Chapter 16

4.7K 183 34
                                    

Hindi naman ako natural na selosa, alam 'yon ni Gerald sa buong taon ng relasyon namin. Madalang na ako magselos sa mga babaeng kasama niya dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya kahit na may history na siya ng pagiging playboy.

Pero sa mga oras na 'to, hindi ko alam na muli ko pa lang mararamdaman ang emosyon na praktisado ko nang itago.

"Oh! Hi Samantha, good morning!" Isang tipid na ngiti ang binigay ko kay Rian na siyang nagbukas ng pinto.

"Kumain na ba kayo? Sorry ha, ngayon lang ako pumasok." Sinarado niya ang pinto at sinamahan akong tumungo sa kusina.

"Don't worry about it, nagluto na ako para sa aming dalawa ni Sean. Kumain ka na ba? Gusto mo paglu--"

"Ay naku hindi na, salamat. Tapos na ako kumain." Matamis siyang napangiti sa sinabi ko kaya ngumiti rin ako sa kaniya at mabilis nag-iwas ng tingin.

Dalawang linggo na si Rian dito sa Pilipinas at dalawang linggo na rin siya nakatira sa unit nila Sean. Si Sean mismo ang sumundo sa kaniya sa airport at dinala dito.

Si Rian Tierra ang college best friend ni Sean sa Spain kung saan niya tinuloy ang pag-aaral niya. Siya ang unang naging close ni Sean at siya din ang isa sa mga taong nakakaalam sa sexuality ni Sean.

Simula noong dumating si Rian dito, halos hindi na sila mapaghiwalay ni Sean. Si Rian din ang katabi ni Sean sa pagtulog, meaning, sa iisang kwarto ay magkasama sila. Naiintindihan ko 'yon kasi halos tatlong taon din silang hindi nagkikita kaya sinusulit nila ang mga oras na magkasama sila pero may times na minsan nakakalimutan ni Sean na may Salome pa siya sa tabi.

"Maglilinis ka na ba? Do you need a helping hand?"

"Mayroon na ako no'n."

"Huh?" Nanlaki ang mata ko sa nasagot ko kay Rian kaya namula ng husto ang mukha ko sa hiya. Walang hiya ka Samantha, umiiral ang pagkamaldita mo!

"Ibig ko sabihin, kaya ko na. Pahinga ka lang." Ako na ang unang tumalikod sa aming dalawa dahil wala yata siyang balak umalis sa harapan ko.

Aaminin ko na naa-awkward-an ako kay Rian sa hindi ko malamang dahilan. Mabait naman siya eh, Sobra to the point na nagmumukha na akong masama sa aming dalawa dahil madalas ko siya tarayan. Ewan ko ba, minsan hindi mo na rin mapagkakatiwalaan ang mga mababait dahil kalimitan ang mga kagaya nila, mapang-abuso.

Gusto ko lumapit yung loob ko kay Rian kasi kaibigan siya ni Sean at ang mga kaibigan ni Sean, ay friend ko na rin. Pero iba ang kaso pagdating dito kay Rian.

"Samantha." Napaayos ako ng tayo sa boses ni Sean na sobrang seryoso. Wala na yung pagtawag niya ng Salome with matching tili pa na parang ilang years kaming hindi nagkita. Hindi na rin Salome ang tawag niya sa akin, Samantha na.

Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Akalain mo nga naman oh, hindi naman Salome ang name ko pero bakit mas gusto kong tawagin niya ako sa pangalan na 'yon?

"Good morning. Sorry late na naman ako." Pilit akong ngumiti sa kaniya. Kusot ang mukha niya at nakataas ang isa niyang kilay, hindi na rin siya nakasuot ng usual lingerie niya at naka-muscle shirt na siya at sweat pants.

"Lagi ka nalang late. Ano bang pinagkakaabalahan mo?" Bumaba ang mata niya sa buo kong katawan bago siya ulit nag-angat ng tingin. Napayuko ako sa paraan ng pagtitig niya.

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon