Carla’s POV:
" I’m sorry Jason, sa kagustuhan kong matupad ang pangarap ko humantong pa tayo sa ganito T_T Mahal na mahal kita, bestfriend.."
*After 5 years..
Jason:
Isa ng Engineer at madami ng napundar na ari-arian. Mayroon na siyang bahay, lupa, at sariling business. Iba pa yung kinikita niya bilang isang Engineer. Kung titingnan ay wala na siyang mahihiling pa. Pero ang totoo, meron pang kulang sa buhay niya. Ang babaeng gusto niyang makatuwang sa buhay niya hanggang pagtanda, si Carla..
Carla:
Sa pagsusumikap niyang maabot ang kanyang mga pangarap, siya ngayo’y isa ng magaling na Interior Designer. Kaliwa’t-kanan ang mga inaalok sa kanyang mga projects. Madami ring clients ang naghahabol sa kanya. At dahil doon ay naisipan niyang umuwi ng Pilipinas at doon magtayo ng business. At umaasa din siyang magtatagpong muli ang landas nilang dalawa ni Jason.
Nang makauwi siya sa Pilipinas ay nagpakalat siya ng plyers at nagdikit ng posters sa mga poste. At dahil business nga iyon, dapat lamang na andon ang contact number niya at ang address kung saan siya matatagpuan.
END OF PART II