Hi. Ako si Dylan Eli Colton ang Mr. Cold ng Colton University. Anak ako ng may ari nun.
Kahit cold akong tao. Di parin maiiwasang madaming magkakagusto sakin. Angas ba? Kahit si kuya Kim, nahirapan siyang tuklasin kung san galing ang kagwapuhan ko. Hayst. Gwapo ko.
Cold. Yan ako. Di ko nababago yun. Naging cold lang ako dahil sa di ko makalimutang pagtatalong yun...
'Flashback'
"Bat ba kinakampihan mo ang batang yun ha?!" inis na sigaw ni mommy kay daddy
"Bakit naman hindi Daisy?!"
"At bakit Derek?! Alam mo naman siguro kung 'ano' siya dito diba?!"
"Di basehan ang pagiging ampon ni Dylan para tratuhin mo siya ng ganto!"
Kusa ng tumulo ang luha ko dahil sa mga naririnig ko.
Ampon pala ako. At kahit si daddy di niya sinabi yun. Bakit ganon? Kaya naman pala ibang-iba ang trato sakin ni mommy. Angsakit lang na kaya niya ako tinitiis eh di niya naman pala ako anak.
Umatras ako ng umatras hanggang sa naramdaman kong naatrasan ko pala ang vase at nabasag ito. Napatingin namin si daddy at mommy sakin na halatang nagulat sila.
"D-dylan anak. K-kanina ka pa ba diyan?" halata sa boses ni daddy na kinakabahan siya. Napatingin ako kay mommy at nakayuko lang siya.
"B-bakit dad? May di pa ba ako nalalaman?" mangiyak-ngiyak kong tanong kay daddy
"A-anak" ani ni dad at akmang lalapit pero pinigilan ko siya.
"Wag kang lumapit.."
"Anak.. di ko inaasahang maririnig mo yun.."
"At mas di ko inaasahang maririnig ko yun 'ngayon'.."
Di siya nakasagot.
"Sige po. Baka may pag aawayan pa kayo at baka marining ko na naman 'dad'.." tumakbo na ko paakyat ng kwarto at ramdam kong hinabol ako ni dad pero di ko pinansin yun.
Nagkulong lang ako sa kwarto. Lumalabas ako kapag wala si daddy at nalaman ko din na umalis na pala si mommy.
Umpisa nung araw na yun ay nahirapan na akong makisama kay daddy at ganon din siya. Di namin napag usapang ang tungkol dun at nag-astang walang nangyari..
'End of flashback'
Nagiging malungkot ang araw ko tuwing maiisip yun. Sa alaalang yun, dun nanggaling ang pagiging cold ko.
Sana may dumating na babae sa buhay ko. At di niya ako magawang iwan gaya ng ginawa ng nanay ko..
BINABASA MO ANG
Mission: Paibigin si Mr. Cold
Teen FictionAllison Brooke Cabello -Maganda -Matalino -Mayaman Ano naman kaya sa katangian nyang ito ang magagamit niya para mapaibig ang isang Dylan Eli Colton. Ang lalakeng Mister Cold kung tawagin. Mapapaibig kaya siya ni Allison? O hindi?