Nagising ako nang may tumapik sakin.
"Ali gising na. Dito ka na sa bahay. Bumaba ka na diyan."
Nakita kong si Ate Melissa pala ang gumising sakin. Tumango naman ako sa kanya tsaka bumaba. Inaantok parin kasi ako kaya hindi ko magawang makasagot. Baka kasi maghikab lang ako.
"Kumusta naman ang biyahe? Okay ba? O malamang na jetlag ka nanaman?"
"Ate, you know me. Syempre jetlag. Kapag may opportunity talaga itong dalawin ako eh kukunin niya yung chance na yun. Feeling close eh."
"Abnormal ka talaga no? Kung tratuhin mo ang jetlag mo parang tao."
"Pabayaan mo nalang. Dun ako masaya."
Bigla namang lumungkot ang mukha ni ate. Hay. Hinagod ko nalang ang likod niya dahil hindi nako nagsalita. Mahirap na baka umiyak ulit ako. Nakakapagod na.
Pumasok kami sa loob. Dumiretso ako sa sala at naupo sa couch. Pumunta naman si ate sa kusina para kunin ang nakahandang meryenda. Yung isang yun kahit kailan talaga napakamaasikaso. Pwede nang maging nanay yun.
"Eto meryenda oh. Nagbake pako niyan ha. Ubusin mo."
"Grabe ka naman ate. Paano ko uubusin tong *bilang nang cupcakes* sampung cupcakes na to? Dalawa lang kaya kong ubusin no. Ibigay ko nalang kina manang at kuya driver yung iba."
"Nabigyan ko na sila. Wag kang mag-alala. Atsaka sinabi ko bang ubusin mo kaagad? Pwede namang mamaya mo kainin yung iba. Basta maubos mo lang"
"Ewan ko sayo ate. Eto na kakain na."
"Yung mga gamit mo pala? Nahatid na ba sa kwarto mo?"
"Oo nahatid na. Pinahatid ko kina manang. Kaya wag ka nang mag-alala. Okay?"
"Sige na. Siya nga pala, naasikaso ko na ang enrolment mo sa Philippine Institute. Kaya wag mo nang abalahin yun."
"Ano pa ba. Ikaw yan eh. Wala ka na bang ibang magawa kundi ang saluhin lahat nang gawain ko?"
"Eto naman. Pwede namang mag thank you ka nalang diba? Alam mo namang mahal na mahal kita eh."
Sabay tawa ni ate atsaka ako niyakap. Nakakatuwa talaga to. Feeling ko ang swerte swerte ko at naging kapatid ko siya. Mas magiging maswerte yung mapapangasawa niya. Akalain mo yun. Maganda na tong ate ko. Maasikaso, maalaga, mapagmahal, mabait. Matalino rin to. Oh diba? Parang complete package lang. Atsaka 21 years old palang. Hay. Namiss ko talaga tong lokang to.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ito. Tinulungan ko rin si ate na maghanda nang hapunan dahil gusto niya siya raw ang magluluto ngayon. Kakarating ko lang daw eh. Dapat luto niya raw ang matikman ko. Ewan ko dun.
Dahil kaya na rin naman daw niya at si manang nalang ang mag aassist ay napagpasiyahan kong lumabas nang bahay. Tinignan ko ang paligid at lumanghap nang hangin. Namiss ko rin ang lugar na to. Hindi ko man lubusang naaalala ang mga nangyari noon ay nararamdaman kong naging parte ito nang masaya kong buhay. Marami naman kasi ang nagbago kaya siguro matagal pa bago bumalik ang alala ko. O baka hindi na talaga babalik yun, kahit kailan man.
Naglibot libot ako sa subdivision nang mapadaan ako sa 7/11. Hindi gaanong marami ang mga tao kaya pumasok ako. Dumiretso ako sa kanilang binebentang ice cream. Sakto. May nakita akong cookies and cream na nasa solo pack. Parang isa nalang itong natitira. Binuksan ko yung sliding door nung container at akmang kukunin yun nang biglang may isa pang kamay ang kumuha nito.
"Ah miss akin na lang to ha. Kailangan ko to eh."
Aba't naman!
Tumalikod na siya at halatang nagmamadali nang hinablot ko yung kanang braso niya at pinaharap siya sakin.
"Excuse me mister. Ako ang unang nakakita niyan. Ako ang nagbukas nito *sabay turo dun sa container* para kunin yan. So please give it to me. Dahil ako ang bibili niyan."
Nagulat ata siya dahil sa pagkakahablot ko nang braso niya. Para atang natulala eh. Nagbilang ako nang 3 seconds bago siya nagsalita.
"Ah. Eh kailangan to nang kapatid ko. Gustong gusto niya talaga itong cookies and cream. Kaya nga naubos dito dahil palagi niya kong pinapabili. Sige na oh. Kailangan na kailangan niya to."
Tiningnan niya ako na may halong pagmamakaawa. Parang tumatalab ata yung pagmumukha niyang yan ha.
Dahan-dahan kong binitawan ang kaniyang braso. Kahit na labag sa loob ko ay ibibigay ko nalang. Baka nga kailangan talalaga nang kapatid nang kung-sino-man-tong-lalaking ito.
"Oo na. Tss."
"Yes! Salamat miss ha!"
Dali-dali siyang pumunta sa counter at binayaran yon. Ang sakit lang tignan na napunta sa iba yung cookies and cream ko. T_T Pero act of kindness na rin naman ang ginawa ko kaya babalik at babalik din sakin yung swerte. Makakakuha rin ako nun.
Lumabas na yung guy na kumuha nang ice cream ko. Pero bago pa man siya makalayo ay bumalik ang tingin niya sakin. Nagulat ako nang ngumiti siya. Pero mas nagulat ako nang ngumisi siya. He blew a kiss towards me and mouthed 'thank you'. Pagkatapos ay tumalikod siya at pacool na naglakad paalis dala ang precious ice cream ko T_T
Bwisit yun! Naisahan ako nang mokong! >_<
===============
Yung scene pong about sa ice cream ay inspired sa scene kung pano po nag meet yung characters ni Aril Daine na sina Miyuki at Lance sa story niyang Sadist Lover. <3
-auhthor elle
P.S. Hindi ko alam kung may nag eexist na Phil. Institute ^_^