Automatic na atang nasasabi ng bawat lalaking nadadaan ko ang 'Hi ate ! ' or 'Ganda mo teh! '. Ang panget naman nila. Opo, hindi sila gwapo, mostly mga tambay, driver, kargado sa palengke or taong kalye mga nagsasabi sakin nun. Tsk. never pa sa gwapo.
Tsaka bakit pa ko aasa, e panget nga ako. Ang lakas talaga manginsuto ng mga lalaking yun.
Huhu, oo alam ko. panget ako at hindi na talaga siya maipagkakaila.
Sa mga babae naman, tuwing daan ako tumitingin din sila. Pero hindi na sila umuulit o kaya nama'y tatanggalin nila kaagad ang tingin nila sakin. Ganoon ba talaga nakakadiri yung mukha ko ? Kasi kung hindi ganoon yung nangyayari, tinititigan nila ako ng para bang may sobrang mali sa mukha ko.
OA ko ba ? Panget naman kasi talaga ako, hindi dapat tingnan. Hindi kasi kawili-wili.
Minsan nga naiisip kong deformed yung mukha ko.
Malapad na noo
Makapal na kilay
Pango
Chubby
Maitim
Kulot at sabog ang buhok
Tsk. Panget talaga ako.
Malayong malayo sa itsura ng mga kapatid kong sexy at maputi.
Buti pa sila namana nila yuung kutis ni mama, tapos kay papa naman sakin.
Malas ko, kasi ako yung panganay saming tatlong magkakapatid.
Edi syempre ako yung unang ipapakilala nila mama,
syempre madidisappoint sila kasi . . .
maganda naman yung magulang ko ?
tsaka yung mga kapatid ko ?
Anyare sakin ?
Sama mo pa yung katotohanan ako nga yung panganay pero ako yung pinakamaliit saming magkakapatid. 5' lang ako, samantalang ung mga kapatid ko, 5'7 at 5'9. Maliit din naman si mama pero mas matangkad parin siya sakin.
Sinalo ko ata ang lahat ng pinakapanget na genes ng mga magulang ko. I mean pamayanan namin, hindi kasi alam ni papa kung bakit naging pango yung ilong ko. Matangos naman silang dalawa ni mama.
Tsk, baka daw sa kapit bahay namin.
Hays, kainggit.
Pero okey lang, pamilya ko naman sila.
Pride ko dapat ng family ko diba?
Ampon ata ako ! ahaha. Nevermind.
*