11 - SILENCE TO SECRET.

23 6 0
                                    

Di ako makatulog dahil sa kakaisip kung paano ako makakapasok ng RD building.

It's already 3am. And until now hirap ako sa kung pano ako makakapunta sa RD building.

Bawal kasing pumasok sa hindi mo naman department depende kung yung taga 'don sa department ang nagimbita sayo. Parang pinapaalam nila sa guard 'don na may inaasahan silang bisita, name ng bisita, ilan, at kung taga saang department.

Yung nangyari sakin na pagpunta sa kwarto ni Boow ay madali ang proseso dahil kasama na nila ako ang ginawa lang 'non ay name ko, at kung taga saang department. At yun na binigyan na agad ako ng Visitor ID.

There's a telephone but the thing is I don't know their numbers.

What a life.

Now what, Wabu?

Lumabas ako sa terrace. Inilibot ang paningin ko sa paligid. Tinignan ko rin ang itaas. And there. Bingo!

If I can't go normally; then, I'll go abnormally. I'm Wabu, anyway. Hayy.

.

*************

Andito ako ngayon sa rooftop. Tinitignan ko ang kabilang building which is the Office and faculty building. Malalaki at malalawak ang kada building pero magkakadikit naman ito kaya kayang kayang talunin.

Nagconcentrate ako sa building na tatalunin ko. Umatras muna ako para makakuha ng maayos na takbo para makatalon.

Breathe in.

Breathe out.

Then, run.

Tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko hanggang sa tumalon at makalanding sa office and faculty building.

Sanay naman ako sa ganito like duh' agent ako. Isang babaeng namulat sa ganitong larangan lang ang alam. Kaya minsan napapaisip ako kung pano talaga ang normal na buhay.

Pano mabuhay ang mga normal na tao. Sino ako kung nabuhay ako bilang si Jane. At sino ang mga taong nagbigay buhay sakin.

Nakakatawa parang nabuhay ako sa mundong 'to na binuo lang para maging sandata at panangga. Wala akong nararamdaman na kahit ano. Hindi ko alam kung nasasaktan na ba ako o hindi.

Ang alam ko lang nakakatawa ako pero yung tawa bang 'yun ay dahil sa saya? Siguro oo naman dahil masaya naman ako sa tinuturing kong pamilya. Sila Waku at ang Mapurol.

Narating ko na ang rooftop ng RD. Akalain mo 'yun nagiisip lang ako ng kung ano ano nakarating na ko dito.

Magkakatabi kasi ang building ng guest, office at RD building kaya swerte akong wala ako sa SD building.

Anong room number ba si Jawi?

Ah! Si Boow muna pupuntahan ko.

Anong room number nga ulit si Boow?

Ahh!

"502." bulong ko sa sarili.

May sampung palapag ang building ng RD. Sa 2nd floor andon ang room 200-210. At sa 3rd floor andon ang 300-310 At ang floor ni Boow ay nasa 6th floor. Kung nasa rooftop ako ng 10th floor kailangan ko lang babain ang apat na floor. Ang kailangan ko lang malaman ay saang banda ang room ni Boow.

Nakaharap ako ngayon sa harap ng building at magkakasama ang 600-610 sa 6th floor. 600-605 room ay magkaka-line. At kaharap nito ang 606-610 so kung nasa harap ako ng building ibig sabihin room to ng 600-605 room number.

Tumalikod ako. At nakita ang forest. Ang likod ng building. Kung kaharap nito ang 600-605 rooms ibig sabihin sa bahaging ito naka-line ang room ng 606-610

The Operation Of WabuWhere stories live. Discover now