Chapter 4

32 2 2
                                    

OMG talaga.

Si Mics nga yun! (Nickname ko nalang sakanya, short for Mr. ice cream stealer.)

Oh gosh. Parang hindi ko ata matanggap na ang gwapong yun ay yung kaagaw ko sa pinakamamahal kong cookies and cream. Ngayon ko lang din nanotice na gwapo pala yung Mics na yun. Siguro nanaig yung pagmamahal ko para sa ice cream kaya hindi ko napansin kaagad. Bago nga yun. Malakas yung radar ko pagdating sa mga gwapo eh. Yun bang kahit sa gilid nang mata ko palang nakikita eh masesense ko nang may gwapo. Iba nga talaga siguro ang epekto nang cookies and cream sakin ^_^ Nagawa niyang kunin ang atensyon ko sa isang gwapo.

Napasimangot ako nang bumalik ulit sa isip ko na gwapo yung Mics na yun. Gosh. Hindi ko talaga matanggap eh. Paano pag nalaman niyang nagagwapuhan ako sa kanya? Edi gagamitin niya yun para madistract ako at makuha niya ulit ang ice cream. Ah hindi. Hindi na naman kami magkikita nun. Hindi nga niya ko kilala. Kaya paano mangyayari yung ganon? Hindi na kami magkikita nun. Hinding hindi na.

Napaparanoid na ata ako. Ang over ko na kasi. Ali, kalma lang. Breathe in, breathe out.

"Nakasimangot ka na naman. Anong problema?"

Tanong ni ate mula sa driver seat.

"Ateeee nakita ko si Mics. Yung lalaking kinuwento ko sayo kagabi."

"O ano naman?"

"Eh. Nagagwapuhan ako sakanya."

"Kaya ka nakasimangot?"

"Oo."

"Ang babaw mo sis."

"Kasi naman. Paano kung magkikita kami ulit? Tapos mauulit yung nangyari? Tapos madulas ako at malaman niyang nagagwapuhan ako sa kanya? Tapos gamitin niya yung pang black mail sakin para ibigay ko yung ice cream? Paano na?"

"Ang OA mo talaga kahit kailan."

"Eh paano kung magkatotoo? Diba? Magiging nasa alanganin na naman ang ice cream ko niyan!"

"Bumili ka nalang kaya nang isang galong ice cream para wala ka nang problema."

"Good idea ate. Hay. Basta. Hindi na rin naman kami magkikita nun. Hinding hinding hindi na."

---------------

Nagkita kami.

May mas gaganda pa ba sa araw na to? *insert sarcastic tone

Eto kasi yun.

*Flashback*

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa mall. Halos isang oras kasi ang biyahe galing sa bahay. Pagka park ni ate nang kotse ay agad akong lumabas. Makapag mall na nga lang para mawala sa isip ko yung Mics na yun.

Agad na dumiretso si ate sa groceries habang ako naman ay nagpaalam na pupunta muna nang NBS. Susunod na lang ako sakanya.

Maraming tao sa NBS nang dumating ako. Meron palang book sale ngayon. Dumiretso ako sa section nang Harry Potter dahil naalala ko na kakarelease lang nang HP and the Cursed Child. Yun nalang muna bibilhin ko. Ayos nga dahil nakalagay na may 20% discount. Mayaman nga kami pero masaya parin kung may discount ang bibilhin.

Kinuha ko ang pinaka malapit sakin na libro at timing nga naman. May isa pang kamay ang kumuha dito.

"Oops. Ako nauna."

Tiningnan ko siya nang masama. Ang saya nga naman oh. Siya na naman. Sabi nang hindi na kami magkikita eh >_<

"Excuse. Me. Mister. Ako ang nauna. Wag ka nang umangal dahil halata naman na ako ang nauna. AKO." Diniinan ko talaga ang word na AKO.

"Sigurado ka? Parang hindi eh."

"Oo. Sigurado ako."

"Tanungin nga natin sila."

Tumingin siya sa kanyang likuran. Una hindi ako sumunod dahil baka hablutin niya lang yung libro. Pero after 5 seconds ay hindi parin niya inalis ang tingin sa likuran niya kaya lumingon din ako.

May nagbabantay palang tatlong babae sa kanya. Parang kaedad lang namin (magkaedad nga kaya kami nito?). Halatang nagpapacute yung mga babae sa Mics nato. Ang haharot nila ha -_-

"Ako yung nauna diba?" Tanong ni Mics sa kanila. Etong mokong nato feel na feel din na may umaaligid sa kanya. Ews.

"Ah-eh oo. Hihi. Miss ibigay mo na sakanya. Gwap- este nauna siya." Sabi ni Girl 1. Pabebe much.

"Oo nga miss. Siya kaya nauna. Kitang kita nang very beautiful eyes ko no." Sabi naman ni Girl 2 na kung makapuri sa mata niya eh wagas. Di naman totoo. Yuck talaga.

"Ibigay mo na kasi. Ayaw mo lang naman bitawan yung libro dahil nakahawak si pogi sa kabila. Ugh. Para paraan ka lang gurl." Itong si Girl 3 mahahampas ko to nang libro eh. Mabuti nalang hindi ko magawa dahil nga sa may nakahawak na stealer sa kabila. Atsaka ayaw kong masaktan yung libro. Sa kapal ba naman nang mukha ni Girl 3.

I just rolled my eyes. Pero hindi ko parin binitawan ang libro. Nagkamali na ako nung una. Ayoko nang maulit yung pagkakamaling yun!

"Ako ang nauna. Marami pang copies jan kaya kumuha ka nalang nang iyo." Pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag sigawan to. Gosh, it takes a lot of effort.

"Kaya nga miss. Marami pang copies jan kaya IKAW ay kumuha nalang nang bago." Sabay ngisi nang nakakaloko.

"A.YO.KO." Diniinan ko talaga yung pagkakasabi.

"Ayaw mo?" Tanong niya atsaka biglang hinila ang libro. Dahil nga sa hawak ko ang kabila eh pati ako ay nahila palapit sa kanya. As in malapit. Like, 3 inches?

Biglang nagpalpitate yung heart ko. I feel butterflies in my stomach. And I feel like, parang naramdaman ko na ito before.

Oh noes. This is not good.

"Paano kung... halikan kita?"

Asdfghjkl. Ano raw???!!! *0_0*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I.W.A.A.L. (Updating)Where stories live. Discover now