko saka bumangon. Kinuha ko agad yellow hoverboard ko at nagsapatos.

"Hindi kasi kada taon binabago bago nila ang pagkakasunod sunod ng mga ito" nagaalalang sagot nito

"Pero atleast may alam ka na sa tatlo kahit ano yung iharap sayo." Sabi ko.

"Hindi rin siguro oo yung pangalan ng stage pero yung magaganap sa loob hindi."

Tumayo na ko at lumabas ng kwarto ko. Sumunod naman si Kisha at siya na rin ang nagsarado nito.

"Naghanda ka na ba?" Bigla niyang tanong

"Hindi. 'Di ko naman alam kung ano ang paghahandaan ko 'e hayy." Natawa naman siya.

"Sabagay. Pero ang tatlo pang stage ay ang Emostage, Mentastage at ang Phystage."

"Ano ang mga 'yan?" Tanong ko. Para naman magkaroon naman ako ng idea.

"Ahm ang Emostage ay dito masusukat ang iyong emosyon. Isa itong behavioral flexibility." Tumingin siya sakin nagaantay ata ng reaction ko pero di ko siya pinansin na parang inaantay ko sunod niyang sasabihin. Kaya muli itong nagsalita.

"Yung Phystage naman ay masusukat na naman ang pisikal nating katangian." I sigh 'Hayy' "at ang Mentastage naman ay dito masusukat ang kapasidad ng concentration mo."

"Ano naman kinalaman ng mga 'yan tatakbo lang may pa ganyan ganyan pang nalalaman." Reklamo ko.

Feeling ko nababaliw na matandang 'yon isama niya pa 'yung sinasabi niyang isa pang matandang may ari din nitong paaralan.

"Ahm sa pagkakaalam ko kasi dito nila sinusukat ang kakayanan mo emotional, phyisical, mental at spiritual. Para maging isang the tendons. Dahil ang tendons ay hindi lang isang officer ng paaralan kundi sila ang mga nagcoconnect sa matataas at mabababang pangalan. Sila ang nagiging daan sa lahat. Sila rin ang tagapagtanggol ng lahat. Mataas man o mababang pangalan." Napakahabang paliwanag ni Kisha.

"Ah" sagot ko. Tumingin sakin si Kisha di ko alam kung anong tingin yung binigay niya di ko na siya tiningnan 'e pero narinig ko siyang huminga ng malalim

At bumulong ng Ang dami kong sinabi 'yun lang naging sagot

****************

*Andrea's

Okay dahil ang korni ng ginawa namin hindi kasing cool at hirap ng ginawa ng royal department at skint department. Hays ganda lang at utakan ang labanan mga pinaglalaban mo ganon lang.

The Operation Of WabuWhere stories live. Discover now