Chapter 6

4.7K 190 13
                                    

"T--Teka lang po kuya, saan niyo po ako dadalhin?" Kinakabahan na ako habang hinahanap ang mga kasamahan ko na hindi ko na mahagilap.

Sino bang niloloko ko? Hindi ko naman sila makikita dito dahil pasilyo na itong nilalakaran namin, wala na ang mga mesa, wala na rin ang mga nag-iinuman. Tanging kaming dalawa lang ang narito habang papunta sa kung saan.

Hindi siya sumagot at inadjust pa ako dahil palaglag na yata ako. Kahit hindi niya aminin ay alam kong nabibigatan siya sa akin, base sa pagpapawis niya dahil sa sayaw niya kanina, lumalabas na rin ang ugat niya sa leeg.

May tinanguan siyang lalale na siyang nagbukas ng pintuan. Pagpasok pa lang niya at automatic na umilaw kaya naaninag ko ang buong kwarto.

Isang king size bed na may puting sheet at comforter, wala masyadong gamit bukod sa isang chandelier na kagaya rin nang naka-display sa bawat sulok ng bar, hugis penis rin na pinaliit lang. May side table at may nakapatong na lampara.

Nanlaki ang mata ko at gulat na gulat na tumingin kay kuya dahil sa nahagip ng mata ko.

"A--Anong gagawin mo sa akin?" Namuo ang pawis sa noo ko at binalik ang tingin sa nahagip ng mata ko. Sushmita sen! Bakit may isang box ng condom sa mesa?!

Kagaya kanina ay hindi na naman niya ako sinagot, sapilitan niya akong nilapag sa kama at hinawakan ang butones ng pants niya.

"Madaliin na natin, may lakad pa ako." Nawindang ako sa lalim ng boses niya, may accent pa akong narinig at hindi ako pwedeng magkamali. Foreigner 'to!

Hinubad niya ang pants niya bago kumuha ng condom, huhubarin na sana niya ang boxer niya nang bigla kong hinagis sa kaniya ang lampara dahilan para matamaan siya sa tiyan niya.

"What the fuck?!" Napaatras siya sa gulat na may halong galit dahil sa ginawa ko. Gumapang ako pababa ng kama at tumayo sa kabilang side ng kwarto.

"Bakit ka naghuhubad?!" Natatarantang bulyaw ko kahit may ideya na ako sa dapat mangyari. Lalong kumunot ang noo niya at puno ng pangku-kwestiyon ang mata niya na nakatitig sa akin.

"Anong bakit naghuhubad? Are you dumb? You paid me for this!" Natameme ako sa sinabi niya kaya natulala ako. Ibig sabihin--

"Binayaran ka para paligayahin ako?!" Tumaas ang kilay niya na parang sinasabi na 'ang bobo naman nito!'

Marahas niyang kinamot ang buhok niya at frustrated na tinanggal ang maskara na tumatakip sa mata niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko sa kga pares ng mata na nakikita ko ngayon.

Deep set of olive green eyes met mine. Napahigit ako ng hininga dahil sa ganda at pagka-lalim ng mga mata niya. Para kang lulunurin sa mga titig niya.

"Ano bang problema mo, babae?" Napapitlag ako sa iritable niyang boses. Matigas ang pananagalog niya, may kaunting accent pero halatang bihasa sa wika natin.

Napakagat ako ng labi at pumikit para huminga. Hindi ako pwedeng sumabay sa init ng ulo niya dahil baka magsabong kami.

"Look, kung ano man ang issue mo ngayon, paki-set aside. Kailangan ko magampanan yung trabaho ko ngayon, nilabag ko na yung protocol ko para lang dito." Pagsusungit niya at akmang lalapit sa akin nang umatras ako.

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon