ARA P.O.V
"SALAMAT po Tito." Sabi ko nang tumapat na kami sa gate ng paaralan namin. Sumaludo lang sa akin si Tito, pumasok na ako ng gate. What I like going to school, una, gustong-gusto ko yung course ko, pangalawa, dahil sa mga bagog kaibigan kong tumatakbong palapit sa akin.
"Ara ng buhay ko!" tili ni Karen, ganun din sina Loriele at Danna. Sabay pa silang yumakap sa akin kaya heto banggaan kung banggaan. Yeah, they are my new friends, kasi sina Dina at Emy sa ibang school pina-aral.
"Gara naman ng car niyo!" sabi ni Danna.
"Yung tito niya ang magara sa kagwapuhan! Ang gwapo!" nakangiting pahayag naman ni Loriele. Napa-iling nalang ako. Gwapo naman kasi talaga si Tito kahit na medyo may edad na.
Sa aming apat, kami ni Loriele ang di mayaman. Sina Danna naman at Karen ay mga rich kids. Pero di naging hadlang ang estado namin sa buhay para di makapag-build up ng magandang pagkakaibigan sa loob ng halos pitong buwan.
"Tayo na. Pasok na tayo," aya ko.
"Ay 'day walang pasok ngayon, mamayang hapon pa. Tara sa field!" sabi sa akin ni Loriele.
"Anong gagawin natin sa field?" taka kong tanong.
"May drill daw. Siguro fire drill, alam mo naman ang panahon ngayon, maraming krimen. Droga pa more!" sabay taas ng kamay ni Danna.
"Anong kinalaman ng fire drill sa druga?" naka-maang na react ni Loriele. "Adik ka ba?"
"Basta! Andun na yung point dun!"
"Oo, pointless," pambabara naman ni Karen. Napalingon kami sa dumating na fire truck at military cars. May mga sasakyan din ng mga government officials. Abah mukhang malakihang drill ang gaganapin ah.
"See? May fire truck so it means may fire drill!"
"Pwede naman sigurong tactical drill kasi may mga military."
Nagsipagbabaan na ang mga army at firemen, they were all in uniform. Dumiretso na kami sa field, halos lahat ng mga students and staffs ay andito na din. "Dun tayo sa tabi nina Julian maupo," sabay hila sa akin ni Danna. Nakisiksik na kami sa kumpulan ng mga estudyante na galing sa iba't-ibang departments.
"FLIGHT ATTENTION!"
I stiffened when I heard that voice, napalinga-linga ako. Sure akong si Kuya 'yun.
"ALPHA FLIGHT, PARADE, REST!"
Di nga ako nagkamali! Si Kuya nga, nagbibigay siya ng commands sa platoons. What is he even doing here? Hanggang sa bakasiyon niya, naka-duty siya? It's a drill for Military Science students kaya nga napuno ang field ng mga naka-camouflage. Sila Kuya daw ang special speaker, then mga special guests ang ibang government officials.
Bakit kaya kapag umuuwi siya parang mas lalo siyang pumupogi? My gesh! I got butterflies now! Parang gusto kong tumakbo at yumakap sa kanya. Aish! He's so hot! Napalunok ako para kalmahin ang sarili ko. Nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang pananabik ko sa kanya.
Tingin ko ay mas lalong lumaki yung katawan niya, whoa! Gusto ko na ulit makulong sa mga braso niya. "Ang gwapo nung commander nila oh! Mukhang bata pa!" di napigilang anas ni Karen.
"Oo nga! Ang tangkad pa! Kyaah! Koreano ba yan?" tanong din ni Danna.
"Parang. Sayang naging sundalo siya." sagot ni Loriele.
"Ano naman ang sayang dun?" Danna asked.
"Syempre baka matigok agad. Sayang palahian." Loriele answered.
I just frowned while listening to them. Yung palahian talaga yung concern nila. Sarap batukan. Then nagsimula na ang program, may mga speeches including Kuya kaya nagbulungan ang mga estudyante. Gosh, ang pogi niya habang nagsasalita—naka-poker face pa habang nakatingin sa mga future soldiers ng Santavera.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...