Taon na rin ang lumipas at ngayon 4th year highschool students na kami, bale 4th grading na namin at medyo nagf-focus na kami sa pag aaral kasi graduating na kami.
Pero sa taon na lumipas patuloy pa rin sa pangliligaw si brian, hindi sya ganun kasweet pero protective at dahil dun napatunayan ko na inlove ako na kay Brian inlove na ako sa bestfriend ko
Hindi ko lang alam kung kelan ko sya sasagutin, syempre kelangan ko muna magpaDalagang Pilipina pakipot ganern
"Antagaaal" sigaw ni hans
Si hans ay isa sa mga kaibigan ko nung mag highschool ako pati si vanessa, yang si hans pabakla bakla pero may gusto sya kay vanessa, kaso si vanessa taken na ni kuya. Saklaaaap
"Makahintay kang bakla ka" sigaw ko
"Hindi ako bakla,buntisin kita dyan eh"
"Hindi mo nga ako mahalikan eh" banat ko
"Talaga ba?" sabi nya, sabay lapit ng mukha nya sakin, as in sobrang lapit konting kibot lang mahahalikan ko na sya
"Ehem" brian
Nagulat si hans sa biglang pag "ehem" ni brian, kahit kelan talaga napakaseloso kala mo kami na
"ang arteeee" pabulong na sabi ni hans. Napatawa na lang ako
" Saan ang punta nyo?" tanong ni brian
" Ah pupunta lang kami ng mall nagpapasama kasi si vanessa kaso nasa faculty pa sya may inaasikaso pa ata"
" Si vane(Va-ne) kasi magpapasama magpapaintay pa jusko kaloka" Hirit ni hans, ang arte rin talaga ng bading nato
"Kayo kayo lang? sama ako"
" Ah ano--"
"Sige ba! Mas masaya pagkasama ka, The more the merrier" pagputol sakin ni vane
"Merrier ka dyan tagal pa ng pasko no!" Sabi ni hans
Hindi sya pinansin ni vane at pumunta na si vane sa may gilid ng kalsada, mukhang mag aabang na ng jeep ang bruha
Tiningnan naman ako ni brian at iginesture na sumunod na kami kay vane, habang si hans kung ano ano ang sinasabi nainis ata dahil hindi pinansin ng my labs nya HAHAH
**
"Maam anong kulay po ang gusto nyo?""Ahh kulay maroon po"
Andito kami ngayon sa Salon, nagpapaayos ng buhok si Vane habang kami ni hans eto nagpapa-manicure habang si brian ayun tulog, medyo kanina pa kasi kami dito, dito kami dumeretso.
Nagpapakulay kasi ng buhok si vane at kanina nagpagupit na rin ako ng buhok.
" Ay teeeeh ganda mo, ganan ka na lang lagi HAHAH" Sabi ni hans kay vane. Si hans talaga kahit kailan matagal nanaman syang nagagandahan kay vane eh HAHAHAHA
"Ganda mo" Bigla aking napatingin kay brian, seryoso syang nakatingin sakin
"Ang ganda mo" Enebeeyen Kinikilig ko inulit nya pa talaga
"Thank you" at nginitian ko sya, speechless ako mga dong at day
"Hoy tama na ang titigan tara na daw kumain para makapagshopping na tayo, tara " Sabi ni vane sabay pulupot ng kamay nya sa braso ni hans
Aba tsansing ang babaeng to, hoy kuya ko boyfriend mo
Sumunod na kami ni brian sa kanila, hanggang ngayon kinikilig pa din ako simula kasi ng manligaw si brian naging seryoso na sya sincere sya lagi sa mga sinasabi nya lalo na pagpinupuri nya ako kaya kahit hindi sya sobrang sweet kinikilig talaga ako HAHAHA
"ano ang maganda dito bry? Etong black o etong blue? Parang mas bet ko tong black" Tanong ko kay brian habang pinapakita ko sa kanya yung dalwang shirt na pinagpipilian ko para may pang outfit goals ako
"Yung blue tas kuhanin mong size ay medium para maluwag tas ipartner mo sa color black mong ripped jeans o kahit anong black na pants tas yung sapatos mong white na converse tas i tuck-in mo sa bandang harap lang" Sabi ni brian, oo nga pala magaling sa pormahan tong si brian
Ginawa ko yung sinabi ni brian kasi sakto na nakablack ang pants at suot ko yung white kong sapatos itinuck in ko lang sa harap yung damit at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin
Hala bagay nga, galing talaga ni pareng brian
Binayan ko na sa cashier yung napiling damit kanina, at ngayon palabas na kami ng mall para mag abang na ng masasakyan
**
"Alam mo ang ganda ng mga tala ano? Tapos parang ang dali ng gagawin nila lalabas lang sila tuwing gabi liliwanag at magbibigay ng buhay at ganda sa gabi" Sabi ko habang nakatingala sa mg talaNandito kami ngayon sa tree house na ginawa namin nina kuya noong bata pa kami ito ang nagsisilbi naming hide out
Nagsimula ng pumatak ang ulan kaya umalis kami sa pwesto namin at sumiling sa loob, tuluyan ng lumakas ang ulan
"At ang ulan na man nagbibigay rin sila ng saya at kalungkutan sa bawat tao, Kalungkutan dahil pag nakikita nila ang ulan ito ang nagsisilbing paalala sa kanila sa mga bagay na gusto na nilang kalimutan, sa mga bagay na masasakit nilang naranasan, Saya naman dahil minsan ang ulan ang nagsisilbing saksi sa mga bagay na nagbigay ng kasiyahan sa kanila, pati na rin sa mga estudyante dahil ang ulan ang nagsisilbing pag asa na baka mawalan ng klase" Napatawa nalang kami ni bryan sa huli ng sinabi
"Ang lahat ng bagay ay may advantages at disadvantages lahat din may kapalit, minsan may saya pero may kapalit na kalungutan" Dugtong nya
Napaisip ako sa sinabi nya, may punto sya doon lahat ng bagay may kapalit, lahat ng bagay may advantage at may disadvantage
---
AN:
bilis no? ako rin nabibilisan eh