Monday. Monday. Monday
Kasabay ko ngayon si Brian, papasok ng school. Wala na daw kasi kaming bonding
Simula kasi nung naghigh school kami madami ng nagbago.
Syempre ayaw ko naman tuluyang mawala ang friendship namin, kaya pumayag ako.
"Finally nagkabonding na rin tayo, Matagal tagal narin nung huling nagbonding tayo" Sabi ni brian
"Oo nga eh, sobrang busy natin lalo na ngayon na, 3rd year na tayo. Tapos ikaw busy ka sa pagt-training mo sa basketball"
Napatango na lang si brian.
"Oh, wala pala tayong teacher ngayong araw" sabi ni brian. Napatingin ako sa kanya
Hawak nya ang phone nya at pinakita ang text ng kaklase nya.
"Ano bayan, gumising ako ng maaga tas wala naman pala tayong klase?" Padabog kong sabi
Nakakbadtrip ha, ansarap sarap matulog tas gigising ako ng maaga para pumasok tas wala naman palang klase.
"Wala tayong magagawa, tsaka tapos ka nanaman sa lahat ng requirements ngayong 3rd grading diba?" tanong nya
Tumango ako sa kanya
"Kung ganon, tara na lang sa Music room, kanta na lang tayo" sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ko papuntang music room
Hindi naman sya excited ano?
Pagpasok namin, dumiretso saya agad sa mga pwesto ng guitara. Kumuha sya ng dalwang upuan.
Lumapit ako sa kanya. Umupo na sya at ini-istrum yung guitara, at chini-check kung nasa tono bayon. Umupo narin ako
"Kanta tayo, yung 'Unlucky Im inlove with my bestfriend" Sabi nya
"Okay"
Sinimulan na nyang patutugin ang guitara
play ♪Unlucky Im inlove with my bestfriend♪
Nakatitig lang kami sa isat isa. Habang kumakanta kami.
Nalala ko yung mga bata pa kami, naghahabulan kami at tuwing madadapa ako at iiyak. Lalapit sya sakin para patahanin ako at gamutin ang sugat ko.
He is my saviour
Kahit nung mag elementary kami, lagi nya rin akong pinagtatanggol pagnab-bully ako. Lagi nya rin akong tinutulungan sa mga assignment ko. Lagi nya rin akong tinuturuan ng sagot kapag recitation.
He is my knight shining armor
Naalala ko yung sinabi ni kuya.
"You know, Brian kept talking about you, and I think he likes you not as a bestfriend but a.. you know, a lover" Kuya lester
Totoo kaya yun? may gusto ba talaga sakin si brian?
Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin. Kung totoo yon. I think Im the luckiest girl in the world.
And maybe he is also my prince charming
~
Napagod na kami sa pagkanta. Nagkwentuhan na lang kami ni brian ng kung ano ano.
"So, usapang lovelife naman tayo ngayon" sabi nya
"Pano bayan? Wala akong makukwento, wala naman akong love life. Kasi naman antagal ng lalaking para sakin" reklamo ko
"Darating din yun, magpaparamdam din yun sayo" Sabi ni brian
"Hello? nakakainip at ang hirap kaya maghintay"
"Hello? Ang hirap kaya magparamdam" sabi nya. Tapos bigla syang natauhan at parang nabigla sa sinabi nya
Ako rin naman eh, nagulat sa sinabi nya, Mahirap magparamdam? So may gusto talaga si brian sakin?
"Uhh-- ano kasi- Hindi ka ba nagugutom, t-tara kain" sabi ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako ng biglang hawakan ni brian ang kamay ko
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sakin at sumeryoso na ang mukha nya ngayon hindi tulad kanina.
Tumayo sya at pumwesto sa harap ko. Tinanggal nya ang pagkakahawak sa kamay ko at hinawakan nya ang magkabilang pisnge ko.
Tiningnan nya ako sa mata, ganun din ang ginawa ko
"Alam mo bang matagal ko ng gustong sabihin sayo na gusto kita? Pero natatakot ako, natatakot ako na masira ang pagkakaibigan natin"Sabi ni brian
Napatitig lang ako sa kanya. Wala akong masabi, so totoo ngang may gusto sya sakin
He is my real prince charming
Dug. Dug.
