Marey I

28 1 0
                                    

Marey I

Naglalakad ako ngayon papuntang music store. May bagong labas kasing album ngayong yung favorite opm band na sinusubaysayan namin nila buldog at manok. Sa wakas, tagal ko kayang pinagipunan yun ! FOR THE FILIPINO MUSIC ! haha, para makatulong lang.

Uunahan ko na yung dalawang bumili para makapagpaiingit ako. haha.Ganun lang kami. :)

Pero share share lagi.

Nahanap ko kagad yung album at binayaran sa counter. Paglabas ko sa music store may biglang bumangga sakin. Papasok siya, papalabas ako. Tsk, shunga ng lalaking to.

YIEEH ! ! 

*POGI ALERT*

Kitang kita ko na pogi yung lalaki mula sa peripheral vision ko. Haha 

~ natututunan ko po sa school yan.

Biglang lumakas yung radar ko.

Pagtingin ko sa lalaki, goshness . . . napanganga ako. 

Dimitri Yvi.

Yung Bench model na nagaaral sa school namin. Super popular niya kaya sa school namin.

Half-Russian Half-Korean kaya yan. Kaya siguro ang astig ng mukha niya. Grabe kaya sa pogi to. Tapos ang galing niya pang magtagalog. Hays, bigtime silay ako. :D 

Tumayo siya kaagad at kinuha ang nahulog niyang plastic na may lamang CD. Kinuha niya din yung akin, tsaka naglahad ng kamay para tulungan akong tumayo siguro. Nakakaflatter kaya, feeling ko princess ako,  haha.

" Sorry miss " sabi niya sabay ngiti. Tofu ! Mabubulag na ata ako sa sobrang ningning niya sa paningin ko. Kinuha ko kaagad yung kamay niya bago niya bawiin. Sayang e.

" Eei, sorry din ! Salamat " mabilis kong sabi tsaka kinuha yung plastic ko.

Ngiti lang siya ulit, pero unti nalang. 

Oh my ! Nakakasilaw kaya yung ngiti niya ! Di ba siya namamangha sa sarili niya.

Nagbago bigla yung mood ng  nag-iba siya ng direksyong ng tinging at sinabing " Miss, yung kamay ko ".

Eei, oo nga ! ! Hawak hawak ko parin hanggang ngayon yung kamay niya. Agad kong binitiwan. Nakakahiya ! 

" Excuse " sabi niya bago naglakad at lampasan ako. 

Wah ! Umalis na siya. 

Lumabas na ko ng music store.

Sheesh. Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kabalbalan ko !

Naglakad nalang ako palayo. Pahangin lang pangtanggal ng pahiya. 

Lakad lakad lang. 

Hanggang sa hindi ko na alam kung nasan ako. 

Di ko na namalayang lutang na kaluluwa ko ngayon. 

Hinampas hampas ko ang ulo ko, pero syempre mahina lang. 

Anu bang nangyayari sakin ! ?

Mabilis pa naman akong maligaw.

Malas naman o.

Tumigil muna ko at umupo sa sidewalk para tawagan kahit sino sa dalawang charoterang yun. Siguro naman hindi ako ganon masyadong nakalayo mula sa music store para hindi nila ko makita, diba ? Sana makita kagad ako nila buldog at manok kundi, grounded na naman ako nito.

Hindi kasi ako pinalalabas nila mama pag walang kasama e. Wala daw akong sense of direction. Tss, mahilig naman ako sa one direction ! XD

(machi : waley)

Notebook ni MareyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon