Chapter 5

0 0 0
                                    

Author's note:

Aabala muna hihi. Ngayong may nakakabasa sa story ko. Kahit nag iisa ka. I'm so proud of you😊👏 dahil kahit anong boring ng story na'to nagawa mo paring basahin. Di man ako kasing galing ng ibang author eh. Itry ko parin ang best ko☺ wattpad adict ako dati hanggang ngayon. Inspired kasi ko sa mga author ng mga story na nabasa ko. Yun lang po. Thankyou and Godbless peeps❤

----------

Dylan's pov

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Dahil pasukan ngayon sinipag akong gumising ng maaga na dati naman ay hindi. Hayst ewan ko nga ba bat napag-isipan ko pang gumising ng maaga may parte naman sa katawan ko na magiging masaya tong araw na to may parte naman na hindi.

Angguloooo! Bumangon nalang ako sa higaan at dumiretso sa banyo.

Ilang minuto din akong nagtagal sa banyo at nagbihis tsaka bumaba para kumain.

Pagkababa ko sa kusina ay walang tao. Kaya naisipan kung baka nag malengke si yaya. Si dad? Di ko alam.

Pagkalapit ko sa kusina ay may nakita akong maliit na papel at may nakasulat pala...

Anak, kumain kana at hihintayin kita sa school mo. Di na kita ginising dahil alam mo naman na may pasok ka ngayon. -Dad

'Tss arte'

Linukot ko ang papel ko at tinapon sa basurahan.

Di na ako kumain at dumeretso papuntang school.

Habang nagdadrive ako ay iniisip ko kung may makikita ko ang babaeang tagal ko ng gusto makita at magpapabago sakin...

*School*

Papasok palang ako ay rinig ko na agad ang sigawan nila.

"Omg!"

"Guyss!"

"Si Dylan"

"Waah!"

"So gwapo"

'Alam ko alam ko'

"Kalaglag panga"

'Wag kang mag-alala di ko sasaluhin'

"Dylan anakan mo ko mga fifty!"

'Anong klase to?'

"Psh. Landi. Mabaog ka sana!"

'Tama tama'

Lumingon lingon naman agad ako para makabingwit ng isda. At agad naman akong napangiti ng tago ng alam kong hinahanap niya kung sino ang tinitilian.

'Ang ganda niya'

Oo nagagandahan ako sakanya pero di ko pinahalata yun.

Palapit ako ng palapit sakanya. Di ko alam kung panong naglakas ang loob ko para lapitan siya pero para siyang magnet. At ako naman ang bakal. Sa madaling salita 'naatract ako sakanya'

At narinig ko na naman ang tilian.

"Palapit siya dito!"

"Girls! Tabi kayo! Lalapit siya sakin!"

"Psh. Feelingerang elephant!"

"Tse!"

Lingon siya ng lingon pero di niya parin ako napapansin. Maya't maya naman ay napatingin na siya sa gawi ko at nanlaki ang mata niya na animoy gulat na gulat.

Seryoso naman akong tinitignan siya habang linalapatan ko siya.

Nahalata ko din sa mukha niya ang kaba at pinagpapawisan siya.

"Uhmm... h-hi??"

"Hello"  diretsong sagot ko at nagulat na naman siya.

Ano ba naman tong babaeng to?! May sakit ba to sa puso?

Nagsigawan na naman ang mga babae. Kailan ba matitigil to? Hayst.

"Waaah!"

"Pinansin siya ni Dylan!"

"Argggh! How I envy her!"

'You should be'

"Swerte talaga"

"Transferee siya. So lucky of her"

"Sana maging transferee nalang din ako"

"Ang cute nila. Mukhang bagay. Hehe"

Di ko naman iniwas ang paningin ko sakanya. Siya naman ay liningon ang mga babaeng at naiilang na tumingin sakin. Agad naman niyang iniwas ang tingin sakin at....

Tumakbo siya!

Di ko alam kung bakit pero grabe wala pang nakakagawa sakin na takbuhan ako. Siya lang talaga!

"Sayang bagay pa naman sila"

"Ay tinakbuhan?"

"Mukhang interesado naman sakanya si Dylan eh"

"Sana ako nalang siya"

'Tss wag mong hilingin na maging ikaw siya dahil kakamuhian lang kita'

Inis akong naglakad papuntang room at inastang parang walang nangyari.

Pumasok ako sa room ko at nagulat naman akong andun na siya.

Lumapit lang ako sakanya at nagkunwaring di interesado para lang matanong kung may umuopo na sa tabi niya. Utal naman niya akong pinayagan.

At ngayong tabi na kami. Wala ng oras na di ko siya makikita.

Sasaya talaga ako neto...

          
                                                                                    

Mission: Paibigin si Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon