FLAMES 03: A Tale of An Angel Number

3.6K 137 94
                                    


"KAIN muna tayo, mga soy! Tangina, gutom na 'ko. Training ba naman simula ala-una hanggang alas singko, straight!" sabi ng isang lalaki na tumabi sa akin sa tapat ng kwek-kwekan ni kuyang vendor.

Nakilala ko siya bilang si Joko dahil siya ang kumuha sa amin ni Euchleid ng litrato. I quickly averted my gaze when he glanced at me, hoping he wouldn't recognize me, but it was too late.

"Uy, tignan mo nga naman ang tadhana!" he said with a grin. He recognized me.

"Naneto si Joko. Lahat na lang ng puntahan may ka-tadhanang babae. Kaya pala wala nang nakatadhana sa'min."

"Siraulo! Tignan mo kung sino 'to!" sigaw ni Joko.

I was so shocked when he grabbed me by both shoulders and forcefully made me face his friends. They all looked at each other before playfully calling out Euchleid's name-gaya kung paano nila isigaw ang pangalan nito kapag nakikita nila sa school ang mga babaeng iniaasar nila rito.

"Tadhana ba talaga? Oh pinlano?"

Icy, save me!

"Sa pagtatapos ng school year, may love story nang magsisimula. Lupet!"

Sa peripheral ko ay kita kong nakapanood lang si Icy habang kumakain pa rin siya ng kwek-kwek, as if may pinapanood lang siyang shooting or something. Hindi ko alam kung gutom na gutom ba siya or she's at it again, with her observation she claimed to be always accurate.

"Fritzey 'no?" tanong sa akin ni Joko bago niya ako inilapit kay Euchleid. "Tama, Fritzey Aisaeah. I want to formally introduce our friend to you. Meet Euchleid Delacroix."

Hindi kumibo si Euchleid nang ilahad sa kaniya ni Joko ang kamay ko for a handshake. Hindi nga rin man lang siya makatingin sa akin.

"Tanggapin mo soy, nagpapakilala, oh!"

Noong kunin ng tropa niya ang kamay niya para pilitin siyang makipagkamay sa akin ay binawi ko ang kamay ko kay Joko. Sabay naming tinalikuran ang isa't isa, pero pinilit naman kaming pagharapin sa isa't isa ng mga kaibigan nya.

"Tado ka rin, eh! Huwag mo kasi hawakan 'yung kamay! Ipapakilala mo, nauna ka pang humawak sa kamay."

Dahil doon sa sinabi ng isa ay binitawan ako ni Joko sa pulsuhan.

"Sorry, sorry. Ayaw nga pala niyan may ibang humahawak ng pag aari niya."

"Tanga, dali ka bangko mamaya sa liga!"

They all laughed. I wanted to tell them to stop playing with me, but my mouth just couldn't. Nakita ko si Faren na nakikitawa pa, didn't he even realize na pinagtitripan na ako rito ng mga ka-teammate niya?

"Ulol!" Joko glanced at me. "Pasensya ka na. Shy type lang talaga itong tropa namin. Hindi marunong pumorma sa babae kahit kasing pogi ko naman."

"Pogi pa nga raw."

"Kaka-chongke mo 'yan!"

"Siraulo! Pogenggeng kamo!"

"Tado! Minsan na nga lang maging pogi!"

"Pakilala ka na, soy! Huwag kang torpe!" A guy in a bandana shoved Euchleid towards me, causing me to instinctively step back. As he swiftly grabbed me and pulled me into his arms to prevent me from crashing into one of his friends behind me, the guys burst into laughter, thoroughly amused by the situation. I wanted to get away but I was stucked in his arms.

Book of Flames (ᜀᜅ᜔ᜆᜒᜉᜄᜉᜏ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon