Chapter 4: Leave

3 0 0
                                    

Cassandra's pov

Hinila ko si Korean boy sa 7/11.. Katapat lng to ng school namin kaya tinawid lng namin. Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya trip kong pununta dito. Atsaka wala namn akong pera para yayain sa Restaurant tong Korean boy na to. Hindi ko na talaga kaya intindihin nga pinagsasabi neto eh. Hindi naman kasi ako marunong umintindi ng salita ng mga engkanto. Pfft!


"You hungry?" pumunta agad ako sa bakanteng upuan baka kasi may manguna eh. Tumango na lang siya bilang sagot sa tanong ko.


" what do you want?....Hotdog? Siopao? Slurpee? Gulp? Chicha? What?" sunod na sunod kong tanong. Nakita kong naguguluhan siya sa nga choices na sinabi ko. Eh sa hindi ko kasi alam kung anong gusto ni korean boy eh


"H-Hot dog!?" nagulat ako sa biglang sabi niya na para bang first time niyang narinig ung hotdog.. Ano bang problema neto? Ililibre ko na nga siya, choosy pa.


"Yes! Hotdog!." tinuro ko pa sa kanya yung hotdog na katabi ng siopao. Ambagal namn pumili ni korean boy! Gutom na ako tengene!

Tumingin siya saken na parang nagaalala na nagugulat na ewan. Sabi na nga ba na takas to sa mental eh!


"T-They killed a dog!?"



O______O????

>_______<!!!


Nagkatinginan muna kami ni Jin sa sinabi niya.. Nababaliw na ba talaga to? Hindi namn kase porke hotdog ay mainit na aso talaga!sarap batukan neto eh! Mabatukan nga!

"Aish!" sabi niya habang hawak hawak batok niya. Tumingin siya saaken ng na parang ika oospital niya yung pambatok ko. Inirapan ko lng siya

"It's not a dog, stupid!.... It's---hindi porke hotdog eh literal na hotdog talaga! Ano? Hindi ka ba nagugutom kasi ako gutom na gutom na! Buti nga nakatakas tayo sa pagong magsalita na Ms. Cashier eh kundi mamatay tayo sa gutom! So ano!? Kakain ka ba or hindi!?" kumunot lng noo niya sa haba ng sinabi ko. Napapikit na lang ako sa sobrang inis! NAGUGUTOM NA KASE AKO YOU KNOW! SHEMANOY NAMAN OH!

"Aish! Bahala na nga!.... Stay here okay!?" tumango lng siya. Pumunta na ako sa siopao.. Eto na lang ang ibibili ko, baka kase masuka pa siya kapag kinain niya yung hotdog tsk tsk.

Kumuha ako ng hotdog kase un naman ang kinakain ko dito sa seven eleven. Nakakatuwa kase lagyan ng sauce eh hihihi xD.  Pumunta na ako sa mga slurpee station..

"Ano kayang pipiliin ko? Slurpee? Or Gulp?"

Sa huli ay nagdesisyon akong gulp na lng bilhin. Natawa pa nga ako kasi ang kyot ng yelo eh nyah nyah ang babaw ng kaligayahan ko >_<!!

Isang sprite at coke ang binili ko. Bumalik na ako at nakita kong nakatulala si Jin. Anong trip neto? Nag eemo amputs.

"What flavor you want?.... Coke or sprite?" tumingin siya sa dalawang basong hawak ko. Nilapag ko na ung siopao sa harapan niya pero tinignan niya lng yun. ARGHHH!! NAUUBOS NA PASENSYA KO SA KOREAN BOY NA TO!!

Hindi siya nagsalita pero kinuha niya ung coke at sumipsip. Tinikmantikman niya pa tapos nangunot ung noo.

"You like coke?" pinilit kong ngumiti kay Oppa kase makakain na din ako sa wakas! Pagkatapos ng paghihirap ko kasama tong korean boy na to-- makakain na ako yeeey!

Tinignan ko pa siya na nakakunot ang tingin sa hotdog ko... Wag niyang sabihin na kukunin niya yon!? Siopao sa kanya don't me!!

"I bought you siopao--- WHAT the..."Nanlaki ng bongga ang mata ko ng kinuha namn niya ung sprite tas ininom. Ngumiti siya ng matikman niya yun. Binalik niya saken ung coke tas uminom ng tuluyan sa sprite

There's An Oppa In my House Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon