Marey II
" Bilis manok, pahid mo na ! ! " nagmamadaling utos ni Charmaine kay Mayjoy.
Kawawa naman ako, muka na kong taong grasa dito sa dalawang ito.
" Yiy ! kabayo ! Muka ka nang 'Smurfs' na kulay black ! hihi " buldog
" Deeh ! Mas kamuka niya yung tiyanak na biglang lumaki ! hahaha :D " banat ni manok tsaka sabay silang nagtawanan.
Sobrang pintasera, pangit din naman sila. Birds with the same feather, flocks together diba ?
Overnight kami ngayon sa bahay nila manok. Usual. Weekends kasi bukas.
Kasalukuyan kasi kami ngayong naglalaro nang 'spin the bottle' . Pero imbes na 'truth or dare', pahiran ng uling sa muka. Kanina pa kami naglalaro at kanina parin ako lamog sa dalawang to. Di ba sila nabobored ? I mean ako din, bakit hindi nabobored ?
Sila mga 5-10 beses lang natatapatan nung bote samantalang ako, mga nasa trenta beses na, pano nangyayari yun ? !
Nag-'watever' sign nalang ako sa kanila. At lalo lang silang nagtawanan.
" Haha, tara ! Shower na nga tayo. " tumayo na si buldog kasabay ang paghila niya saming dalawa ni manok.
" Duga , di na ko nakabawi sa inyo " pout ko. Tinawanan lang nila ko.
" Haha, wala e. Malas mo lang ngayon. Bawi ka nalang sa susunod. " ngiting wagas ni manok.
Nagshower na kami. Pero syempre, di sabay-sabay no. Salit-salitan kami. Dalawa naman yung banyo nila manok, pero pinauna na niya kami ni buldog dahil bisita daw kami. Haha. E parang bahay na nga din namin to sa sobrang dalas naming nandito ni Charmaine.
*
Natapos na kaming lahat.
" Girls, inaantok na ba kayo ? " tanong ni manok.
" May naiisip ka na naman no ? ! " panghuhuli ko sa kanya.
" A , kasi- " taposmay nilabas siyang isang libro. Title 'How to find Mr. Right'. Haha, landi !
I like it ! After 4 years ng promise namin.
Ang 'di-pwedeng-magboyfriend-hangga't-di-pa-nakakatapos-ng-highschool' rule. Haha.
Halos patapos na ang first year namin ngayon sa college, pero wala paring nagkaka-boyfriend saming tatlo. Di naman sa minamadali ko sila o kahit ang sarili ko. Chill lang kami.
" Naks ! gumaganyan ka na Mayjoy a ! " pangaasar ni Charmaine tsaka hinila at binuklat yung libro.
" Hoy, wait lang ! di ko pa nga binabasa kasi gusto ko sabay-sabay tayo e ! Wag ka ngang manguna ! " sabay hablot sa libro ulit.
" Naku ! masisira na sa inyo yan, halika na't basahin na natin yan ! " tsaka ko sila tinulak padapa sa kama ni manok.
*
Sabay-sabay kaming dumapa, halfbody lang kasi single bed lang yun.
Binuklat na namin kagad yung libro at binasa nang sabay-sabay. Para kaming elementary students sa public school na kinulangan ng libro. Haha !
Nakakamiss.
First, sa paghahanap kay Mr. Right :
1) Sa kanya mo lang mararamdaman yung feeling na. ' butterfly in your stomach' tsaka yung mabilis na 'dug-dug' sa dibdib mo pagmalapit siya.
Neh, corny!
2) Pag nagkadikit kayo ni Mr.Right, makaramdam ka ng parang kuryente na biglang dadaloy sa buong katawan mo. Really ? Madali lang pala siyang mahanap. Didikitan ko lang yung mga lalaki sa campus para mahanap siya. Hihi. Talino ko !
Di ko pa natatapos yung daydreaming ko ng biglang naghikab si buldog.
" Neh . . . Girls, tuloy nalang natin to bukas , inaantok na kasi ako " buldog.
Saka din nsghikab si manok.
" Okey! " tsaka nila kinlose yung book.
"