Batok Sabay Takbo!

75 4 2
                                    

"Alam mo yung pinakamagandang tip para habulin ka ng crush mo? Batukan mo siya sabay takbo!"

Ako si Alice Lynne Alvarez. Meron akong crush. At binatukan ko siya, sinunod ko yang payo na yan. Ang shunga ko ba? Sorry naman. Medyo desperada na ako eh. Anong resulta? Haha. Tingnan natin.

[Alice Lynne Alvarez' point of view ~]

Smash.

Lumipad sa ere yung bola, at nakatitig lang ako dun. Unti-unti na siyang bumaba papunta dun sa kabilang side ng court, at nakatitig lang talaga ako dun. Medyo nagising lang ako sa moment ko na yun sa bola nang magsigawan yung mga tao sa court. Aba, panalo na yung year level namin!

"Kyaaaaaaaah! Ang galing mo talaga, Terrence! Akin ka na laaaaang!"

"Pinanalo na naman tayo ni Terrence! Woooh! Future hubby ko yaaaan!"

"Terrence mahal na mahal na kitaaaa! Iuuwi na kita sa bahay namiiiin!"

Nagkatitigan kami ng best friend ko na nakaupo sa tabi ko. Natawa na lang siya at napailing ako. Nanonood kasi kami ngayon ng badminton match ng juniors at seniors ng school namin-- yep, Intramurals namin ngayon. At sino ba yung Terrence na yun na tinitilian nilang lahat? Si Terrence Joe Perez.

Ang nag-iisang "Mr. Perfect" ng university namin. Gwapo siya, matangkad, maputi, may brown na buhok pati brown na mata. Ang cute niya. Lalo na kapag ngumingiti siya, parang nawawala na yung mga mata niya. Tapos ang gwapo niya talaga. Teka. Nakailang gwapo na ba ako sa kanya? Nako! Tapos kapag naglalaro siya ng badminton!

Uhm.. Napaghahalataan na ba ako masyado? Sige na nga. Aamin na ako. Ako, si Alice Lynne Alvarez, ay isa sa mga fan girls niyang si Terrence Joe Perez. Eh. Sino ba naman kasing hindi maa-attract sa kanya? Ang gwapo na, ang galing pa mag-badminton! Ang lakas-lakas ng appeal niya! Eh kaso nga lang.. hindi niya naman ako napapansin.

Kasi naman. Malayo na nga kami sa seating arrangement sa classroom, hindi pa ako kasali sa badminton club. Kasi.. hindi naman ako marunong mag-badminton. Ni hindi ko nga yata ma-lift yung raketa eh. Kasalanan ko bang hindi ako athletic?

"Oy Alynne, oy.." naramdaman kong siniku-siko ako ng best friend ko, si Yuna, kaya napatingin ako sa kanya, "Kita mo ba.. Nakatitig sa'yo si Terrence!" bulong niya sa'kin na halatang kinikilig pa, kaya bigla akong napatingin kay Terrence.

Pero pagtingin ko sa kanya, kausap niya naman yung coach niya. Napasimangot ako nang kaunti at tinitigan nang masama si Yuna. Nag-peace sign lang siya sa'kin. So ibig sabihin, hindi nga nakatingin sa'kin si Terrence kanina. Baliw talaga 'tong babaeng 'to! Bakit ko nga ba naging best friend 'to ulit?

"Ayoko na, Yuna! Pagod na pagod na ako!" sigaw ko kay Yuna, tapos sumalampak na ako sa damuhan

Andito kasi kami sa park ngayon, nagpa-practice ng badminton. Halos dalawang oras pa lang kami nagpa-practice pero pakiramdam ko sampung araw nang bugbog ang katawan ko. Aba! Nakakapagod kayang mag-badminton. Hindi naman yan birong sport lang eh.

Umupo si Yuna sa tabi ko at tumawa siya, "Ikaw talaga, Alynne. Paano mo makaka-close yung 'Terrence my labs ng buhay mo' kung pagod ka na sa pagba-badminton, ha? Ito na yung senior year natin. Kumbaga, last chance mo na ito para makapasok ng badminton club at makausap siya palagi!" at ayan na naman siya, nanenermon na naman. Daig pa ng babaeng 'to yung nanay ko eh.

Nag-pout ako sa kanya,  "Oo, oo. Alam ko na yan lahat. Sa lahat ng araw na nagpa-practice tayo eh sinasabi mo yan. Pero kasi naman eh! Napapagod na talaga ako mag-badminton. Wala na bang ibang way para mapansin niya ako?" half-nagmamakaawa half-sumusuko kong tanong sa kanya. Eh kasi naman, no choice na.

Batok Sabay Takbo!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang