Chapter 3

13 0 1
                                    

Ansarap pala sa feeling na may taong concern sayo, yung tipong araw araw niyang sasabihin sayo ng mahal ka nya, yung tipong kukulitin ka araw araw kahit inis na inis ka na.

Sa ilang buwan na lumipas simula nung nagconfess sakin si Brian at literal na speechless talaga ako sa nangyari. Pero pagkatapos non hindi nagbago ang pagkakaibigan namin.

"Lalim ng iniisip natin ah, share naman dyan." sabi ni brian.

"Wala" Sabi ko.

"Lamya mo ngayon. Nga pala dito ako matutulog nakakatamad maglakad pabalik sa bahay" sabay talon sa kama ko.

"Bahala ka dyan. Tamad mo"

Pumunta na rin ako sa kama. Nakihiga narin ako. Sa tagal naming magkaibigan, hindi na kami nagkakailangan. Komportable kami sa isat isa

Nakatitig lang ako kay brian, answerte ko pala talaga sa kanya.

"Hoy, baka matunaw ako sasagutin mo pa ako kaya bawal pa ako matunaw at mawala" Sabi nya

"Pano mo naman na sabi na sasagutin kita? Kapal ng face mo"

"Mahal naman kita" Sabi nya.

"Matulog ka na nga"

"Kilig ka naman? Sige na nga tulog na tayo" Sabi nya at pumikit na sya.

Napatitig ulit ako sa kanya, wala lang trip ko lang ang gwapo eh

Dala na rin siguro sa pagod, ipinikit ko na rin ang mata ko at natulog

~
Pagkagising ko mukha ni brian ang bumungad sakin

Ang peaceful ng mukha ni brian, parang wala syang problema sa buhay

Si brian yung tipong cold sa ibang tao, pero joker sa taong malalapit sa kanya at sa taong mahal nya.

Answerte ko kasi sa lahat ng babaeng pwede nyang magustuhan, ako pa yung babaeng yun

Babangon na sana ako, kaso naramdaman ko na nakapatong yung kamay ni brian sa bewang ko, Chansing pa!

Aalisin ko na yung kamay nya ng bigla ya akong hinigit at niyakap ng mahigpit.

"Hmm, wag ka munang umalis maaga pa" sabi ni brian habang nakapikit

"Anong maaga pa? Tirik na tirik na yung araw oh, tsaka hindi na ako inaantok" bwelta ko

"Edi titigan mo na lang ako, tutal yun naman yung ginagawa mo kanina pa diba?" namula ako sa sinabi nya, so kanina pa sya gising?

Imunulat nya ang mata nya, tiningnan nya ako, ang seryoso ng tingin nya

Nagkatinginan lang kami, tapos bigla syang ngumiti, isang ngiti na alam kong tumatak sa puso ko, a smile with full of love

Dug. dug

Forget or regret Where stories live. Discover now