chapter 5

1.1K 43 16
                                    

ZİA POV

İlang minuto na kami nakaupo dito ni liam pero nganga pa din. Ni wala pang teacher na dumadating.pinagmasdan ko nalang si liam sandali.
Kasalukuyang nag cecellphone sya.
Ang gwapo nya.ang tangos ng ilong, mapupungay na mata,may nunal pa sya sa gilid ng mata nya na nakakadagdag talaga din sa kagwapuhan nya then his pinkish lips. May pagka pink lang naman.tapos yung katawan nyang halata mong hanggang loob ay bato bato.

Emegesh! Ang sweerteee ko.
Pero napansin ko lang . Na parang ako lang babae dito.
Ako lang ba?
"Hey!" Ay kalabaw!
Napansin yata ni liam na nakatitig ako sa kanya
"Hehehe anu yun?" Napakamot ulo nalang ako.
"Staring like that. İs rude" nakangiting sabi nya sakin. So ayaw nyang tinititigan.
Eh sa katitigtig talaga fes nya e.
"Sorry.by the way.  Napansin ko lang na parang walang babae dito maliban sakin." Pag iiba ko ng topic

"Yah. Wala nga bukod sayo" saad nya sakin with matching labas ng dimple.
Argghhh. Feeling ko nasa heaven ako.

Wait nga lang zia! Nakakahalata nako! Nagkakagusto ka ba agad sa tukmol nato! Hayss- konsensya ko.

Siguro - puso ko.

Ay letse ! Anu batong pinag iisip ko.
"Ahh." Tanging na tugon ko.

Bumalik yung atensyon ni liam sa phone nya then ako tinitigan yung mga kasama namin sa room.

Yung iba nag susugal lang,yung iba naninigarilyo,yung iba naman halos nagpapatayan na.sa tingin ko ay kailangan ko na masanay sa ganto.

Eto yata talaga ang shen academy.
sasabihan ko nalang ang mga besty ko na wag na nila ako dalawin dito at baka mapahamak lang sila.

"Uy! Kamusta sa inyong lahat!" Lahat kami ay napatingin sa grupo ng kalalakihang pumasok sa loob ng room namin.
Nakakatakot mga mukha nila.
Kung ano anong abubot yung mga nakalagay sa mukha nila, yung mga hikaw na nakalagay sa labi nila , sa mata at malalaking hikaw sa tenga nila.
Tapos mga naka black leather jacket sila.

Yung totoo, may patay ba?
"Ok naman kami boss!"
"May pabubugbog po ba kayo?"
" long time no see boss!"
"Gwapo nyo pa din boss" gwapo? Tssk
"Kamusta na boss?"

Bakit kaya boss?
Pati si liam nakatingin din don sa "boss" yata nila.
Kinalabit ko si liam
"Sino sya?" Tanong ko.
"Senior student sya. No. 1 dito sa shen academy" no. 1?
"No.1? Anu yun? Bakit may ganun?" Ang gulo talaga pramis!
"Ma iintindihan mo rin mamaya"
"İ wish"

"Nandito kami ngayon. Para heramin pansamantala ang mga freshmen. So where are they? Nasan ang mga bagong studyante dito sa room nyo? Lumapit na kayo dito bago ko pa kayo kaladkarin at baka di na kayo sikatan ng araw" saad ng boss daw.

Mga bagong studyante?
Bigla akong natakot.huhuhu isa ako dun e.
"Pumunta ka na dun. İ'm sure di ka matutuwa pag di ka sumunod sa kanila" lumunok muna ako ng bongga styaka tumayo, nginitian ako ni liam
"Kaya mo yan. Susunod ako dun sayo kung san kaman nila dalhin"
"Talaga?" Tanong ko,
Tumango sya sakin.
Kaya naman pumunta na ko sa harapan kung nasan yung mga nakakatakot na mga nilalang na yun.

"Transferee?" Tanong nung boss
Tumango lang ako.

Nagulat nalang ako ng bigla silang nagtawanan.
Aung nakakatawa?
"Sure ka?" Tanong pa sakin ng boss.
Pasalamat sya nagbabago nako. Kundi bubugbugin ko to.
Tumango ulit ako.
"Di ka ba naligaw ng school na pinasukan?hahaha or wala ka bang sira dyan sa utak mo at pumasok sa gantong klaseng school? Hahaha" isa pa! At di ko na pipigilan sarili ko.
"Oo nga!" Di ko na napigilan ang sumigaw
"Hahaha ok sige na. Naniniwala nako. Basta galingan mo" bulong nalang nya sakin yung galingan mo.
Kala ko pa naman hihirit pa sya letSe!
İnayos ko nalang yung salamin ko.

School Of Gangster's (shen academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon