Chapter 4

2 0 0
                                    

Allison's Pov

Habol hininga akong pumasok sa classroom. Di ko parin makalimutan ang nangyari kanina. Napahiya ba ako? Arghhh!

Pero.. natandaan ko naman ang nangyari kanina. Pinansin niya ako.

Maganda ba ako kanina? Nagulo ba buhok ko? Eh? Bat ko naman pala naisipan yun? Ang lamig niya kaya super. Ayst. Kung naging kaibigan ko yun. Palagi siguro akong tahimik. Pero bakit ko naman siya magiging kaibigan?

Dahil ba pinansin niya ako? Wtf HAHAHAHA feelingera naman pala ako times ten. Hehe.

Habang nag-iisip ako ay pumasok naman si Adonis.

ADONIS?! Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako?! Feeler is me. Huhuhu.

"Andito pala siya sa room natin huh?"

"Oo nga. Magiging masaya to!"

"Classmate na natin ang super hot na si Dylan!"

Nakarinig na naman ako ng bulungan at Dylan? Sinong Dylan naman yan?

Napalingon naman ako ang mga nagbubulungan at may tinitignan sila. Inikot ko ang tingin ko at....

Si Adonis! Ibig sabihin siya yung Dylan? Bagay yung name niya sakanya ha?Nababaliw nako. HAHAHAHAHA.

Ano bayan! Hanggang dito ba naman. Siya padin ang topic? Tss boring..

Binalik ko ang tingin ko sakanya at nagtama ang tingin namin.

Eva? Am I you?

'Pucha ano yun?!' 

Taeng pagiisip yan! Aral muna huhuhu.

Ilang akong tumingin sa kawalan.

Maya't maya pa ay ramdam kong may nakatayo sa harap ko kaya hinarap ko na. Di ko linikod eh. Hehe jukii.

Hinarap ko na siya at si Adonis na naman?! Anong kailangan neto?

Yung titig niya. Parang apoy. Ang hirap tignan. Nakakatunaw.

Ano ba Allison? Makulit ka diba?! Gawa ka ng paraan!

'Okay go'

"H-hi" shet. Wag kang mailang.

Eh sino ba naman ang di maiilang dyan eh nuknukan ng gwapo yan at nakakatunaw ang mata niya!

"May nakaupo ba?" tanong niya sabay turo sa katabing upuan ko. So tatabi siya sakin? Noooooo!

"H-ha?"

"Tss. May naka upo ba?" halata sa boses niya na naiinis siya. Nagtatanong na nga naiinis pa tong sungit na to!

"Wala.."

"K.." nagawa pang magsungit nagtatanong na nga!

Di na ako nagsalita dahil pumasok na ang lecturer namin.

Matapos ang klase ay break time na. Nilingon ko naman ang katabi ko at nagmamadali na siyang lumabas. Nagmadali na ako at hinanap siya. Tutal wala naman akong close dito eh. Siya nalang. Hehe..

Sinundan ko siya ng matanaw ko siyang papunta sa ROOFTOP?!

Anong gagawin ni Adonis dun? Magpapaka deads na ba siya?! Oh no! Napatakip pa ako sa bibig ko. Hala???

Anong gagawin ko?!

"Adonis!!!" tinawag ko siya. Pero wa la padin.

"Adonis!! Waaaag!!!" sigaw ko at tumakbo papalapit sakanya at yinakap siya sa likod.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya at hinarap ako.

"Ano ba?! Bat kaba sigaw ng sigaw diyan at yumakap pa sakin?!"  at siya pa galit? Liniligtas ko na nga siya! Hmmp!

"Bat ka ba nagagalit? Liniligtas lang kita!" sigaw ko at biglang nanlaki ang mata niya.

"Liniligtas saan?!"

"Eh kasi magpapakamatay ka."

"Magpapakamatay?! At bakit ko naman gagawin niyon?!"

Eh anong gagawain niya?!

"E-eh b-bakit p-pumunta ka dito mag isa?!"

"Eh kasi nga eto ang tambayan ko! At busy akong tao kasi marami ang iniisip ko! Kaya pwede ba? Wag kana mag iisip nang ganyan. Tss.. baliw!" linayasan niya na ako pero bago pa siya makalayo ay nagsalita ulit ako..

"Talaga bang di ka mag papakamatay?" paninigurado ko.

"Hindi nga!" Naglakad ulit siya palayo pero hinabol ko na siya at hinawakan ang balikat niya.

"What?! Magtatanong ka na naman ba?!" inis na inis siya. Suplado, panget naman..

"Pwedeng sumama? Wala kasi kong kausap dito at wala akong close. Pwede ba?" Napapahiyang tanong ko sakanya.

"At bakit?! Close ba tayo?!"

"Eh pinansin mo naman ko kanina eh"

"Kanina lang yun. Di na ngayon"

"G-ganun ba? O-okay" naiiyak na ako. Walang nakatanggi sakin kahit isa. Siya lang talaga. Ewan ko ba bat ang lakas ng epekto sakin nun.

"Tss. Sige na nga tara na pagong!" naliwanagan naman agad yata ang mukha ko. Oo yata kasi wala akong merror. Hehehe enebe merror.

"Opo opo!" nakingiti naman akong sinundan siya. Woooh! Ang saya mga beth hehehehe..

"Bakit ba kasi ko ang trip mong sundan eh madaming iba diyan?"

"Eh kasi pinansin mo ko kanina kaya. Naisipan kong ikaw ang lapitan ko baka kasi maya't maya o bukas at habang nakikita kita di na kita lulubayan. Hihihi"

Halata naman sa mukha niya ang pagka-gulat.

"K" yun nalang ang nasagot niya at iniwan na ako.






Mission: Paibigin si Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon