Chapter 3

29 2 0
                                    

Kainis naman yun oh!

Nakauwi na ko sa bahay at hanggang ngayon ay bwisit na bwisit pa rin ako. Kakatapos lang naming kumain nang hapunan at ngayon ay kumakain nang ice cream na binili ko. Double dutch nalang kasi nga ubos na yung cookies and cream. Habang kumakain ay nagrereklamo parin ako dahil sa nangyari.

"Yan kasi eh. Madali kang mahulog sa mga nagpapamakaawa at mga nagpapacute. Yan tuloy naisahan ka."

"Eh kasi nga ate, makatotohanan yung ginawa niyang pagmamakaawa. Yung mukha niya eh! He looked so desperate na makuha yung ice cream. Paniwalang paniwala ako dun."

"Ganyan ka naman palagi. Kahit sa mga movies na napapanuod mo palagi ka nalang huli makarealize."

"Iba naman yun no. Actor naman talaga sila. Dapat lang galingan nila sa paga-acting."

"Dinedeny mo pa. Tanggapin mo nalang."

"Napakasupportive mo talaga ate. Thanks very much." Sarkastiko kong sagot.

"Ubusin mo na nga lang yan at magpahinga. Ang ingay-ingay mo. Puro ka nalang ice cream. Kulang nalang maging ice cream yang mukha mo. "

Bakit ko nga ba sinabing mabait to? -_-

Inirapan ko nalang siya at inubos ang ice cream. Pagkatapos ay umakyat nako sa kwarto at naligo. Agad akong humiga sa kama dahil ramdam ko na naman ang pagod. Pumikit ako at tuluyan nang nakatulog.

---------------

Nagising ako nang tumunog na ang alarm clock. Agad ko tong pinatay at nagbangon. Pumasok ako nang cr at naghilamos bago bumaba.

Agad ko namang nakita si ate na nagluluto nang agahan.

"Al may plano ka bang gawin ngayon?"

"Wala naman. Siguro tatambay dito?"

"Pwede mo ba akong samahan? Pupunta ako nang mall. Bibili nang groceries."

"Asan ba si manang?"

"Pinauwi ko muna sa probinsya. Magpapasukan na rin kasi. Aasikasuhin niya pa ang anak niya. Babalik din siya sa sabado."

"Ah ok. Sige pwede rin. Bibili na lang din ako siguro nang gamit ko."

Agad kaming kumain pagkaluto nang agahan. Tumulong din ako sa pagliligpit. Nagtambay din ako sa sala nang ilang minuto bago bumalik sa kwarto para maligo.

*After 1 hour*

"Ali halika na! Quarter to 9 na oh. Baka matraffic tayo!"

"Oo eto na! Palabas na nga ako!"

Dali dali akong bumaba at lumabas nang bahay. Sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan ko pang ilock yung pinto kaya binalikan ko pa. Si ate na rin ang magdadrive dahil pinauwi niya rin si manong driver.

Habang nagbabiyahe ay nakikinig lang ako nang music. After 20 minutes na biyahe ay tumigil kami dahil sa stoplight. Napag-isipan ko namang umaligid sa ibang bumabiyahe.

Patingin tingin ako sa labas nang bintana nang may mahagip ang mata ko. Nandito kasi ako sa likod nakaupo. Sa left side namin ay may isa pang kotse at sa left side nang kotseng yon ay may nakamotor. Nakahelmet yung driver at nakaside view kaya hindi ko gaanong makita yung mukha niya. Pero sa itsura nang kanyang motor at sa kanyang pamorma ay masasabi kong, ang gwapo niya tignan? Hindi ko pa man nakikita yung mukha niya pero iniimagine ko na baka pang artista yung kagwapuhan nito. Ewan ko ba. Abnormal nga talaga siguro ako.

Hobby ko rin kasi yung pag-aaligid sa mga tao. Lalo na ang mga guys. Mahilig akong maghanap nang gwapo at irate yung kagwapuhan nila. Pero hanggang dun lang. Hindi ko naman sila sinastalk o di kaya ay sundan talaga. Kapag dumaan lang sila sa harapan ko o di kaya ay makatabi lang. Masaya yun para sakin eh.

Malapit nang mag greenlight kaya mas naatat akong makita yung driver nung motor. Ano ba. Hindi ba to titingin sa direksiyon ko? Pano kung maabutan na kami nang green light? Hindi ko na marerate yung mukha nun.

Tumingin ako sa stoplight at yun, naging green na ulit ang kulay. Napasimangot ako dahil dun. Binalik ko ang tingin sa nakamotor at laking saya ko nang makitang tumingin siya sakin. Ngumisi siya sakin bago pinaharurot ang kanyang motor.

Loading...1...2...3...

What the heck? Si Mister ice cream stealer yun ah!

I.W.A.A.L. (Updating)Where stories live. Discover now