Cristines’s POV:
“Hi..Hello..” *wave here, wave there, wave everywhere* “Bakit nilalayuan at iniiwasan nila ako? Ayaw ba nila sa akin? Asan na yung mga nagkakandarapa sa akin dati? Ayaw na ba nila sa akin? Katulad na rin ba sila ni Jason? Na kahit anong gawin ko, kahit magbago ako, di pa rin ako magawang mahalin. True love na ba talaga yung sakanila ni Carla? Hahaha, Masaya na sila ngayon.. Haha, kinasal na sila.. Hahahahaha.. ” Bigla akong nakaramdam ng malamig na likido sa aking pisngi. Naiiyak na naman ako. Iyak-tawa ako. Pero who cares? Tuloy pa rin ako sa paglalakad, pagbati at pagkaway sa mga nasasalubong ko nang bigla ko na namang naalala yung sinabi sa akin ni Jason bago sila ikasal ni Carla..
Flashback:
“Jason wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin? Wala na ba talaga tayo? Ipagpapalit mo na ba talaga ako sa bestfriend mo?” Tanong ko sakanya at nagmamakaawa ako na mag-stay na lang siya sa akin.
“Ano bang pinagsasabi mo Cristine? WALANG TAYO AT KAHIT KAILAN HINDI MAGKAKAROON NG TAYO! SI CARLA NA TALAGA ANG MAHAL KO NUNG UNA PA LANG! So please.. Tigilan mo na ako.. Tigilan mo na kami.. If you’ll excuse me..” There, he left me again for the nth time..
Naalala ko nanaman yun, nag-eecho pa rin lahat ng sinabi niya sa akin nung araw na yun. Iyak-tawa ako habang nakatulala nang biglang..
“Ms.Cristine, may bisita po kayo.” Sabi sa akin ng nurse after niya akong kalabitin. Sinamahan niya ako sa may waiting area. May nakita akong isang matandang lalaki. Sino siya?
“Cristine, anak..” Anak? Tatay ko ‘to? Hindi, hindi maaari. Hindi ko siya kamukha. Hindi ko siya kilala!
“Sino ka? Hindi kita kilala! Nurse, paalisin mo na siya! Hindi ko siya kilala!!!” Sigaw ko. Naghy-hysterical na ako. Naglakad na ako palayo nang biglang sumigaw yung matandang lalaki.
“Anak please, magpagaling ka na! Nami-miss ka na namin ng mommy mo! Please, take your medicine regularly.. Please.. Para makauwi ka na sa atin” Nilingon ko siya. Umiiyak na siya. Tumalikod ulit ako pero bago ako tuluyang umalis, nagsalita ako.
“Hindi. Hindi kita kilala.. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Andito ang pamilya ko, at dito ang tahanan ko.. Dito ako nakatira sa “Nakakabaliw ang Sobrang Pagmamahal Mental Hospital” at sila ang pamilya ko.” Sabay turo sa mga taong nasa loob ng lounge. “Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Hinihintay na ako ni Jason my loves!” Sabay tawa at pakanta-kantang pumasok sa kwarto ko.
“Balang araw, mapapa-sakin ka rin Jason! Balang araw..Tandaan mo yan! Mouahahaha >:D”
THE END :D
------------------------------------------------------------------------
A/N:So, how was it? Ok lang ba? Pangit? Maganda? How's the ending? It sucks yeah? Haha sorry po first story ko 'to. First time ko lang po magsulat ng story..