School of Gangster's (Shen academy) Chapter 3

807 23 0
                                    

Zia pov

Ngayon na ang last day namin dito sa school.
At ngayon na rin ang last day ko dito. ...nakakainis nga na 1 taon nalang graduate nako dito ng junior high school tapos styaka pa ko nalipat.
"Zia ma mimiss ka namin." Niyakap nila akong dalawa, mamimiss talaga nila ako at ganun din ako.
"Mamimiss ko rin kayo" niyakap ko sila pabalik.

"Dadalawin ka namin lagi don sa shen academy" sabi ni chyn na naka pout. Mamasabi mo talagang kahit nerd din sya ay ang kyut nya parin.
"Dadalawin?di ba nga sabi nyo delikado don. So dapat wag nyo nako dalawin don , ako nalang ang dadalaw sa inyo" sagot ko naman sa kanila.
Kahit kailan talaga sila.
"Kahit delikado kung para sayo naman. Gagawin pa rin namin" kumindat sakin si jannele ... ang sweet talaga nila kyerrr.,pwede na bang umiyak?
"Styaka nandon ka naman di ba? Sigurado namang kaya mo sila!" Natawa si jannele sa sinabi pa ni chyn
"Tsk! Yun na eh! Bumanat ka pa. . Wag tayong pakisigurado na kaya ko talaga ang pamumuhay ng mga studyante don styaka isa pa tinitibayan ko lang ang loob ko para sa inyo" putsik ayoko maging emosyonal pero kahit surang sura nako sa school nato ay di ko pa rin ma iiwasan ma miss dito. Lalo na sila.

"Kaya mo yon. Nandun si papa blu eh hahaha kyeeerreee!" para talaga silang ewan. Lalo natong si jannele, may sapak
"Blu nyo mo mukha nyo, siguro naman sa laki non . Di na magtatagpo mga mundo namin. Isa pa ! Im not totally interesting to him. Period.!"
"Panindigan mo yan ha! Baka mamaya malaman na lang namin binugbog mo na rin yun hahaha"
"Bwisit ka chyn . Gusto mo ikaw bugbugin ko hahaha pag ininis nya lang ako styaka ako gaganti." Tumawa ako ng malakas.

Buong araw ng last day namin bilang
Grade 9 ay masaya, ito kasi ang last party party na rin namin. Kaya sinulit talaga ng bawat isa to!

---------
Pagkatapos nang kasiyahan sa school ay dumiretso nako ng uwi.

As usual, squater area nga pala ang lugar nato kaya maingay, ma gulo at maraming nagbabasagan ng ulo hahaha

"Hay nandyan na pala ang buhay prinsesa" nag parinig agad si tita pagpasok ko palang
"Mukha lang akong prinsesa" na smirk ako sa kanya, halata mo namang na inis sya
"Hayaan mo na nga sya tess" yan lang yung mabuting sinabi ni tito
"Yahh right,di mo naman ako anak kaya wag mo kong pina paki elaman" nagpatuloy nako sa paglalakad hanggang makarating sa kwarto ko.

Tumingala lang ako ulit sa kisame at muling nag isip na naman.wish me luck nalang sa shen academy.

----
After 2 months and 1 week
"Huy zia,matagal ka pa ba dyan?ligong ligo nako oh!" Napaka reklamador naman ng daniel nato .kala mo naman naliligo talaga sya
"Saglit lang!di makapag hintay eh,kala mo naman di ko alam na sanay ka nang di maligo" hahaha
"Ano?! Kapal mo. Baka ikaw yun?!"
"Ako?!umalis ka na nga baka di ko alam sinisilipan mo nako eh!baka masapak pa kita" subukan nya lang.

Mga ilang saglit bago sya sumagot hahah natakot yata
"Ewan ko sayo bahala ka na nga dyan" mabuti naman.

Nag alala yun kasi baka malate sya hahaha first day of school pa naman ngayon . Actually ako rin nag alala baka kasi malate din ako,magbabagong buhay na kasi ako eh hahha totoo yun.

Hay natapos na rin ako.kumain lang ako saglit tas nag tooth brush. Tapos na
"Zia,maghuhugas ka pa" sigaw sakin ni toshy
"Kapal naman ng mukha mo! Buong bakasyon ako na nga naghuhugas tapos ako pa rin,mag isa ka baliw" tumakbo nako pagtapos non hahaha tama lang sa kanya yun.

Hay san kaya yung shen academy,kahit tinext na sakin yung papunta don pero di ko pa rin mag gets .

Pagdating ko sa shen city, nagtanong tanong agad ako.
Ngayon lang ako nakarating dito pero parang squater area din to! Mas malala pa yata to sa lugar namin eh.
"San po dito yung shen academy?" Lalaki yung pinagtanungan ko.parang halos lalaki kasi ang nakikita ko dito
"Wala akong paki elam sayo" huh? Bastos to ah.dire diretso lang sya sa paglalakad.
Sa iba nalang ako magtatanong
"Kuya san yung shen academy dito"
"Ewan ko sayo!hanapin mo!" Pasalamat to nasa mood ako.grabe eh

Sa iba nalang ulit
"San dito yung shen academy"
"Aba hanapan ba ko ng mga lugar na nawawala" ting ama ,wala bang matinong ka usap dito! Isa pa talaga.makaka sapak nako eh
"Saan dito yung shen academy?" Lalaki pa rin sya,pag sya di ako sinagot ng matino...sasapakin ko talaga to
"Bakit?" Yan nice
"Tinaransfer kasi ako dun ng school namin" biglang lumaki yung mata nya.may nakaka gulat ba sa sinabi ko
"dire-diretsuhin mo lang yan." Ngumiti sya ng malapad sakin. Hihihi gwapo nya argghhh ano batong na sa isip ko
"Thank you" naglakad na ulit sya,wala manlang welcome...kapal!

Tulad ng sabi nya nag dire diretso lang ako hanggang sa matanaw ko ang isang building na parang abandunado ,puro rin sya vandalism,tanaw mo rin yung sira sirang upuan at sirang gate. ...para bang sirang school n--- what the?! Imposible.

Pero--
"Gumanda tong shen academy noh hahaha" dalawang lalaki silang nag uusap na pumasok don. Ngayon ko lang na pansin na lahat ng kapwa studyante ko,pumapasok din don. ...ayokong magtanong pero kating kati nako eh.
"Eto ba yung shen academy" sabi ko sabay turo don sa tila abandunadong school
"Sa tingin mo . Tanga mo!" What the?!
"Anong sabi mo? Ako tanga" biglang uminit dugo ko dito ah! Nagtatanong ako ng ma ayos eh
"Oh bakit? Narinig mo naman pala eh! Ang tanga tanga m---" *boggshhh* di na sya natapos sa pagsasalita kasi bigla ko na syang sinuntok ng malakas... tumalsik tuloy sya hahaha panget lang ako pero di ako tanga or bobo.
nagulat nalang din yung mga kasama nya
"Nagtatanong ako ng ma ayos pero ang garalgal mo sumagot!" Umalis nako dun.nakita ko rin na dumudugo yung nguso nya

So eto na nga yung school ng shen academy huhuhu nakaka iyak naman itsura naman nito tila tapunan ng basura pero no choice.

Papasok palang ako ng gate ay may naka bangga agad ako.malas!
Pero di sya nag react kaya di na rin ako nag react.
tuloy tuloy nalang ako sa paglalakad
"Wala ka bang sasabihin?" Hinawakan nya yung kamay ko wahh omo uhog! Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko .

"Bakit nag sorry ka ba?😒... mag sosorry lang ako pag nag sorry ka." Sagot ko sa kanya at humarap sa kanya.

nakasabit sa kanya ang isang head phone na mukhang mamahalin.
Naka pamulsa pa sya sakin.

Angas eh!
Kala mo naman may ibubuga.

Itsura palang .

Mukhang lambutin na!

"Mag sorry ka sakin."

Aba ayos to ah!

"Ma una ka muna" pumamewang ako sa kanya at inayos ko ang salamin sa mata ko.

"Aysshh! Never mind"

Asar talo.

Naglakad na ulit sya at nilagay nya ulit sa tenga nya yung head set nya.

Pasalamat sya nababagong buhay nako kundi nakatikim sya ng suntok ko na magpapa tulog sa kanya.

Naglakad na ulit ako.

Seryoso papasok talaga ako sa school
Nato.

Kaya pala ang daming nag babala sakin dito kasi school palang nakaka suka na.

Pero di pa rin ako babalik sa school kung saan ako pinatalsik.

Manigas sila, ma rerealiza din naman nila na kawalan ako sa school na yun eh.

Dire diretso nalang ako dun habang pinagtitinginan nila ako.

Na mga nagtataka.

At di nga ko nagkakamali! Puro lalaki ang nag aaral dito at feeling ko nag iisa lang akong babae dito.

School Of Gangster's (shen academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon