Chapter 9

4.7K 192 40
                                    

"Ano may trabaho ka na ba?" Bumagsak ang balikat ko sa sa bungad na tanong ni Mama sa pintuan pa lang ng bahay. Kinuha ko muna ang sapatos ko at pinasok sa loob bago tanggaling ang blazer ko.

"Hoy babae, tinatanong kita. May trabaho ka na?" Nagpamewang siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. Kinuha ko sa bulsa ang papel na binigay sa akin ni Christie.

Inabot naman 'yon ni Mama bago basahin.

"Pure Bliss? Factory ba 'to ng mga sabon panlaba?" Nagtatakang tanong niya habang binabasa ang papel. Kumunot naman ang noo ko at nakisilip na rin sa kaniya.

Bigla nalang may humablot sa papel na binabasa namin ni Mama, si ate na natural na atribida na ang may hawak ng papel.

"Ay!" Tila na-excite siya sa nabasa niya. Nagniningning pa ang mata niya noong tumingin siya sa akin.

"Dito ka magta-trabaho?" Tumaas ang kaniyang boses sa sobrang tuwa, humawak pa siya sa kamay ko kaya na-weird-uhan na kami ni Mama. Iba talaga ang saltik ng mga buntis.

"Akin na nga 'yan, baka mapunit mo pa." Himala na hindi siya pumalag nang kinuha ko yung papel, nangniningning pa rin ang mata niya habang nakangiti sa akin kaya nanindig na ang balahibo ko.

"May discount na ako kapag sa inyo ako nagpa-organize ng kasal ko ha?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo 'te?" Nawala ang matamis niyang ngiti at napalitan ng pagka-irita. Nagtinginan kami ni Mama dahil sa bilis ng pag-shift ng emotions niya.

"Boba ka ba? Ang Pure Bliss ang isa sa mga Event Organizing Business na sikat sa bansa, na-feature nga ito sa Social Table Blog na para sa mga mayayaman na website. Sa kanila madalas lumalapit ang mga artista at high end na tao kapag nagbabalak ng party!" Pumalakpak siya at muling inagaw ang papel sa akin.

Binasa niya ulit ang nakasulat at may tinipa sa phone niya. Matapos niyang mag-scroll sa cellphone niya, may pinakita siya sa akin.

"Siya si Leticia Del Rios. Siya ang may-ari ng Pure Bliss, ang ganda 'no? Bagay maging artista?" Kuminang lalo ang mata niya habang nakatapat sa mukha ko ang isang candid shot ng isang babae.

Kahit hindi makita ang buong mukha niya dahil naka-sideview ang shot sa kaniya, hindi maikakaila ang ganda nito na may halong banyaga. Seryoso ang picture niya habang tutok sa clipboard niya.

"Siya ang salarin sa bonggang kasalan nina Kathy Bernardino at Danyel Ford at saka sa kasal din ni Lisa Summer at Enrique Guillermo!" Napatili siya na parang teenager na nagfa-fangirl.

Nagtinginan ulit kami ni Mama at naiiling nalang sa mga sinasabi ni Ate.

"Matulog ka na kaya Cassandra? Hindi ka naman umiinom pero ang lakas ng tama mo." Natawa ako sa sinabi ni Mama habang si Ate naman ay napanguso. Magrereklamo pa sana siya kung hindi lang siya naunahan ni Mama.

"Sige na Samantha, kumain ka na muna at magpahinga. Bukas ka na ba magsa-start sa trabaho?" Biglang lumambot ang boses ni Mama at sinserong ngumiti. Napangiti na rin ako at tumango.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang sapatos at damit ko.

"Sana tuloy tuloy na 'to." Bulong niya habang nakapaskil pa rin ang matamis niyang ngiti bago umalis. Natulala ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ang papalayong pigura ni Mama.

Napayuko nalang ako habang bumabalik sa akin ang mga alaala simula noong nagkahiwalay kami ni Gerald. Alam kong nasasaktan din si Mama noon pero mas pinili kong pagtuunan ang sakit na nararamdaman ko kesa sa nararamdaman nila.

Ngayon lang pumasok sa utak ko yung mga nangyari after that. Para akong nawalan ng gana sa lahat, sa trabaho at sa buhay... Hindi naman 'yon ang gustong makita ng Mama ko pero 'yon yung pinapakita ko sa kaniya. Hindi ko na-realize na nasasaktan ko na pala siya.

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon