School Of Gangster's (Shen academy) Chapter 2

999 26 0
                                    

Buti nalang kahit sa squater area kami nakatira ay medyo malaki pa rin ang bahay namin . sa totoo lang sila tita nalang ang kasama ko sa buhay pati ang dalawa nilang manyak na anak na lalaki.,simula kasi ng maghiwalay ang mga magulang ko ay basta nalang ako iniwan ng nanay ko dito. ... wala syang kwentang ina noh! Di ko na nga alam kung nasan na yon eh! Styaka wala naman akong paki. Sya nga eh !walang paki sakin.

Pagdating kong kusina, na abutan ko yung dalawang manyak na anak ni tita. ...sila si daniel at toshy . Mukhang nag chichismisan sila, gawain din nila yan eh! Kalalaking tao, mga nag Chichismisan.
Nakaharang pa sila sa ref kaya agad ko silang hinawi pa alis don sa pinto ng ref.
"Aray! Napaka mo talagang zia ka noh! Di ka nalang nag excuse me" sabi ni daniel sakin na panganay sa kanila
"Paki elam mo ba? Edi gumaya ka!" Agad kong kinuha ang pitsel at tumungga ako dun.
"Yaan mo na sya kuya.malapit na naman ang karma nyan eh! Dun na sya mag aaral sa Shen academy eh! Siguradong di sya tatagal sa mga studyante don." Sabat ni toshy na natatawa tawa pa kaya pati si daniel na tawa. Nilagay ko ulit ang pitsel sa ref styaka ko sinira yon at hinarap ko sila

"Lam nyo kung may kakarmahin man satin ngayon. Kayong dalawa yon! Dahil sa mga kamanyakan nyo baka mamaya matokhang na kayo at makita ko na lang kayong duguan dyan sa labas" nakaturo ang hintuturo ko sa kanilang dalawa . Ako naman ang tumawa ng mahina sa kanila.
"Ang yabang mo!"
"Bat papalag?!"inangasan ko sya .binubog ko natong dalawang to dati nung binosohan at hinipuan nila ako.kaya naman di na naulit yon.sobrang nagalit nga si tita sakin non eh!di nya lang matanggap na ganun yung mga anak nya.
Pati asawa nya ganun din kaya naman nakatikim din sakin ng suntok yon.
Nagtitiis lang ako sa empyernong pamamahay nato eh!kung may matitirhan lang sana akong iba.

"Lika na nga kuya"bigla nyang hinila ang kamay ni daniel styaka sila umalis sa kusina.
Dumiretso nako sa kwarto ko at nahiga ,na pagod ako ngayong araw
Grabe!
Tumingin muna ako sa kisame at nag muni muni.
Sigurado akong sa shen academy nako mag aaral sa sunod na pasukan,dahil sa ginawa ko dun sa lalaki kanina. ... Hayyy ok lang yun ng matapos na ang kalbaryo ko sa school na yon.kailangan lang naman nila ako kasi matalino ako pero kung di ako matalino di nila ako kailangan.! Mga user sila!

Malapit na matapos ang pasukan ngayon, mga dalawang linggo nalang tapos na ang pasukan kaya dapat ko na ihanda handa ang sarili ko sa shen academy.

Habang nag mumuni muni ako ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

---------
Kinabukasan pag pasok ko palang sa school.
"Zia!zia huhuhu" parang na iiyak na lumapit sakin ang dalawang tunay kong kaibigan sa school nato.
"Oh jannele? Chyn?"nagulat pa ko ng bigla nila akong yakapin.
Buti maaga pa kaya wala pa kaming teacher.pang umaga kasi kami tas half day lang dito .
"Sa shen academy ka na pala mag aaral huhuhu" parang tanga si chyn na naiiyak iyak sa harap ko
"Bakit ba genyan mga itsura nyo ha?"

Nagulat ako ng batukan ako ni jannele.  "kaylan ka ba kasi magbabago ha?!yan tuloy ,sa shen academy ka na mag aaral sa sunod na pasukan, di mo ba alam kung anong klaseng school yon!pano na kami ha! Huhuhu mahal ka namin kaya ayaw ka namin mag aral don . ...pero wala tayong choice!" Na tatouch tuloy ako sa kanilang dalawa.ang bilis naman din ng balita kumalat na sa shen academy nako mag aaral.
"Ano ba kayo!kaya ko sarili ko.alam nyo yan.styaka lab ko rin kayo kaya di ko kayo kakalimutan at lagi parin tayong magkakasama , wag kayong mag alala"niyakap ko silang dalawa.

Lahat sila binabalaan ako sa school na yon.ano ba klaseng school ang shen a academy na yon.

Bigla nalang dumating ang teacher namin kaya agad kaming bumalik sa upuan namin, di kami magkakatabi pero magkakasundo kami kasi pare parehas kaming nerd.pero pag kami mag kakasama tila di kami nerd at ang dadaldal namin.
Nakakabagot nga kahapon kasi absent sila pareho, pinag usapan siguro nila yon .

"Miss paz, excuse ka nga pala.pinapatawag ka ng principal sa office nya" pang uumpisa agad ng teacher namin.. bwisit lagi nalang.alam ko na naman ang mga sasabihin nya eh!
Tumayo nalang ako . ...tinignan ko muna si jannele at chyn at biglang lumungkot ang mukha nila styaka sila nag ok sign sakin.
Kahit genyan sila, napaka supportive pa rin nila sakin.

Pagdating ko sa principal office ay pumasok agad ako, wala ng pa alam alam, daming alam.
"Bat mo na naman ba ko pinapatawag. Lam ko naman na mag aaral nako sa sunod na pasukan sa shen academy dahil sa ginawa ko pa kahapon pero para sabihin ko sayo kasalanan nila yon!" Napapa taas boses ko sa galit
"Alam ko pero di mo kaylangan gawin yon. Kaya naman wala nakong choice kundi ipadala ka na sa shen academy sa sunod na pasukan. ...sa sunod na pasukan dun ka na papasok, tetext ko nalang sayo kung san place ang school nayon" kalmado lang sya habang sinasabi yon. ...hahaha himala yon.sigurado naman akong masayang masaya sya na mawawala nako sa school nya. At ganun di naman ako.

"Yun lang ba sasabihin mo? Kung yun lang. Bye!" Tumayo na ako sa kina uupuan ko pero di pa ko nakakalapit sa pintuan , tinawag nya ulit ako.
"Zia?!"
"Oh!ano naman yun, kala ko naman tapos ka na." Nakakainis talaga sya.
"Mag iingat ka don." Nagulat ako sa sinabi nya
"Kunwari concern!"bulong ko sa sarili ko.
"Oo na . Babye!" Sigaw ko at tuluyan nakong umalis sa opisina nya.

---------
Recess na at kumakain kami ngayong tatlo sa canteen
"di mo ba alam kung anong klaseng gulo ang naghihintay sayo don.baka nga ikaw lang ang nag iisang babae don eh!"
"Oo nga! Styaka baka kung ano ang gawin nila don sayo! Di ka ba natatakot!" Kanina pa sila ng sermon ng sermon sakin, nakaka bingi na!
"Oo na !oo na! Pwede ba tumigil na kayo! Ang OA nyo. Di naman siguro school ng mga mamatay tao ang papasukan ko dun noh!kaya easy lang, pwede?"
"Nag alala lang kami sayo, tangek. ...di nga school ng mamatay tao yung papasukan mo dun. Pero malapit na!"
Ang taas ng boses ni jannele, di to nagpapatalo sakin eh! Actually silang dalawa.

"Styaka di kami OA noh!alam mo ba yung kaibigan ng pinsan ko, galing sa school nayon tas di pa sya nakakalahating bwan don , di na sya nagpapasok don,kasi binugbog sya don kaya yon di na makapag salita sa troma nya.,pano kasi nag papa kasiga sa dati nyang school kaya nalipat don!" Puno yung bibig ni chyna pero dire diretso pa rin sya sa pag sasalita,ang saya talaga pag may ganto kang mga kaibigan.
Kahit ang o-o OA ang sasarap pa rin nila kasama. Sila talaga ang kayamanan ko, kaya di ko makakayanan kung mawawala sila sakin.

"Wag kang mag aalala , sisiguraduhin kong di ako matutulad don" tuma tango tango pa ko sa kanya habang sinasabi ko yun.
"Alam mo zia ?ang swerte mo parin kung dun ka na mag aaral" huh? Sira ata tong si jannele ,kanina lang pinapahiwatig nila sa mga sinasabi nila na para bang ang malas ko kasi sa shen academy na ako mag aaral.tas ngayon sasabihin nya ang swerte ko!
"Kakaiba ka rin noh!pano mo naman na sabi?" Taas kilay kong tanong sa kanya
"Eh kasi dun din tinaransfer yung super gwapong hearthrob sa clark academy .....si.....si blu nueva?-"
"Ay ayuuun ihhhh ayieee! Crush na crush ko nga yun eh!ang gwapo talaga non jannele!"nag hahampasan sila na tila kilig na kilig ..sila lang nagkaka intindihan eh!

"Sino naman yun?" Tanong ko sa kanila.parang mga ewan eh!
"Wala ka talagang alam sa mundo eh noh!" Wala kasi akong time magkaron ng crush or kung ano anong kaek ekan.
"sa tingin mo jannele?"
"Ako sa tingin ko zia,.,oo eh!"sabat ni chyn
"Hay nako .ewan ko sa inyo! Basta si blu nueva gwapo,hot, six packs abs,shingkit, a perfect guy ika nga!,sya talaga yung lalaking gugustuhin mong ipakilala sa pamilya mo. Ang kaso nga lang cold at napaka emotionless hearthrob nya,nakilala lang talaga sya kasi gwapo sya."tuloy - tuloy na sabi ni jannele
"Kyaaahh totoo yunnn!ang gwapo talaga nya pag nakita mo! Pero bakit nga ba sya malilipat din sa shen academy? Jannele?".
"Oo nga jannele?" Na curious lang ako bigla.

"Kasi mahilig din syang makipag basag ulo parang libangan nya na yun.parang ikaw zia!,styaka marami rin syang gang,kaya perwisyo talaga sya sa school nila"
"Ahh!eh bakit pala sobrang dami mo namang alam tungkol sa kanya ha!?" Natawa nalang din ako sa tanong ni chyn. .....napansin ko rin yun eh.
"Sabihin nalang nating no.1 stalker nya ko.pano ba naman kasi sobrang gwapo non kaya di mo talaga ma iiwasang stalkin yun" di rin,hahaha
"Hahaha,parehas pala tayo pero mas stalker ka parin sakin"
"Di ka pa nasanay dyan chyn hahaha"
"Hahaha oo nga noh! Basta zia,mag ingat ka nalang don, lagi mo nalang isipin na lab na lab ka namin"niyakap ako ni chyn,ang drama talaga nila. Kala mo mag aabroad ako eh!niyakap ko nalang din sya ng mahigpit.
"Huy sali ako,daya nyo"lumapit din samin si jannele styaka nakiyakap samin. ...ngayon damang dama ko kung gaano nila ako kamahal at gaano ako kahalaga sa kanila.

Wala kaming paki kahit pinagtitinginan na kami dahil subukan lang nila istorbohin ang moment namin. Ako makakalaban nila.
Ito ang tinatawag na friendship ng mga nerd na kahit kailan di matitibag.

School Of Gangster's (shen academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon