Chapter 2: Breakfast

8 0 0
                                    

CASSANDRA'S POV


*YAWWWWNNN*

3AM na pero hindi ako pwedeng makatulog baliw kase tong Kim-- aish!d ko alam pangalan niya! Dalawang oras na sa CR pero wala pa rin!

Ano ba kasing nangyare dun?natae na ba? Nalubog na ba siya sa inidoro? O baka....

OH MY GHAD O_____O!! BAKA MAY GINAGAWANG MILAGRO UNG KORYANONG UN!? SHEMANOY!

Agad agad akong pumunta sa Cr tas kinatok katok ko ung pinto.

"Hey!! " un lang sabi ko kase namumulubi na talaga ko mag english. Kahit antok na antok ako ay pinipilit ko pa rin gisingin ung sarili ko tengene

Nagulat ako ng biglang bumukas ung pinto at bumungad saakin ung napakagwapo niyang mukha

*BLINK* *BLINK*

"Wae?" (Translation: Why?)

Nangunot ako sa sinabi niya. Ano daw? Weh? Anong weh!? Hindi ko naman siya jinojoke para sabihan ako ng Weh? Sira ulo pala tong koryano na to eh!

"What weh? " sabi ko pero umiling lng siya. Nagulat ako ng lumabas na siya ng CR. Buti namn at makakatulog na ako


"You'll sleep here Kim..... What's your name again?" sabi ko. Nakita kong kumunot nanaman noo niya. Baliw talaga to eh

"Just call me Jin" sabi niya kaya tango tango na lang nasagot ko. Mahirap kausapim tong koryano na to eh! Walang ginawa kundi tumango!

Binuksan ko na ung kwarto at bumulong kay Jin daw

"Im sorry because... You know.. Our house is small" weyt tama ba grammar ko? May mali ba?. Tumingin ako sa kanya pero ngumiti lng siya

"Kamsahamnida"( Translation: Thank you)

Hanu daw!? Nasasapian na ata to ng dwende eh! Kung ano ano sinasabi--- ay oo nga pala, koryano pala siya.. Shunga shunga talaga eh

Nanlaki ung mata ko ng makitang katabi na ni mama si kuya... So ibig sabihin.... WAAAHHHH!! MAKAKATABI KO TONG KORYANO NA TO!?!?

Nanlaki ulit ung mata ko ng umakyat na siya sa taas huhuhuhu ayaw ko makatabi siya huhuhuhu!!

Pero ano bang magagawa ko!?no choice amputs!

Tinalikuran ko na siya at sa sobrang antok ko ay nakatulog na ako.

*****

"WHAT THE.... CASSANDRA!!"

Ano ba namn tong kuya kong panget.. Ang sarap sarap na nga yakapin tong unan ko! Bukod sa mabango ang lambot lambot pa! Dapat ganito kabang---weyt!

Hindi naman panaginip ung nangayre kagabi diba? Ung may pumasok na Koreano sa bahay namin? Tapos katabi ko? Weeeeeyyytttttt!!KATABI KO!?!?!?

Agad agad akong bumitaw sa pagkakayakap at bumangon na. Pumunta agad ako sa tabi ni kuya huhuu

Nakita ko si Jin na ang sarap pa din ng tulog

Tinignan ko si kuya at nanlilisik ung mata niya. Hinampas niya si mama kaya napabangon siya. Halata pang inaantok si mama.

*bulungan mode*

"Sino katabi mo? Cassandra?" hindi ko alam kung bat kami nagbubulungan pero sinakyan ko na trip ni kuya.. Hindi siya nakatingin saakin pero nakatingin pa din siya kay Jin

There's An Oppa In my House Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon